7th Fall
My job is pretty simple. They will hand me a list then I'll check if these are still in the site. I was really attentive when he told me what to do.
Matapos niya ako hilahin ay nagpunta kami sa table niya. He had his own tent. Mas malapit ito sa mismong hotel kaysa doon sa tent ni Papa.
Tahimik ang lahat sa loob ng tent. Ang ibang mga workers ay sobrang busy pero ang ilan ay napapalinga sa akin minsan. Tinutukan ko na lang ang mga papel na ibinigay nila sa akin kanina.
"Ms. Albrecht, let's go."
Agad akong napatayo nung nagsalita si Rigo. Oras na siguro ng inspection. Kinuha ko sa table ang clipboard tsaka sumunod sa paglalakad niya.
Kailangan ko pa atang tumakbo para lang masundan ang mga lakad niya. Ngunit sobrang bilis niya kaya naman nahuli talaga ako. Idagdag pa ang pagtungo ko sa mga workers na bumabati sa akin.
"Ms. Albrecht..."
Hindi ko alam na tumigil si Rigo sa paglalakad. I end up bumping his back. At katulad nung sa field ng MIA ay nakuha ko ang impact nito.
Pumikit na ako at inaasahan na babagsak sa lupa. But again, he caught me before falling down.
"Be careful!" Singhal niya.
His arms are still around my tiny waist. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa tyan ko. I instantly blushed.
"I'm sorry." Ani ko sa mahinang boses.
Nakakahiya!
He deeply sighed. I can sense his frustration as he look at me. Inayos na niya ang tayo ko. Ako naman ay hindi makatingin sa mga mata niya.
Nagulat naman ako sa sunod na ginawa niya. He removed his coat. Matapos ay ipinulupot niya ang manggas nito sa bewang ko. The coat covered my legs to my shin.
"You're dress is too short. Wear a pants next time please."
Lalo akong namula sa kahihiyan. Akala ko pa naman ay mapupuri ang pananamit ko. Hindi pala! I should've stick with my oversized shirt and jeans.
"Are we clear, Ms. Albrecht?"
Mabilis akong tumango tango bilang sagot.
"Amara, call me, Amara." Sabi ko na nagpatigil sa kanya.
He seriously nod at me. Afterwards he handed me a hard hat. I was kinda hoping he would put it for me again but he just gave it to me. Inabot ko naman ito at isinuot habang mataman niya akong pinanood.
Nagpatuloy na ulit kami sa trabaho. Naging tahimik naman ako na nakasunod sa kanya. Ayoko na ulit mapahiya kaya naman ay naging seryoso na rin ako sa ginagawa ko.
After the inspection, we went back to his tent. It was already afternoon. Ang ilang workers sa loob ay nag aayos na para umalis. Ako naman ay hindi alam ang gagawin. Nanatili akong nakaupo habang pinapanood sila.
Nilingon ko naman kung nasaan si Rigo Psalm. He is still talking with the other engineers. He had a stoic face but it doesn't made him less handsome.
I unconsciously smiled as I watched him from my seat. Araw araw kong mapagmamasdan ang perpekto niyang mukha. From his blonde hair, to his brown eyes, to his chiseled jaw and to his reddish lips.
Ano kayang pakiramdam na mahalikan niya?
Naibagsak ko ang clipboard na hawak. Oh God! What am I thinking? Mahalikan? Really, Amara Vallerie?
BINABASA MO ANG
Falling Inevitably
Genel Kurgu𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟸 𝙏𝙝𝙚 𝙀𝙣𝙜𝙞𝙣𝙚𝙚𝙧 Amara Vallerie Albrecht is a very smart, fashion terrorist, shy girl. Being insecure with her sister, Amanda, who gets all the attention, she commit herself to never disappoint her parents. No...