Chapter 27

25 6 0
                                    

Chapter 27: Love's Sad

Ilang araw ang nakalipas at nakalabas narin si xyeina sa private room niya, pero di niya na kasama si cyrus dahil kailangan na siya sa office, pero papasok narin siya kinabukasan.

"Xyeina" tawag sakanya ni xylene. napalingon siya sakanya.

"Bakit ate?" sagot niya habang inaayos yung laptop.

"Malapit na yung graduation, gagraduate kana." masayang wika ni xylene, napangiti si xyeina pero nawala ito nung natandaan niyang aalis si cyrus dahil kailangan niyang mag aral don.

"Ah-h oo nga" medyo nauutal na wika pero di naman napansin ni xylene kaya napangiti nlang siya, pero sa totoo. ang lungkot ni xyeina sa loob looban niya.

"Sigeh ate, lalabas lang muna ako." ani ni xyeina, pinayagan naman siya nito kaya nagpunta na siya sa rooftop.

Pagkaakyat niya don, naiyak nalang siya bigla, naiisip niyang may taong importante sakanya na mawawala sa tabi niya. Di niya mapigilan yung iyak niya at napatingin nalang sa malayo.

"Bakit kailangan pa may mawala!" sigaw ni xyeina na nagpalala sa iyak niya. Iyak nalang siya ng iyak dahil sa nangyayari.

 Naalala niya lahat ng taong nawala sakanya, ang mommy niya, daddy niya, pati pa ba yung taong importante sakanya.

"Xyeina." tawag sakanya ni cyrus mula sa rooftop door. Napalingon si xyeina kay cyrus, at agad pinunasan yung luha niya na napansin ni cyrus.

"Umiiyak kaba?" tanong ni cyrus kaya lumapit na siya kay xyeina. Nginitian lang siya ni xyeina pero di parin mawawala yung bakas na umiyak siya.

"Umiyak ka nga." nag aalalang wika ni cyrus, "Hindi ah, tawa nga ako ng tawa ehh" tanggi ni xyeina, kumunot ang kilay niya "Tumatawa ka pero bakit basang basa yung buhok mo?" sabi niya tsaka pinunsan yung buhok niya.

"Shempre, grabe yung tawa ko" tanggin niya pa ulit, nag pakita ng pagaalala si cyrus

"Pero bakit mag isa kalang?, baliw ka naba? bakit ka tumatawa magisa?" takang tanong ni cyrus, pero pilit paring tinatago ni xyeina yung totoo "Nag joke yung utak ko, bat ba?" palusot niya, niyakap na siya ni cyrus "Sabihin mo na" wika niya, di na napigilan ni xyeina na maiyak sa damit ni cyrus, pero hindi yon pinansin ni cyrus.

"Diba? sabi kona eh. bakit?" wika ni cyrus, umangat yung tingin ni xyeina kay cyrus at agad naman pinunasan ni cyrus yung luha nito.

"Diba, a-alis k-kana, i-iwan mona ako?" nauutal na iyak ni xyeina kay cyrus, nalungkot naman si cyrus sa sinabi niya

"Wag mo nang alalahanin yon, malayo pa" comfort niya na mas nagpalala pa sa pag iyak ni xyeina.

"Eh pagkatapos na yun ng graduation diba?" tanong ni xyeina, di kaya ni cyrus magsinungaling kay xyeina "Sorry, diba sabi ko naman kailangan eh" sagot niya.

"Hayaan mo, makakamove on din ako saatin, at makakahana--" 

"Tangina, wag na wag mo akong papalitang xyeina ka, ipromise mo sakin na ako lang." putol ni cyrus kay xyeina, kaya nabigla naman siya agad.

"Lah, di pwe--"

"Hindi, pwede yon. ako lang, ako" reklamo niya

"Edi wow" asar na wika ni xyeina na dapat babalik na sa loob pero hinila siya ni cyrus at tsaka hinalikan sa labi. Nabigla si xyeina sa ginawa ni cyrus pero di ito kumalas.

"Xyeina. please. seryoso ako, wag mo akong ipagpapalit talaga, mahal na mahal kita kung alam mo lang, ang pagmamahal na yun. walang kapantay yon." ani ni cyrus sakanya bago yakapin siya.

"Itatry ko, sana nga. di kita mapalitan" pag-aalala ni xyeina na baka mapalitan niya si cyrus, obvious narin naman na mahal narin ni xyeina si cyrus.

"Wag mo akong ipagpapalit ah, i love you." bigkas ni cyrus kay xyeina.

"I love you too." sagot niya naman, for the first time, sumagot na si xyeina sakanya.

---

Xyraine's P.O.V.

Kumakain na kami ngayon ng tanghalian, kasama ko sila jade, silang lahat. Si ate xyeina nalang kulang, di ko na ganon nakakasama kasi busy siya masyado, pero okay lang. Alam ko isang araw din naman magkakasama din kami uli, sana nga..

Miss na miss ko na yung ate ko, si ate xylene nalang lagi, siguro ginagawa lang niya to para ibalik lahat ng dapat gawin kasi nga diba, nagkahiwalay kaming tatlo sa una palang. Alam ko dahil naman sakin nagkahiwalay kami, kaya nga gusto kong gumanti sakanya eh, siya yung nagpatagpo samin ni ate xylene, tapos siya pa yung magtatrabaho para samin ni ate, nabibigyan kami ng libreng tuition fee dahil nagtatrabaho siya.

Nakwento rin sakin na si ate xyeina daw ang pinaka nasaktan nung nawala si tita xyana, yung mommy nila, kasi kaming dalawa ni ate xylene lumaki ng may kasamang magulang kahit kaunting panahon lang, nung kinuha daw kasi si ate xylene, nakasama niya si daddy tapos natigil yon nung inenroll siya dito, tapos ako kasama si mommy at daddy, and si ate xyeina; si tita olivia lang nag alaga sakanya, never nga siyang binalikan ni daddy kaya alam kong galit siya kay dad.

"Oy, xyraine, ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong sakin ni jade na nakapag pabalik sakin sa dati.

"A-ah, sorry. bakit may sinasabi ka ba?" tanong ko, napangiti si jade. "Nagaalala lang ako, baka ano na yung pinagiisip mo" sagot niya sakin, natawa naman ako.

"Hindi ahh, may iniisip lang talaga ako, sorry kung naistorbo kita." wika ko sakanya, "Okay lang, kumain kana" sabi niya.

Kumain nalang muna ako habang yung iba samin nagkekwentuhan.

"Ate diana, aalis na pala kayo ni jade at xylene dito next month noh?" tanong ni marco kay diana, tumungo si ate diana.

Oo, aalis na sila. Magcocollenge na si jade,diana at ate xylene. Ewan ko nalang kay president cyrus, nabanggit kasi sakin ni ate na aalis daw si cyrus eh.

"Oo, sasama kaba?" tanong naman ni jade sakanya "Dito lang ako noh, mag aaral pa ako." sagot naman niya.

May iba rin palang nangyari, nagbreak na si marco at chancel, dahil nga sa career nila, pero friends parin sila; , nakakatuwa.

"Kumain nga muna kayo mga buraot" saway sakanila ni ate

"Awit, may manliligaw ka nanaman noh?" tanong ni chancine sakanya, "Magkakaroon pa lang, charrr" biro ni ate samin, kaya natawa naman kami.

.

.

.

.

.

.

Kung nandito lang si ate xyeina..

The Demon's Bride | BOOK 1 | DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now