Kabanata X

55 9 1
                                    

[[ J o s h ]]

Leche. Ang sakit na ng paa ko. Injured na nga, ng layo-layo pa ng nilakbay namin.

Tulad ng nabanggit ni Tomas, pumunta kami ngayon sa bayan. Hindi pa rin talaga nags'sink in sa akin pero I'm slowly starting to believe na totoo nga... totoo ngang napadpad ako sa taong 1900. The reason? I don't know. How to go back? I don't know too. Basta, ayoko ma-stuck dito!

Tulad noong sinaunang araw, hindi pa sementado ang daan. Sa buong paglalakad namin kanina, wala ni isang kotse akong nakita. Then again, oo nga pala, hindi pa sila naiimbento. Kaya naman puro kalesa lang ang nakikita kong pumapasada sa bako-bakong daan.

"Ano palang sumagi sa isip mo kahapon at bigla ka na lamang kumaripas ng takbo tungo sa dako ng giyera?" Biglang tanong ni Tomas.

Gusto kong sabihin na "Ewan ko." Kasi totoo naman talaga. Hindi ko alam bat doon gustong pumunta ng mga paa ko. Malay ko ba na may labanan palang nagaganap doon? Pero imbis na sumagot, pinili ko na lang na manahimik. Baka mamaya sabihan na naman niya kong nababaliw.

"Gusto mo pa rin bang maging sundalo?" Pahabol niya. "Akala ko nagbibiro ka lang kahapon nang umaga nung nabanggit mo sa akin na gusto mong ipaglaban ang Pilipinas. Bilang matalik mong kaibigan, matagal ko nang alam na pangarap mo ito. Naisip ko lang dati na baka gusto mo lang talagang magpaputok ng baril at mag-mukhang maangas. Hindi ko naman akalain na malalim pala talaga ang dahilan ng kagustuhan mong sumanib sa hukbong militar ng Pilipinas." Kwento ni Tomas.

Unti-unti na akong nagkakaroon ng background tungkol kay Jose. Una, mayroon siyang mapagmahal na pamilya. Sa kabila ng kahirapan at simpleng pamumuhay nila, mabait ang kaniyang mga magulang at batid ko na pinalaki nila nang maayos si Jose. Pangalawa, base sa kwento ni Tomas, mahal ni Jose ang kaniyang bansa. Gusto niya maging sundalo. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung magkakaroon kaya siya ng pagkakataon na tuparin ang kaniyang pangarap kung sakaling hindi ako napunta sa kaniyang pagkatao.

Huminga nang malalim si Tomas. "Hayyy. Nakaka-inggit ka naman, Jose." Wika niya.

This time, sumgot na ako. "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat ito. "Sana lahat gaya mo na matindi ang pagmamahal para sa Pilipinas. Kasi kung ako ang papipiliin, mas matimbang sa akin ang pamilya. Matinding lungkot ang kinaharap ng tatay ko noong mamatay sa sakit ng puso ang aking ina. Kaya nga kahit ipagtabuyan niya ko't sabihing magkaroon na ko ng sariling pamilya... ayoko. Huwag muna dahil hindi ko siya kayang iwanan mag-isa."

Naalala ko tuloy yung isang line sa movie na Heneral Luna. Matagal nang pinalabas 'yon pero isa yon sa mga pelikulang lubos na hinangaan ko. Sabi ng isang karakter doon, nasa nature na daw talaga natin ang pagmamahal sa pamilya. Sa sobrang mas mahal natin ang pamilya natin, halos wala nang natitirang pagmamahal para sa bansa.

Tumango ako at tumugon sa kaniyang sinabi. "May punto ka naman ah. Hindi naman kasalanan na mahalin ang sariling pamilya."

Tinanggal ni Tomas yung straw hat na suot-suot niya. Saglit rin siyang tumigil at tumingin sa akin kaya pati ako huminto. "Oo nga. Pero minsan... hinihiling ko na may magawa rin ako para sa Pilipinas." Wika niya at nagpatuloy na rin siya sa paglalakad.

Di nagtagal ay umabot na rin kami sa bayan. To be honest, it's nothing like I've ever seen before. Para akong nasa set ng isang old film! Karamihan ng mga tao ay simple lang ang kasuotan. Pero ayun nga, mga naka saya at camiso de tsino sila. May mga batang nagtatakbuhan at naglalaro. May mga nagtitinda at mayroon ding mga magkakaibigang nagke-kwentuhan.

"Mukhang ang saya naman dito." Komento ko.

Natawa naman si Tomas at tinapik ako sa balikat. "Bakit parang ngayon ka lang nakarating dito? Hahahaha! Isang buwan pa lang ang nakalilipas noong huli tayong nagtungo rito. Nalimutan mo na ba?"

Nako. Kung alam niya lang. First time ko talaga makarating dito... dito sa taong 1900!!!

"Pero sa bagay, masaya talaga sila at mas maraming tao ngayon kumpara nung nakaraan dahil karamihan ay maghahanda na para sa paparating na pista." Paliwanag ni Tomas.

Wow! Oo nga pala, part ng traditions natin yung mga ganitong fiesta. It's what makes our culture colorful! Matagal na nung huli akong nakadalo ng pista. Mas nacurious tuloy ako kaya gusto ko rin malaman kung paano nila sine-celebrate ang mga ito sa panahong ito.

"Oh siya. Magikot-ikot ka na muna nang makahanap ka rin ng ipangreregalo mo kina Rosario. Basta mamayang alas tres dito tayo magkikita ha?" Turo ni Tomas sa lumang poste kung saan may nakapalipot na lumang banderitas. "Iwasan mo ring kumausap ng kahit sinong mukhang nakaaangat sa atin. Alam mo naman 'yong mga 'yon, basta makakita ng pwedeng pagtripan hindi sila magdadalawang isip." Paalala niya.

Tumango ako sa kaniyang mga sinabi. "Sige, dito lang rin ako sa paligid magmamasid."

Hindi ko alam kung bakit pero minutes after umalis ni Tomas, bigla akong nakaramdam ng takot. Potek. Siya lang kasi yung kakilala ko dito. Ilang minuto rin akong nanatili don sa kinatatayuan ko bago ko napagdesisyunang mag-explore. As long as susundin ko yung mga paalala ni Tomas, wala naman sigurong mangyayari sa akin ano?

Tumingin-tingin ako sa paninda ng mga tao. Iba't ibang klaseng mga gamit ang makikita sa merkado. May mga damit, mga alahas at mayroon ring nga gulay at pagkain. Mayroon ring mga bentahan ng papel, pluma at maging mga kagamitang pansaka. Ito na siguro yung mall noong unang panahon.

"Hijo, sandali..." Rinig kong may nagsabi kaya natigilan agad ako sa paglalakad. Napalingon naman ako at bumungad sa akin ang isang matandang nakaupo sa kahoy na silya. Nagbabantay ata siya ng mga paninda. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa kawalan kaya naman naisip kong baka hindi ako ang tinatawag niya.

Papaalis na sana ako nang muli siyang magsalita. "Ramdam kong hindi ka taga rito, hijo." Malumanay na sabi niya pero shi* kinilabutan ako! Ako ba talaga ang tinutukoy niya? Napatingin ako sa paligid at nakitang wala namang ibang tao rito na malapit sa kaniya bukod sakin.

"K-kilala niyo po ba ako?" Tanong ko doon sa matanda. Nagaalangan na lumapit ako sa kaniya at tsaka ko lang napagtanto na bulag pala siya kaya sa malayo siya nakatitig. Maayos na nakapusod ang manipis na puting buhok ni lola. May balabal itong pula at may mahabang tungkod rin itong hawak, para siguro matulungan siyang kapain ang nasa paligid niya.

"Mag-iingat ka sa panahong ito hijo. Mag-iingat kayo." Paalala niya. What the heck?!

"K-kayo? Ako lang pong mag-isa ang nandito. Ano pong ibig sabihin niyo na--"

"Más fuerte que la sangre." Sabi niya kaya naputol yung dapat kong sasabihin. Ha? "Más fuerte que la sangre. Hanapin niyo ito. Iyon lamang ang tanging paraan upang makabalik kayo sa inyong panahon."

Mas lalo akong kinilabutan sa mga narinig ko. Manghuhula ba si lola? Bakit alam niya ang lahat ng ito? At kung totoo nga ang kaniyang mga sinasabi, marami pa akong mga katanungan. Marami pa akong gustong malaman.

"Lola, maaari ko po bang--"

Isang lalaki ang tumatakbo ang nakasagi sa akin. Na-out of balance ako kaya naman ako'y natumba sa lupa. Lechugas naman. Bakit ang napakalampa ni Jose?!

"P-pasensiya na, hijo." Sabi nung lalaki. Tinulungan niya naman akong makatayo. "P-pasensya na talaga!" Paghingi niya ng paumanhin bago siya muling tumakbo paalis.

Sa di kalayuan, may isang kalesa ang paparating sa plaza. Maraming tao ang nagkukumpulan doon ngayon. Lahat sila expectant sa paparating na taong iyon. Tss! Sino ba yun? Mukhang peymus eh.

Muli akong lumingon kay lola ngunit nagulat na lang ako nang makita kong wala na siya roon kung saan huli ko siyang nakita. Bakante na ang kahoy na silya ngayon. What the heck? Mumu ba siya?! Bigla siyang nawala na parang bula!

"Dalisay! Bilisan mo, maaaring ito na ang pagkakataon nating makakuha ng trabaho sa hacienda!" Sabi ng isang babae habang hinihigit niya ang kaniyang kasama.

"Napakaraming tao na ngayon ang naroon! Tingin mo may pag-asa pa tayo.?" Rinig kong tanong naman nung Dalisay.

Napatingin akong muli sa mga taong nagkukumpulan sa may kalesa. Ah. Iyon pala ang dahilan kung bakit andaming tao doon ngayon. Makapangyarihan siguro ang hacienderong iyon. Parang napakaraming gustong magtrabaho para sa kaniya.

"Oo naman! Walang imposible. Tsaka diba, matagal na nating pinapangarap ang magtrabaho sa hacienda ni Don Ajero?"

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon