Kabanata II

86 8 2
                                    

[[ S t e l l ]]

"Wow! Fresh natin ngayon ah? Naksss!" Banat ni Jah pagpasok ko. Hahahaha! Opkors! Ako pa ba? Dapat na nga yatang dagdagan title ko eh. Hindi na lang kasi ako heavenly voice, heavenly face na rin. Hahahaha! Charotizinationerism!

"Sana ol fresh." Komento ni Josh na nagsa-saksak na naman ng gamit sa bag niya. Nakalatag sa sahig yung charger niya. Panigurado hinalungkat niya pa 'yan mula ilalim.

"Tamang skincare lang mga dreee!" Sagot ko sa dalawa. Totoo naman ih. Kailangan lang ng TLC ng mga face natin. Kasi diba when you take care of something, when I say 'take care' like really take care... magbubunga 'yan!

3 months na kaming nagp'practice for our first ever world tour. Ang bilis talaga ng oras. Parang kahapon lang tinatawanan namin si Sejun kasi biglang lumabas yung sipon niya habang nag-iiyakan kami sa anunsyo ni tatang tas ngayon... we're halfway through! Halos 2 months na lang lilipad na kami for the first leg ng aming international con.

Siyempre, tuwang-tuwa yung mga pamilya namin nang marinig nila yung balita. Lalo na sila mama? Nako! Hanggang ngayon nga si papa nanonood pa rin ng mga reaction videos eh. Kahit yung sa mga dati pa naming kanta, inuulit-ulit niya 'yon.

Natanong ko nga siya once kung hindi ba siya nagsasawa. I mean heavenly naman yung face ko kaso pag nakikita ko itsura ko sa screen minsan naki-cringe ako. Alam niyo sabi ni papa?

"Bat ako mananawa eh anak ko to eh oh. Tignan mo, yung gwapo ko 'nak nadala mo sa screen."

"Hep! Hep! Ano ka, sa akin kaya nagmana si Stell!" Singit naman ni mama. At ayun, nagtalo lang sila buong magdamag kung kanino ko ba talaga nakuha 'tong heavenly face na 'to.

Ngayong malapit na yung unang con, mas matagal kami ngayon sa pag-practice. Naka-hiatus muna kami sa mga guestings para mas makapag-focus dito. Sobrang nakakapagod pero dahil panonoorin kami ng mga mahal naming A'TIN, siyempre ibibigay talaga namin yung best namin.

"Uy andiyan na si Ken!" Napatingin kami sa taong nasa pinto dahil sa anunsyo ni Jah. "Tagal mo naman nawala."

Itinaas ni Ken yung dalawang paper cup na hawak niya. "Nagtimpla ako ng kape. Gusto mo?" Alok niya kay Jah.

"Yoko. Tamis niyan baka magka-diabetes lang ako." Pagtanggi naman nito.

Nagtataka ba kayo kung late pa rin si Ken? Siyempre hindi na. Late magising oo, pero since galing naman kami sa iisang apartment, sabay-sabay na kaming nakakarating sa studio. Ewan ko ba diyan. Nagkakatime pa siya manood ng anime! Sarah old (sana all) diba?

Nag-ready na kaming lima at magsisimula na sana kami ulit sa pag-eensayo nang may staff na pumasok sa studio. May kasama siyang girl na nakasunod sa kaniya. "Guys! Hello! Sorry medyo nagmamadali ako right now pero pakilala ko lang sa inyo si Stacey. Isa siya sa mga newly accepted interns here sa ShowBT. May inasikaso lang na family matter si manager-nim kaya as of now, practice na lang muna kayo ha. Dito na lang muna si Stacey para mag-observe." Paliwanag nung staff.

"Sige po ate! Thank you po!" Sagot ko sa kaniya.

Ngumiti si ate pabalik sa amin. "Oh siya, maiwan ko na muna kayo." Paalam niya bago tuluyang umalis ng room.

"Hi po!" Si Jah ang unang bumati sa bagong intern. Nagsmile naman ito at nag-hello din.

"Stacey, diba?" Pagkumpirma ni Sejun sa pangalan niya. Tumango siya at hinawi ang kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga. Cute. Para siyang barbie. "Sige upo ka na lang muna diyan. Wala pa naman kaming kailangan gawin. Warm up lang tapos diretso practice na." Paliwanag ni Sejun.

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon