[[ K e n ]]
9
"Nagugutom na ko guys. Tara drive thru! Kuya Yuri pwede po padaan sa pinakamalapit na drive thru?"
10
"Onga ako din! Dre, order mo sakin yung ano ha... yung hotdog. Diba may hotdog sa Jollibee? Hingi ka maraming ketchup."
11
Pang-eleven na 'tong billboard namin na nakita ko ah. Parang dati lang, pinapangarap namin 'to. Ngayon, araw-araw ko nang nakikita pagmumukha namin sa kalsada. Nakakasawa. Nakakasawa makita yung malaking picture ni Josh na naka-lip bite pa.
"Ayiii. Bat nakatulala ka sa labas? Iniisip mo ko noh?" Pang-aasar ni Josh na nakaupo sa tapat ko. Nakatingin siya sakin ngayon gamit yung reflection sa cellphone niya.
"Tss! Loko!" Sabi ko na lang. Tae. Nabasa niya utak ko?!
"Ano ba oorder-in mo?" Tanong ni Josh. "Ay. Tsk! Mali! Ilan ba sayo?"
Ha? Pinagsasasabe neto? Kunot noo ko siyang tinignan. Ilang ano?
Nang makita niyang hindi ko maintindihan, umirap siya nang bahagya. Ay, attitude ka bhoi? "ILANG MANOK BA??" Paglilinaw niya.
Ah. Kakain na pala. "Tatlo. Gutom ako eh." Maikling sagot ko sa kaniya.
Lumingon siya kay Stell na katabi niya "Tatlo raw kay Ken! Same na lang din sakin. Tatlo din ehehe." Inilista naman ni Stell sa phone niya yung mga order namin. Gaya-gaya.
Ilang saglit pa, idinaan kami ni kuya Yuri sa drive thru ng isang fast food chain. Sila Stell na ang nag-order pero dahil nasa kotse pa kami, bawal pa kumain. Amoy na amoy ko yung bango manok. Di nagtagal pati tiyan ko kumulo na rin. Tumingin na lang ako sa may bintana at nagbakasakaling ma-divert yung attention ko. Magbibilang sana ulit ako ng mga billboard kaso lintek, puro pagkain yung laman ng ads.
Boset. Gosto ko lang naman kumain. Gosto ko lang ng manok.
---
Ahhh. Sarap. Iba talaga ang ligayang hatid ng manok! Satisfied kong hinimas ang aking tiyan at sinimulan ko na ring ligpitin yung pinagkainan ko.
"Huy guys, tignan niyo. Trending na naman tayo worldwide. Top spot pa!" Balita ni Jah na sobrang lawak ngayon ng ngiti.
"Talaga? Tingin nga!" Sabi ni Stell. Dali-dali namang lumapit sa kaniya si Jah upang ipakita yung trendlist.
"Wow! Ang galing talaga ng mga A'TIN. Dati nationwide lang, ngayon worldwide na pina-pacqiao nila! Hanep!" Tuwang-tuwang komento ni Stell.
Halos tatlong taon na ang lumipas mula nung nag-viral kami sa social media. Hanggang ngayon, napapa-isip pa rin kami ng paano kung hindi nangyari yung araw na 'yon? Paano kung hindi kami nag-viral? Sobra talaga ang pasasalamat namin sa araw na iyon dahil doon nagsimula ang lahat. Iyon ang naging unang hakbang namin tungo sa mga pangarap namin.
"Grabe noh? Andami na pala nating napagdaanan. Parang kahapon lang walang kumukuhang endorsers sa atin. Ngayon, hirap na hirap na sila tatang pumili ng kung ano yung i-aacept." Dagdag ni Sejun.
"Oo nga eh, parang kahapon mo pa hinihiram 'yang jacket ko. May balak ka bang ibalik 'yan?" Pambubulgar naman ni Stell.
"Hoy nilalabhan ko naman yung hinihiram ko. Tsaka, bagay sa get up ko eh hahahaha!" Paliwanag ni Sejun.
"Basta ako pinagdarasal ko lang na wag pumayag si tatang na i-endorse natin ang Calvin Klein. Hahahaha di pa ko ready mag-model ng brief!" Singit ni Josh sa usapan.
BINABASA MO ANG
Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]
FanfictionWith their careers continuously on the rise, the phenomenal P-Pop boy group SB19 is scheduled for their first world tour. Everything seemed to be going well for the five stars. They were busy with the preparations but at the same time, they were hav...