Kinabukasan hirap bumangon si Julie dahil ang sama ng pakiramdam niya. Masakit ang katawan at nilalagnat na siya.
Nagtataka naman ang mga magulang niya kung bakit alas diyes na ng umaga hindi pa rin siya bumaba para mag almusal. Kaya pinuntahan na siya ng ina sa kwarto niya. Kumatok muna ito, ngunit naka apat na beses na itong kumatok hindi pa rin sumasagot si Julie kaya napilitan itong pumasok na lang sa kwarto.
"Julie? Nak gising na, past 10 am na. Bangon ka na at mag almusal."
Gumalaw ang dalaga hindi para bumangon kundi para tumagilid sa kabilang side.
"Julie Anne? Ano bang nangyayari sayo?"
Inalis ang comforter at hinawakan ng ina ang kanyang balikat para sana yugyogin para magising siya.
"Susmaryosep! Julie Anne bakit hindi mo sinabi na masama pala pakiramdam mo? Inaapoy kana ng lagnat, bakit-para ka pa ring bata. Hay naku Julie!"
"Hmmn. Good morning Ma. Ang sakit-sakit ng ulo ko."
"Paanong hindi sasakit ang taas-taas ng lagnat mo. Bakit kasi inumaga na kayo umuwi, alam mo namang hindi ka hiyang sa mga ganyan. Naglasing."
Hindi nila namalayan nasa loob na rin ng kwarto niya ang kanyang ama, nang natagalan ang asawa pumanhik na rin ito.
" Oh anong nangyayari diyan? Bakit nakahiga pa rin yan?"
"Hay naku, itong anak mo parang bata pa rin. Hindi man lang sinabi na may lagnat pala."
"Asikasohin mo na lang yang panganay mo mahal, papanhikin ko na lang dito si manang para makakain na yan. Minsan lang mag enjoy yan, nilaganat pa."
"O sige, pupunasan ko muna to. Pakisabi na rin kay manang magdala ng gamot para sa lagnat."
At bumaba na ang ama ni Julie. Pinunasan naman ng ina niya ang kanyang buong katawan, at kahit papano nakaramdam siya ng ginahawa. Dumating ang katulong na may dala-dalang pagkain at gamot.
Pinasandal siya sa headboard ng kama at sinubuan ng ina. Kahit wala siyang gana kumain pinilit niya ang sarili dahil iinom siya ng gamot kailangan may laman ang tiyan niya.
Matapos kumain uminom na siya kaagad ng gamot at nagpasalamat sa ina niya.
"Thank po Ma."
"Magpahinga ka lang dyan, matulog ka uli."
"Opo Ma" tinakpan ang sarili ng comforter at nakatulog naman kaagad.
Bandang alas dos ng hapon ng magising si Julie. At dahil mabuti-buti na ang pakiramdam niya napag desisyonan niya na bumaba para kumain ng tanghalian. Matapos mag freshen up bumaba na siya. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng marinig ang isang familiar na boses.
At hindi nga siya nagkamali. Boses nga ng boyfriend niya na masayang nakikipag kwentohan kay Joanna.
Nang makita siya ng nobyo tumayo naman kaagad ito at sinalubong siya.
"Surprise beh." nakangiting bati ng binata, lumapit, humalik sa pisngi niya at nagyakap pagkatapos.
"H-hi beh." inakbayan siya ng binata.
"You're sick daw?"
Biglang nakonsensya naman si Julie dahil naalala niya ang dahilan kung bakit siya nagkalagnat.
'Haist! This is harder that i though. I'm really sorry Kim'"
"Yeah, lagnat lang naman. W-we went out kasi last---" hindi niya natuloy ang sasabihin nang malaalala na hindi niya pala nasabi dito ang pagpunta ng Valkyrie last Sunday.
![](https://img.wattpad.com/cover/216918298-288-k717643.jpg)
YOU ARE READING
False-hearted
FanficPeople say that "the first time you will fall in love, it will change you forever that no matter how hard you try, such feeling will never fade." And Elmo Moses Arroyo Magalona is her first love. She's not his first love but Julie Anne San Jose is...