Kabanata XX

44 3 1
                                    

[[ J o s h ]]

Madilim na nang makarating kami sa aming paroroonan. Nanahimik na lang ako sa buong biyahe habang paulit-ulit na iniisip kung ano ba ang sinasabi nilang ninakaw ko. Naniniwala akong inosente ako. Sa buong panahon na narito ako, wala naman akong ninakaw! Pero... hindi ko alam kay Jose. Hindi ko alam kung may kinalaman ba siya dito bago ako mapunta sa kaniyang katauhan.

Bihag pa rin ako ng dalawang kawal. Inihatid nila ako sa isang selda at tinulak nila ako papasok, dahilan para mawala ang balanse ko at sumubsob ako sa lupa. Malamig at mamasa-masa ang sementadong sahig. Madilim kaya hindi ko alam kung putik ba tong nahawakan ko o ano. Pero dahil masangsang ang amoy ng selda, pinili ko na lang na hindi na alamin.

Narinig kong sinasarado na nila ang gate ng selda kaya dali-dali akong gumapang papalapit sa kanila. "S-Sandali po. P-Paano po ako makakalabas dito? Hindi po talaga ako ang nagnakaw! Pakiusap po!"

"Totoy." Sabi ng isang kawal. "Manahimik ka na lang at sumunod."

"Pero hindi po talaga ako ang nagnakaw!" Pagsusumamo ko.

"Totoy!" Singhal niya. Huminga ito ng malalim para saglit na pakalmahin ang sarili niya. "Wala kang nang magagawa. Ilang araw mula ngayon, ikaw ay papatawan ng parusa para sa krimeng iyong ginawa. May kilala ka bang abogado? May kilala ka bang pwede mangatawan sa ito sa korte? Di hamak na mahirap ka lang kaya... manahimik ka na lang." Paliwanag niya.

Kinandado ng kaniyang kasamahan ang aking selda at umiling. "Put*. Bat ka ba nagpapaliwanag diyan, Hulyo? Wag mo sabihing naaawa ka na naman?" Pang-aasar nito.

Tinapik ng kawal si Hulyo sa balikat. "'Wag na nating galitin si tinyente. Alam mo naman yung gag*ng yon, kung maka-asta kala mo heneral." Dumura ito malapit sakin.

Tangin*?

Naglakad na sila palayo at naiwan ako sa dilim. Tanging yung kandila lang sa malapit sa aking selda ang nagbibigay liwanag sa makitid na daanan papasok ng kulungan. Naupo ako at sumandal sa malamig na pader. Nakatitig lang ako sa dilim hanggang sa naramdaman kong tumutulo na pala ang mga luha ko.

Putek na yan. Ilang araw pa lang ako dito pero andami nang kamalasang nangyayari sa akin. Hindi kaya pinaparusahan na ako?

Hindi ko lubos akalaing matatagpuan ko ang sarili ko sa isang kulungan. Oo, di naman ako perfect, pero alam ko sa sarili ko na kailanman di ko magagawang lumabag sa batas. Takte. Galit na galit ako sa mga kriminal tas ako... magnanakaw?

Di hamak na mahirap ka lang kaya... manahimik ka na lang.

Napapikit ako sa inis nang maalala ko ang mga sinabing iyon ng kawal kanina. Mahirap? Tsch! Ganon ba talaga parati? Porket mahirap ang baba na ng tingin nila? Porket mahirap pwede na nilang tapak-tapakan at tratuhin na parang wala kaming dignidad?

May nakapa akong maliit na bato malapit sa akin kaya buong pwersa ko itong binato sa pader. Bullsh*t. Napaka-unfair talaga!

"Hayaan mo na, ganiyan talaga mga Pilipino." Rinig kong wika ng isang lalaki. Napakunot ang aking noo. What the... sino yun?

Lumapit ako sa gate ng aking selda at sa di kalayuan, may isang lalaki ring nakakulong doon. Nakasandal siya sa bakal na harang ng kaniyang kulungan at nakatingin siya sa kaniyang mga kamay. Gaano na siya katagal na nandiyan?

Sarkastiko itong tumawa at umiling. "Mga punyet*. Makatikim lang ng kaunting kapangyarihan akala mo kung sino na kung umasta. Paano na lang kaya tayo uunlad kung ganiyan ang mga utak ng mga tarantad*ng 'yan? Mga hangal! Wala nang inisip kundi ang sarili." Wika nito.

Tsk! Hanggang dito ba naman? Corruption at it's finest?

Napatingin sa akin yung lalaki at muli itong nagsalita. "Narinig kong sabi mo na hindi ikaw ang nagnakaw." Saglit siyang tumigil. "Kung ganon, bakit sa tingin mo nandito ka?"

Napairap naman ako sa walang kwenta niyang tanong. "Tol, kung alam ko edi sana matagal ko nang nagawan nang paraan." Naiinis kong sabi. "Edi sana wala ako dito."

Nakita ko namang kalmado itong tumango. Ilang segundong katahimikan ang muling namagitan sa amin bago siya muling nagsalita. "Alam mo ba kung saan nagtatapos ang isang away?" Napatingin naman ako sa kaniya. "Sa taong pinagbibintangan."

"Sa bawat suliranin may isang dapat na aako ng responsibilidad. Hindi mo ba napapansin? Hindi natatapos ang gulo hanggat walang naituturong may sala ang mga tao. Siyempre... manlalaban ang taong pinagbibintangan. Pero sino bang makikinig? Sinong maniniwala? Sa huli, siya pa rin naman ay mapaparusahan. Kailangan may isang makatanggap ng parusa para matawag itong hustisya." Sabi niya.

Pinanood ko ang aking mga kamay na maging kamao sa sobrang galit. "Put*ng in*ng hustisya yan."

Ilang minuto ulit kaming nanahimik. Tuluyan nang tumatak sa isip ko yung sinabi niya. Alam ko naman na hindi talaga maayos ang sistema sa panahong ito. Bahagi nga yon ng masalimuot nating nakaraan. Pero ang nakakalungkot, maging sa panahon ko may nangyayari pa ring ganito.

"Nanding nga pala." Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.

At dahil wala rin naman akong ibang makakausap, ibinigay ko na lang rin ang aking pangalan. "Jose."

Napag-alaman kong isang rebelde si Nanding mula sa Norte. Bahagi sila ng minority na halos hindi naaabutan ng tulong ng gobyerno dahil sa liblib na lugar sila nakatira. Ayos lang naman sa kanila ang ganoong pamumuhay. Payapa naman, nakakakain naman sila, may hanapbuhay sila sa pagsasaka at kanila pa ang lupa kung saan sila naninirahan. Ayon nga lang, nagulo ang kanilang buhay nang dahil sa giyera.

"Walang proteksyon para amin... para sa mga pamilya namin." Kwento nito. "Iniwan namin ang buhay namin doon at lumipat kami, nagbabakasakaling makakapagsimulang muli. Pero hindi, iba ang nadatnan namin dito. Korupsyon, diskriminasyon... sa kabila ng giyera laban sa mga Amerikano tila kalaban rin natin ang ating kapwa Pilipino."

"Iniiwasan ng pangkat namin ang gumamit ng dahas. Kaunting pagkain lang ang pakiusap namin. Kaunting respeto, kaunting dignidad at kaunting hustisya." Pagpapatuloy niya. "Pero ipinagtatabuyan nila kami. Habang sila'y masiyang nagsasalo-salo sa hapagkainan, kami naman ay halos walang butil na makain. Gabi-gabi kumakalam ang aming mga tiyan."

Napatingin ako kay Nanding na ngayo'y nakatulala pa rin sa kaniyang mga kamay. Nakakalungkot. Nakakagalit. Pare-parehas lang naman kaming tao. Pare-parehas lang naman kaming may karapatan. Pare-parehas lang rin kaming may pamilya.

Siguro... sadyang may pinanganak lang na maganda ang kapalaran.

---
[[ K e n ]]

Dalawang araw.

Dalawang araw na akong nagpa-practice magpainting. Nakaligtas ako nung araw na 'yon dahil biglang may bumisita ka Señora Fides. Paglabas na paglabas niya, nabitawan ko yung hawak kong lapis sa sobrang relieved ko! Kaya ayon, palihim akong nagpa-practice.

Hindi naman pala siya masyadong mahirap. Pakiramdam ko dahil nasa katawan ako ni Señor Felipe, memorize na ng mga daliri ko ang pagpipinta. Parang sa pagsayaw. Pag palagi mong ginagawa, natatandaan ng katawan mo.

Kung ano-ano lang dino-drawing at pinipinta ko ngayon. Itlog tas mamaya... sisiw. Pag na master ko na yung dalawang 'yon, manok naman yung susunod.

Ginagawa ko yung best ko para magaya yung style ni Señor Felipe. Kaya ayun, madals ko ring pagmasdan yung artworks niya. Sa kada gawa niya, may signature siya doon. SFS. Ang weird pero parang nakita ko na 'yon somewhere?

"Pepeng, anak?" Rinig kong katok ni Señora sa pinto ng aking silid.

Agad ko namang tinakluban yung ginuguhit kong sisiw. "P-pasok po kayo!" Wika ko.

Sumilip si Señora Fides at dahan-dahan itong pumasok. "Anak, hindi mo ba bibisitahin ang iyong matalik na kaibigan? Ilang taon rin kayong hindi nagkita." Malumanay na sabi niya.

Wow. May best friend ako?

"S-sino po?"

Natawa naman ito sa aking pagkalimot. "Ano ka ba? Si Don Salvador! Nako, paniguradong matutuwa iyon kapag nagkita muli kayo!"

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon