Chapter Nine

1.2K 27 30
                                        

True to his words hindi nga ginambala ni Elmo ang bakasyon ni Julie kasama ang pamilya nito sa Japan.

Tanging sa instagram ng dalaga siya nakakuha ng updates kung saan at ano ang mga ginagawa ng dalaga, palagi din siyang nakaabang sa mga post sa ig story, constant viewer na siya sa ig story nito. At sa bawat post ng pictures nito mas lalo itong gumaganda lalo na walang make up ang dalaga mas nananabik siyang makita ito muli ng personal.

Tulad ng gusto ni Julie na tiyakin muna sa mga sarili nila kung ano nga ba ang gusto nila at kung ano ba talaga ang nilalaman ng puso nila, binigyan naman niya ng pagkakataon ang sarili na makasama si Ryanne, he spent his Christmas with Ryanne and her family. But instead na ma distract siya sa presensya ni Ryanne at pamilya nito mas lalo niyang na mimiss si Julie at mas naramdaman ang mas malalim na pagmamahal sa dalaga. Sa pagkakataong ito nakapag desisyon na siya, at sure na siya sa magiging desisyon niya. Oo nga, mabait si Ryanne at isa ito sa naging sandalan niya nang panahon na sobrang down na down siya, but hindi pa rin valid reason yun na ipagpatuloy ang relasyon nila, masasaktan at masasaktan niya lang ang damdamin nito. At ayaw na rin niyang dayain ang sarili at mas lalo niya itong sasaktan kong ipagpatuloy niya pa ang relasyon nila. Tama naman si Maqui, Ryanne deserves someone better, someone that will truly love her.
Napagpasyahan din ni Elmo na palipasan niya lang ang bagong taon para kausapin si Ryanne ng masinsinan.

Lumipas ang mga araw para na siyang mababaliw sa kakaisip kay Julie. Gusto niya itong tawagan pero pinigilan niya ang sarili, gusto niyang makapag isip ito ng mabuti at makapagpasya ng desisyon ng walang impluwensiya ng kahit ano o sino, yung sarili mismo niyang desisyon. Sa kabilang banda nag aalala din siya, dahil kilala niya ito palaging nangingibabaw dito ang ikonsedera ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya.

Naiinis naman si Julie sa sarili dahil madalas pa rin niyang naiisip si Elmo. Si Kim ang palaging tumatawag sa kanya every chance he gets, walang palya. At ayaw man niyang aminin inaasahan niya na tatawag o mag chachat man lang sana si Elmo sa kanya ngunit hindi nito ginawa, palagi naman niyang napansin ang pag view ng binata sa bawat ig story niya pero nagtataka siya bakit hindi man lang mag effort na tawagan siya, and she hates it thinking na siya lang parang mababaliw na sa kakaisip dito ngunit parang balewala lang ito sa binata. Minsan bago matulog umiiyak siya, hindi niya alam bakit sobrang na mimiss niya ang binata, at gustong-gusto niyang makita ang mukha at marinig ang boses nito ngunit dahil feeling niya nagbago na ng isip ng binata at balewala lang ang lahat dito pilit din niyang kalimutan na lang kung ano pinag usapan nila at nandyan naman si Kim na consistently na nandyan todo effort na iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito sa kanya. At nakapag pasya na rin siya. Pag uwi niya makikipagkita siya kay Elmo at pag usapan ang dapat nilang pag usapan, once and for all para matapos na ang lahat na gumugulo sa isip niya.

Hindi na namalayan ng dalaga ang mga araw, dahil sobrang na enjoy nila ng pamilya niya ang christmas vacation nila. Ang bilis ng araw, at ngayon December 30, 2019 ngayong din ang araw na uuwi ng Pilipinas si Julie at ang pamilya niya.

Lumapag ang eroplano na sinakyan nila pasado alas nuwebe ng umaga. Sinundo sila ng driver nila, nasa daan pa lang antok na antok na siya kaya pagdating sa bahay nila, umakyat na kaagad siya sa kwarto niya bago siya pumikit ng mga mata niya narinig niya ang sinabi ng mama niya na nalatayo sa pintuan ng kwarto niya.

"Julie, anak 2pm ang call time mo mamaya para sa New Year's countown niyo, pinapasabi ni Sue."

"Okay po Ma. Matutulog po muna ako Ma. Antok na antok na ako eh."

"Kanina ko pa nga napansin, o sige matulog kana muna. Gigisingin na lang kita mamaya."

"Okay po Ma. Salamat po."

Umalis na ang ina niya at natulog na din siya.

Makalipas ang ilang oras ginising na siya ng mama niya.

False-heartedWhere stories live. Discover now