17th Fall

2K 68 10
                                        

17th Fall



"Engr. Albrecht!"

Sinalubong agad ako ng mga ilang workers pagkarating ko sa site. Nakita ko ang ilang media na nakaabang na para sa groundbreaking ng hotel namin.

Si Ate Liera ang lumapit talaga sa akin. Siya iyong nakatrabaho ko dati sa site sa Taguig. Hindi ko alam na nagtatrabaho pa rin pala siya sa mga Lexington. I'm glad she's part of this project too because I'm already comfortable with her.

"Engr--" naputol ang sasabihin niya nung tinaasan ko siya ng isang kilay. I told her to call me by my name kapag kami kami lang. Wala pa naman kami sa opisyal na trabaho. "---Vallerie, I can't find your papers. Walang lumalabas na pangalan mo."

I smiled before answering her. "Ako na lang mag aabot sa'yo."

Hindi niya talaga mahahanap iyon. Tumango siya sa akin bago ako iwan. Nahagip ng aking mga mata ang aking kapatid. She's with our parents. Alam kong nauna na sila sa akin sa pagpunta rito.

Mama noticed me and she gestured me to come over. I politely shook my head. Ayoko makisali dahil isa lang ako sa mga engineers ng projects na ito. I am already contented from where I am. Nasa tabi at nanonood habang nagsisimula na ang groundbreaking ceremony.

The world seems to stop as a man walked towards my family. Halos lahat ng nasa media ay napalingon din sa pagdating niya. Siya tuloy ang naging pokus ng nga camera nila.

Who wouldn't notice Rigo Psalm Lexington? With his greek God looks and oozing sex appeal. Who wouldn't want him? He was wearing a suit. He's very formal.

Sinalubong siya agad ni Ate Amanda ng halik sa pisngi. Ibinaling ko sa iba ang aking mga mata. I could still remember the things he have done during that night. Laking pasasalamat ko dahil hindi na niya ako sinundan nung pumunta na ako sa kwarto ko. Siguro ay bumalik na ito sa hapag.

The next morning, my sister just called me rude. Kagigising ko lang nuon nung sinabi niya ito. Bakit hindi na raw ako bumalik sa dinner pagkatapos ko mag excuse. Can't she tell that I want to rest? Ayoko na rin bumalik gawa ni Rigo. We argue a bit but I was the one who concede. Ayoko palakihin.

Nakipalakpak ako kasabay ng mga tao. I sighed inwardly. This project has officially begun. Three months, ito lang ang hihintayin ko bago umuwi.

Nagsimula ng ang trabaho ngayong araw. Sinundan ko si Ate Liera kung saan ang tent namin. Unluckily, I'm with Rigo because I'll be the assisstant engineer. Dapat lagi raw ako nakadikit sa kanya.

Habang inaayos ko na ang lamesa ko ay may isang grupo ng tao na pumasok sa tent. Nakilala ko agad ang ilang engineers. Kasama duon si Rigo.

Tumingin siya sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin. I focused myself on organizing my things.

"Vallerie, tawag ka."

Inangat ko ang tingin kay Ate Liera. Siya ang bumulong sa akin nito. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Rigo na nakatingin sa amin.

Lumapit ako sa malaking lamesa kung nasaan nakaupo ang mga engineers. May briefing nga pala si Rigo sa amin. Kahit talaga iwasan ko siya, wala akong magagawa.

It lasted only for fifteen minutes. Naging tututok na ako sa pakikinig dahil talagang magsisimula na kami. Matapos ay nagtayuan ang mga enginners. Sa kabilang tent pala sila.

Nanatili pa rin akong nakaupo habang may sinusulat pa sa ipad ko. I then heard someone cleared his throat. I know it's him but I didn't look at him.

"Engr. Albrecht..."

I sighed as I finally look at him. He was holding the blueprint. Nakuha ko agad ang ibig sabihin niya kaya lumapit ako sa kanya.

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon