Chapter Seven

839 29 6
                                        

Pagdating sa bahay nila kahit busog napilitan pa rin na maghapunan si Julie kasama si Frencheska at ang pamilya. Gusto na niyang magpahinga na sana dahil sa pagod at sakit ng katawan naramdaman.

"Maqui, mukhang pagod at walang tulog yata itong best friend mo?"
Simulang tanong ng ama ni Julie.

"Hay naku tito Jo pasencya na po kayo at nagka sarapan---"

Biglang napaubo si Julie sa sinabi ni Frencheska.

"Okay ka lang ba anak?"

Nag aalalang tanong ng ina niya.

"No worries Ma, antok lang ako."

"Mga kaibigan po namin kasi sa Party P ang kasama naming uminom tito ayun di namin namalayan naparami na ng inom"

"So napasubo pala ito sa inoman?"
Seryosong tanong ng ama ni Julie.

"Lahat po kami tito, ladies drink lang naman sa aming mga girls and Johnnie Walker at Vodka naman sa mga boys."

Medyo kinabahan si Frencheska baka mapagalitan siya ng ama ni Julie. Magkatinginan silang mag best friend.

"Ano ba kayong dalawa? May mga ginawa ba kayong hindi namin magustohan? Mukha niyong dalawa parang nakagawa ng kasalanan na ewan... Bakit tense na tense kayo? Nagtatanong lang naman kami. Haha"

Pagpuna ng ina ni Julie sa kinikilos nila ng best friend niya.

"Hahaha tita wala naman po. Napasobra lang po talaga kami ng inom, pero wala po kayong dapat ipag alala mga kilala niyo naman po ang mga mababait na boys ang kasama namin tsaka puro barkada naman naman lahat ang nandun."

Paliwanag naman ni Frencheska na nakangiti, ayaw na niyang mahalatang tense nga sila.

"Ano nga pangalan ng grupo niyo Maq? Ti?"

"Tikis po." sagot ni French.

Hindi alam ni Julie pero parang kinabahan siya bigla.

"Ah oo Tikis nga pala. Alam niyo nanaginip ako kagabi na kasama niyo si Elmo nagparty." sabi ng ina ni Julie

Nanlaki ang mata ni Julie sa narinig, napalingon bigla sa kanya si French. Hindi naman alam ni French ang isasagot at buti na lang sinalo ni JM.

" Di ba Tikis si kuya Moe. So nandun din siya ate Maq?" akala nila na save na sila ni JM.

Napaubo uli si Julie muntik nang mabilaukan. Maagap naman si Maq inabot kaagad sa kanya ang baso ng tubig.

"Hala ang oa naman ate. Nabanggit ko lang si kuya Moe.. Hahaha"

"Oo nga noh, so nandun si Elmo Maq?" tanong ng ama ni Julie.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Wala namang problema kung nandun si Elmo. Buti nga yun para makapag usap sila ni Julie."

"Oo nga nak bakit ka namumutla dyan? Nabanggit lang si Elmo eh. Naku! Patay tayo dyan!"

"Bakit po Pa? Bakit patay tayo dyan?" tanong naman ng bunso nilang si Jac sa ama nila.

"Eh ang ate mo oh parang hindi pa nakamove on ang reaction."

"Papa ang tagal na nun... Actually na-nandun nga siya. We ano, we---"

"Bakit nag stutter ate? Kuya Elmo lang ang peg? Hahaha nag kiss and make up kayo, ganern? Hahaha" pang aasar pa ni JM sa ate niya.

Nang marinig ang kiss na word, pinagpawisan si Julie. Guilting-guilty siya. Ngayon lang nag sink in sa kanya ang nangyari sa kanila ni Elmo, pano kung mabubuntis nga siya? Di lang isang beses nilang ginawa so may possibility talaga, kadalasan pa naman ang mga unang beses nangyari nagbubunga at naalala niya ang kaibigan na si Sarah Lahbati. Isa siya noon sa sinabihan nito nang mabuntis ito ni Richard Gutierrez.

False-heartedWhere stories live. Discover now