25th Fall

1.7K 48 2
                                    

Art's note:
Happy 3k reads aesthetics!🥳🧡

25th Fall



"You're eight weeks pregnant, Miss Albrecht,"

I'm doomed. Endless of possibilities came into my mind. How about my studies? How can I graduate? They will surely kick me out if they found out that I'm pregnant.

"Can you find out which day it was... uhm,"

Nilakasan ko ang loob at hindi na nahiya sa tinanong ko. The middle aged doctor just smiled to me before shaking her head.

"I can't determined the specific day, only the week,"

Napatulala ako bigla. Sobrang gulo ngayon ng sitwasyon ko. I suddenly wanted to burst out crying. Pinigilan ko na lamang ang mga luha dahil nasa harap pa ako nung doktor pero alam kong napansin niya ito.

"If you're not ready then... here,"

Pumunta ang tingin ko sa ibinibigay niya. Isang salita lang naman ang nahagip ko rito. Abortion. Naalala ko nga pala na legal ang abortion dito sa America.

Nanginginig ang mga kamay ko habang inabot ang papel na iyon. Hindi na ako nakapag isip ng tama. I am beyond overwhelmed of my situation. I just wanted to jump out of it.

But I know I can't. In the end of the day, I have to face the consequences of my choices. I have to freaking pay for it no matter what.

Tulala pa rin ako hanggang sa makalabas ng OB-Gyne clinic na iyon. I'm still clutching the abortion form that she gave me.

Ilang tao na ang nabangga ko sa paglalakad. I am really mindlessly walking. Until I stopped in front of the gate of MIA New York.

Anong napala ko sa pagtakbo? Anong napala ko sa pagtakas? Nagpatong patong lang lalo ang problema ko.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko. I search for someone I can call. Pero napatigil lang ako dahil wala akong kayang tawagan.

I end up dialing Mama's number.

Namuo ang mga luha ko sa mga mata. Ilang ring ang narinig ko pero hindi niya ito sinagot. Marahil ay natutulog pa sila.

Hindi ko na alam ang gagawin. I just want to hug my parents and tell them I'm sorry. Kahit sa dulo ay isa pa rin akong disappointment sa kanila. Ironic, how I don't want them to be but I end up to be one.

I deeply sighed. Bahala na. I want to focus on my midterms before I face this conflict of mine. I have to focus on my exams first then I would decide what to do.

Inilagay ko ang hawak na papel sa loob ng bag ko. Pupunta muna ako sa school clinic para mapirmahan ang excused slip ko. I just to present to the nurse that I went to the clinic, not neccesarily tell her my results.

I study again every night but this time I eat. Tinututukan ko na ang kalusugan ko dahil alam kong hindi lang kapakanan ko ang nakasalalay. I even started to hide from Tobias. Buti na lang at may exams kaya hindi siya makakapunta sa department ko.

I successfully did it. Halos isang linggo akong umiiwas kay Tobias. Lagi kong kasama sina Courtney hanggang sa matapos ang exam week. Nagyaya pa nga sila mag club pero tumanggi agad ako at nagdahilan.

I am currently doing an output to be pass on a subject. I glance outside and notice that the sky is already dark. Tiningnan ko ang paper works na hindi matapos tapos. Konti na lang tao sa librabry kung nasaan ako.

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon