37th Fall

1.7K 45 8
                                    

37th Fall



"Ma'am, ito po ang pagkain--"

Mabilis kong hinagis sa pader ang wine glass na hawak hawak ko.

"Sinabi ko bang dalhan mo ako! Lumayas ka nga sa harap ko!" Galit na sigaw ko.

Nakita ko kung paano natakot ang kasambahay at mabilis na tumungo. I suddenly felt guilty because of my action. Hihingi sana ako ng paumanhim pero mabilis na siyang nakalabas ng kwarto.

It's been a week since my sister's burial. Pagkauwi ko mula sa libing ay nagkulong ako sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain kahit nagugutom na. Tanging tikim lang ang nagagawa ko. The housemaids are the one who have been delivering my needs. Kahit alak ay pinapadala ko rin sa kanila.

And for the past days, I felt being numb all of a sudden. Hindi kinaya ng sistema ko ang sakit na nararamdaman kaya naman naging manhid na ito. I even can't think straight anymore. Bigla rin akong nawala ng pakialam sa lahat.

I am grieving. So hard. I can't accept my sister's death. Kasalanan ko ito. Kung mabilis lang akong kumilos ay naabutan ko pa talaga siya. I could've save her.

Hinablot ko ang bote ng wine at dito na lumagok. Alcohol's been with me. Ito ata ang nagpapamanhid sa akin.

Another knock from my door caught my attention. Napailing na lamang ako at hindi pinagbuksan ang kung sino mang tao ang naduon. Tumayo ako mula sa kama at muntik pang madapa.

I'm already dizzy. Kahit pagewang-gewang ay pinilit kong maglakad papunta sa balkonahe ko. Agad ako tumapat sa railings at hinarap ang balkonahe ng kwarto ng kapatid ko.

I almost shrieked when a hand took away the wine in my hand. Nilingon ko ito at nakita ang galit na mukha ni Rigo.

"You've been ignoring my calls," Matigas na sabi niya.

Tumaas ang gilid ng labi ko. I then rolled my eyes at him. Hindi lang naman tawag niya ang hindi ko sinasagot. I've been isolating myself from everyone. Hindi ko kayang humarap sa anak ko na ganito ang estado kaya mas pinili ko na lang na huwag tanggapin ang tawag ni Tobias sa akin. Nagdadahilan na lamang ako. And I know he's giving me a space too because she knows what just happened here.

"Amara, baby," Agaw niya sa atensyon ko pero hindi ko siya nilingon.

Hindi ko siya pinansin. Itinukod ko ang paa sa mga espasyo ng railings. Inangat ko ang sarili ko.

"Amara!" Sigaw niya at hinila ako. I dramatically laughed at his reaction.

"Are you out of your mind?" Singhal niya muli. Tumawa muli ako sa sinabi niya.

"I'm not going to jump," Ani ko.

Tinalikuran ko na muli siya at pumasok na sa kwarto ko. Binagsak ko ang sarili sa kama at pumikit. Nahihilo ma talaga ako.

"Baby, talk to me..." Nagmamakaawa na ang boses niya. Inimulat ko ang aking mga mata. Umupo ako at hinila siya. Bumagsak kami sa kama habang nasa ibabaw ko siya.

I immediately kissed him. I devour his lips hungrily that made him groan. Ngunit bago ko pa naipasok ang dila ay inangat niya ang sarili mula sa akin.

"You're not in your right state, Amara." Sabi niya. Tinulungan niya akong makaupo muli at umupo siya sa tabi ko.

He reached out for my hand but I avoided it.

"Leave me alone. I don't need anyone," Mataray na sabi ko.

Tatayo na muli sana ako pero pinigilan niya. I end up sitting in his lap. He hugged me tightly and rest his chin on my bare shoulder.

"You need someone, Amara. And I'm here, you don't have to be alone,"

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon