9th Fall

1.7K 44 1
                                    

9th Fall



I am so stupid. I already had the chance but I took it for granted. I was just too scared that time. I panic and ran away.

Pinili ko na lamang na umuwi ng bahay. Hindi ko na kayang magpakita sa kanya sa dinner ng team. Mabuti na lamang at wala pa si Mama nung makauwi ako sa mansion.

My tears are already streaming down to my face. Daredaretso akong naglakad papasok. Some house maids are greeting me but I just passed them.

Nung makapasok sa kwarto ko ay hindi ko na napigilang humikbi. Nilingon ko ang cabinet kung nasaan ang mga certificates at medals ko.

Ate Amanda can receive it all without lifting a finger. Napakadali sa kanya ng lahat. Minsan ay naiinggit na talaga ako sa kanya.

While I have put almost all of my life in making my parents proud. I wasn't going to inherit the business, I knew that from the very start. But I sometimes want to question my parents if she deserve it.

I feel really insecure. I always belittle myself. They were not contented with everything I do. I knew it.

And when it came to me that Rigo felt the same way, I instantly felt scared. If I wasn't enough for my parents, how can I be enough for him?

I'll never be enough. He's too much. He doesn't deserve someone like me. He deserve someone who's more beautiful and confident about herself. Not me.

Siguro ay hanggang duon lang ang pagsasama namin. That summer full of our memories. I'll never forget our time together. I should probably forget my feelings for him.

Stop it already, Amara Vallerie. You're not ready for it. You're a coward.

I deeply sighed.

"Ano bang problema mo, Amara Vallerie? Wala ka ng ginawa kung hindi bumuntong hininga?!"

Nilingon ko si Porsha na nasa tabi ko. Then I looked around the auditorium. Nasa general assembly kami ng MIA for freshmen. This is one the event that we'll still be together. Pagkatapos kasi nito ay magkaiba na kami ng building. She's taking Culinary Art while I'm taking Civil Engineering.

Ang natitirang isang linggo kong bakasayon ay ginugul ko sa pagmumukmok sa kwarto ko. I cried almost every night because of regret and stupidity. Kung hindi ko pa naalala na simula na ng pasukan ay hindi ako lalabas ng kwarto ko.

Hindi ko itatanggi na minsan ko na siyang gustong i-contact. Gusto kong alamin kung nasaan na siya. Ano bang ginagawa niya ngayon. May bago ba siyang project.

I sighed again.

"Isaac!"

Ang lakas talaga ng boses ni Porsha. Halos lahat ng estudyante ay napalingon sa amin. Sinundan ko ang mga mata niya at nakita si Migo na naglalakad palapit sa amin.

Isa pa ito. Sa sobrang busy ko sa summer job ko sa site at kay Rigo ay hindi ko napansin na sobrang dami na pala niyang dm sa akin. Nahihiya naman akong magreply dahil sobrang late na.

He smiled to us so I smiled back. Kahit pilit.

"Hey, Val, Porsha." Bati niya nung makalapit.

He sat beside me. Nasa kanan ko siya at si Porsha naman ang nasa kaliwa ko. Napansin ko na medyo naging tan siya. Nakita ko nga sa mga post niya na nag Maldives sila ng pamilya niya. Kasama kaya nila si Rigo sa bakasyon na iyon? Hindi kasi siya kasama sa mga pictures na pinost nito. Maybe he wasn't there.

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon