Chapter 32: Bye
Naghanda na nga sila si xyeina dahil paalis narin sila sa hotel dahil malapit na yung flight nila. Napahinga nalang si cyrus ng malalim tsaka niyakap siya xyeina galing sa likod kaya nabigla naman si xyeina pero di niya ito tinaggal.
"Bakit?" tanong ni xyeina, ngumuso nalang si cyrus dahil sa lungkot.
"Hayy, nako. Babalik kadin naman diba cyrus? wag mo nakong aalahanin. Okay lang ako, ikaw, dapat isipin mo yung sarili mo" banggit sakanya ni xyeina, pinangiti niya naman to kahit nang kaunti.
"Eh, mamimiss kita eh. hmph, sinusumpa ko dun sa lalaking gustong umagaw sayo mula sakin kikidlatan sila ng kulog, tignan mo!" biro niya na nagpatawa naman kay xyeina,
"Baliw ka talaga noh? cyrus traison? bilisan mo na paalis na tayo" ani ni xyeina tsaka kinuha yung bagahe niya. Sabay na silang lumabas at umalis ng hotel.
Pagsakay sa kotse, di parin maiwasan ni cyrus na hindi yakapin or mahawakan si xyeina kaya nakayakap siya ngayon kay xyeina,
"Clingy ka? HAHA" asar ni xyeina sakanya, naasar naman si cyrus at pinalo si xyeina in a gentle way.
"Nako, mababaliw talaga ako sa london pagbaba ko dun. mamimiss kita." malungkot na sagot ni cyrus, ngumiti naman si xyeina
"Ilang beses mo na sinabi sakin na mamimiss mo ko, unlimited ka cy?" natatawang tanong sakanya ni xyeina, ngumiti naman si cyrus
"Ewan ko, unli ako basta ikaw, yiee" asar ni cyrus kaya natawa naman si xyeina.
Ilang minuto rin ang nakalipas at nakarating narin sila sa airport. Inalalayan naman ni cyrus si xyeina sa mga bagahe niya dahil marami ding dala si xyeina.
Napahinga nalang si cyrus ng malalim dahil sa mangyayari mamaya.
Nagpunta na nga sila xyeina sa lobby na aiport para isubmit yung ticket nila tsaka sila nagtungo sa lounge para hintayin yung flight nila,
onti nalang ang tao sa airport since may sakit na kumakalat pero pwede pa naman lumipad ang mga eroplano pero pili nalang ang mga lugar na pupuntahan nito.
"Xyeina" tawag ni cyrus kay xyeina kaya napalingon naman ito. "Hmm?"
"Pwede bang may ipromise ka sakin ngayon hanggang pagbalik ko?" tanong ni cyrus sa kanya, kumunot naman ang kilay ni xyeina at tsaka nagkaroon ng lakas para magsalita "Ano ba yun? importante ba?" tanong niya, Tumungo si cyrus at tsaka nagsalita:
"Xyeina, pwede mo bang ipromise simula ngayon hanggang bumalik na ako na hindi moko pagpapalit?" tanong ni cyrus, nanlaki naman ang mata ni xyeina,
"U-uh, Cyrus. Hindi ko alam kung kaya ko kasi medyo mahirap ang pinapangako mo. Hindi ko ipapangako pero sige, itatry ko, okay?" sagot sakanya ni xyeina, may halong lungkot at saya ang emosyon ni cyrus nung narinig niya ang sagot ni xyeina.
"Sige, magpahinga ka nalang para pagalis may lakas ka." ani ni cyrus kaya natulog muna si xyeina para makapagpahinga dahil aalis narin sila mamaya.
Kahit nga sinabi ni xyeina na itatry niya, mas lamang parin ang lungkot sa saya dahil ayaw ni cyrus na mapalitan siya ng iba.
Nakatulog narin nga si cyrus dahil sa pinagiisip niya, umasa nalang siya na magagawa ni xyeina na hindi siya kalimutan at ipagpalit kahit di pa sila.
1-hour later...
"Cyrus. Gumising kana. Aalis na tayo." ani ni xyeina habang ginigising si cyrus kaya nagising naman ito. "Ahh. Sige. Tara na kailangan na ata natin pumila." sagot ni cyrus tsaka kinuha ang bagahe niya at naglakad papunta sa row nila.
YOU ARE READING
The Demon's Bride | BOOK 1 | DISCONTINUED
RomanceA group of friends decided to educate in korea, the school exclusive for there same kind But in getting in to that university, There will be a loved made, that caused a very huge problem at the university's government, Will they be able to continue...