Kabanata VIII

73 5 2
                                    

[[ J o s h ]]

Kung mamamatay ako, gusto kong mamatay nang mabilis. I don't want to die a slow death.

Hindi kailanman sumagi sa isip ko na ito na pala ang magiging huling sandali ko sa mundo. Tama nga sila. Hinding-hindi mo malalaman kung kailan matatapos ang oras mo. Hindi ka makakapag-paalam sa mga mahal mo sa buhay. At kung minamalas ka, tulad ko, may mga pagsisisi ka na hindi mo na kailan pa maitatama.

Hayyy. Ganito ba talaga ang feeling ng mamamatay? Bat parang natutulog lang ako? Baka naman buhay pa ko? At tsaka... ano yun? Ibon? Tweet, tweet... tweet?

Napabangon ako nang may biglang magbuhos ng tubig sa mukha ko. "Ah pwe! HOY! Potek bat niyo bubuhusan nang tubig yung pasyente?!" Reklamo ko. Lechugas anong klasing ospital 'to?

Machines, dextrose, nurse, hospital bed... 'yan lang naman ang inaasahan kong makita pagkabukas na pagkabukas ng nga mata ko. Galing ako sa isang aksidente diba? Y-yung car crash?! Pero bakit ganito? Bakit nasa palayan ako?!

Nanlaki yung mga mata ko nang maalala kong sugatan ako mula sa aksidente. Pero nang kapain ko ang ulo ko, maging ang mga braso ko... wala! Wala akong sugat! Walang dugo! Ni wala ngang gasgas!

Eto na ba yung langit? Lord... ?

"Kuya, mukha kang nasisiraan ng bait diyan." Komento ng isang batang babae sa harapan ko. Napalayo naman ako sa gulat. Gara eh! Bigla bigla nagsasalita!

"H-hoy bata!" Mautal-utal kong sabi.

Kumunot ang noo ng batang babae. Simple lang ang kaniyang kasuotan. Nakamahabang palda siya at naka 3/4 sleeve na blouse. Nakapusod rin nang maayos ang kaniyang buhok. Hahaha! Mukha siyang aattend ng buwan ng wika! Ganon na ganon yung pormahan niya! Sandali... di pa naman August ah.

"Buang!" Mataray na sabi niya sakin. Luh! Ken is that you?

"Taray mo ha? Attitude ka ghorl?" Sumbat ko sa bata. Inaasahan ko na mas lalo pa siyang magtataray pero ang tanging natanggap ko lang mula sa kaniya ay isang 'nuginagawamue' look. Ang weird naman neto. Parang mas weird pa kay Ken.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa lupa. Pinapagpagaan ko yung sarili ko nang marealize ko na iba na ang suot ko. Hindi ako nakahospital gown kundi naka brown na pantalon at maluwag na long sleeved na white shirt. Para rin akong magce-celebrate ng buwan ng wika! Luh!

Napatingin ako sa aking paligid. Isang malaking sakahan ang nasa harapan ko ngayon. Sa di kalayuan, may maliit na bahay kubo. Mula rito, tanaw ang gubat pati na rin ang mga bundok sa bandang kanluran. Gantong-ganto yung itsura ng probinsya.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sobrang hindi ko na gets yung mga nangyayari. "Tsk! Asan ba kasi ako? Bat ako nagteleport dito sa province?" Tanong ko na lang sa kaniya. "Kilala mo ba kung sino nagdala sa akin dito? Baka mamaya hinahanap na ko nila tatang Robin! At... y-yung mga ka-members ko! Nanonood ka ba ng balita? Kamusta na sila? Nakasurvive din ba sila?"

Tinignan lang ako nung batang babae. Bat ganon? Yung itsura niya parang hindi niya nage-gets yung mga sinasabi ko? Humakbang ito palayo at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Kuya Jose, nakainom ka po ba ng alak? Bakit po napakarami mong sinasabi na hindi ko maintindihan?" Sabi nito.

Nyeh. Di naman ako nag-english ah. Kinausap ko naman siya nang Tagalog pero bakit hindi niya maintindihan?

"Halika na nga! Maghapunan na raw tayo sabi ni ina. Akala pa naman din niya masipag kang nagtatarabaho dito sa palayan. Ayun pala, natutulog ka lang!" Nag-cross arms yung bata kaya naman mukhang back to attitude mode na naman siya. "Halika na, kuya Jose."

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon