Kabanata XV

53 2 1
                                    

[[ S t e l l ]]

Si Josh! Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Josh!

Tinignan niya ang palad ko na naghihintay pa rin na tanggapin niya. Kaso, mas nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Kusang tumayo si Josh at kaniyang pinagpagan ang kaniyang damit. Yumuko rin ito sa aking harapan.

"P-Pasensiya na po. Hindi ko po sinasadya." Sabi nito.

Pati ang boses niya, kopyang-kopya! Matagal na kaming nag-aasaran ni Josh kaya alam na alam ko ang timbre ng boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali!

Magsasalita sana akong muli kaso biglang tumalikod si Josh at kaniya nang sinimulan ang pagpulot sa mga natapon na rambutan. Napakarami niyang kailangan pulutin kaya ako rin ay lumuhod para tulungan siya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ang pagmamagandang-loob ko.

"D-Don Salvador! Huwag na po! Ako na po ang bahala dito! Madudumihan lang po kayo dito." Nag-aalalang sabi ni Josh.

Napakunot naman ang aking noo. Nagkukunwari ba siyang hindi niya 'ko kilala? O sadyang hindi niya talaga ako kilala?

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong kong muli.

Tumingin siya sa aking mga mata at sinagot ako nang diretso. "Jose. Jose po ang ngalan ko, Don Salvador."

Imposible. Si Josh to! Sigurado ako! Pero... bakit parang hindi niya ako naaalala?

"D-Don Ajero!" Nagulat na lang ako dahil nakalapit na pala sa tabi ko si Aling Dolores. Lumuhod din ito sa lupa at pinagdikit niya ang kaniyang mga palad. "Patawarin niyo po ako, Don Salvador! Pangako, ilalagay ko po sa tamang lugar ang aking emosyon! Hindi na po ito mauulit!" Pagmamaka-awa niya.

Nakita ni Aling Dolores ang mga rambutan na hawak ko. "Kami na po ang bahala dito. Marumi po rito at hindi rin po namin nais na kayo'y gambalain pa!" Kinuha niya ito mula sa aking palad at hinagis doon sa basket ni Josh.

Tumayo na ako at pinagpagan ko rin ang aking sarili. "Nandito ako upang makita at salubungin ang mga bagong manggagawa. Hindi ko inaasahan na ito pa ang maaabutan ko." Pagpaparinig ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aling Dolores sa kaniyang mga narinig. Namumuo na rin ang pawis sa kaniyang noo. Pansin ko rin na nanginginig ang kaniyang kamay. Hmm, bakit malakas ang kutob ko na hindi ito ang unang pagkakataon na inabuso niya ang kaniyang posisyon sa trabaho?

"P-Paumanhin Don Salvador. I-Inaamin ko ang aking pagkakamali. Hindi na po m-mauulit." Pangako niya. Hindi na tuloy siya makatingin ng diretso sa akin ngayon.

Bilang ito naman ang unang beses na nasaksihan ko siyang ganito. Bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon. Siguro naman madadala na siya sa nangyari ngayon at sana, huwag niya nang ulitin pa ito sa iba.

Napatingin akong muli kay Josh na kakatapos lang pulutin ang huling rambutan na nahulog. Kakausapin ko sana siya ulit kaso bigla itong nagpaalam at pumasok sa storage area ng hacienda. Hayyy. Nakakainis naman. Akala ko siya talaha eh! Sa bagay, kung si Josh talaga 'yan I'm sure magagalak din siyang makita ako. Baka nga siya pa unang maka-recognize sa akin eh!

Tsk! Kaso siya nga raw pala si Jose. Hindi si Josh... pero si Jose.

"Anong buong pangalan ng binatang iyon?" Tanong ko kay Aling Dolores na nakaluhod pa rin sa harapan ko. Agad niyang binuklat ang papel na kaniyang hawak. Isang listahan pala ito. Matapos ang ilang segundo, may binilugan siya sa papel at ito'y ipinakita niya sa akin.

"Siya po ay si Jose Carlito Santos. M-May nais po ba kayong ipagawa sa kaniya?" Tanong nito.

Jose Carlito? Pfft. Lumang-luma ah! Hanep!

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon