Kabanata XXIII

38 3 0
                                    

[[ J o s h ]]

"S-Sandali! Kakausapin ko lang ang aking ina! Hindi ba pwede 'yon?!" Frustrated na sabi ko sa mga kawal. Sinusubukan kong makawala pero nanghihina ako. Hindi ko magawang pumiglas!

Tinulak nila ako sa lupa nang makalabas na kami sa presinto. "Hindi nga sabi pwede eh!" Singhal niya sa akin. "Pasalamat ka nga at umamin siya bago ka pa nahatulan ng korte."

Umamin? S-Sandali! Ibig sabihin umamin si Aling Emelita na siya ang nagnakaw? Tangin* para lang makalaya ako?!

Agad akong tumayo mula sa pagkakadapa. Akmang papasok ulit ako sa kulungan ngunit hindi nagdalawang isip ang mga kawal na harangin ako. "Kakausapin ko lang si ina!" Mariing sabi ko. "M-may mali dito! Hindi kami ang nagnakaw kaya maging siya ay hindi dapat maparusahan! Huwag kayong nambibintang ng kung sino-sino!"

"Hoy totoy--"

"'Wag mo nga akong tawaging totoy!" Inis na sabi ko. "Pakawalan niyo ang nanay ko! Wala siyang kasalanan! Sinabi niya lang iyon para--"

Hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi dahil biglang sinalubong ng pisngi ko ang kamao ng isang kawal. Napaluhod ako sa lupa. "PUNYET* ANG INGAY MO!" Bulyaw ng isa.

Tinignan ko sila nang masama. Tae. Nanggigigil ako. Wala ba silang mga pamilya? Ganito na ba sila ka-entitled at tila wala na silang respeto sa mga tao? Mga tarantad*!

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Ha? Umayos ka ng tingin!" Sumbat niya muli sa akin.

Sa kabila ng kaniyang pagbabanta, nanatiling masama ang mga titig ko sa kaniya. Hindi ko masikmura ang mga taong gaya nila! Kinasusuklaman ko sila! Bago pa ko muling makatayo, tinulak nila ako muli dahilan para mapahiga ako sa lupa. Agad kong naramdaman ang sakit nang bigla akong sipain nang malakas sa tagiliran.

Pride. Mapapatay ka talaga nito.

Binugbog nila ako, pinagtulungan at pinagsisisipa... minura at dinuraan pa. Alam ko namang walang magandang naidudulot ang pride pero noong mga oras na iyon, pinanghawakan ko 'yon. Bakit? May karapatan naman ako diba?

Malinis ang konsesya ko.

[[ K e n ]]

Isang araw na ang lumipas mula noong huling nagkita kami ni Stell. Sayang wala nga palang cellphone sa panahong ito. Ang tanging paraan lang para makipag-communicate ay sa pamamagitan ng pagsulat ng liham. Hays. Nakakatamad pa naman magsulat.

Nasa bayan ako ngayon. May inirekomenda si Señora Fides na abogado at siyang pakay ko ngayon. Tinanong niya kung para saan pero nagpalusot na lang din ako. Baka ma-weirdan pa yun sakin pag inamin kong sasagipin ko manggagawa ng kaibigan ko.

Magpapasama din dapat ako kay Stell ngayon. Nahihiya pa naman ako kumausap ng kung sino! Lalo na ito na abogado pa. Ni-recommend 'to ni Señora so panigurado magaling 'to! Ngayon pa nga lang kinakabahan na ko eh dahil baka matameme lang ako sa harap niya. Sa kasamaang palad, may lakad din si Stell sa kabilang lungsod. Inimbitahan daw ng business partner ni Don Salvador na dumayo kaya baka ilang araw pa siya bago muling makabalik.

So ayon. Ako lang nandito ngayon. Tsk! Bahala na nga!

Tumigil na yung kalesa sa tapat ng isang bahay. Eto na siguro 'yun. Huminga ako nang malalim bago bumaba. Kay mo 'to Ken. Para kay Josh! Para sa kaibigan mo!

Inayos ko ang aking suot nang makababa na ako. May isang kasambahay na nag-aantay sa labas na siyang nag-imbita sa akin para pumasok. Simple lang naman ang bahay ng abogadong si Ginoong Tolentino. Habang nasa loob, di ko rin maiwasang tignan yung mga decors niya. Karamihan ay parang mga galing pa sa ibang bansa. Big time naman po pala!

Isang mestisong lalaki ang nakaupo sa may sala. Nagbabasa siya ng diyaryo nang makarating ako. Narinig niya siguro ang mga yapak namin pagpasok ng silid kaya agad niya rin isinantabi ang kaniyang binabasa upang batiin ako.

"Felipe hijo! Kamusta ang iyong biyahe patungo rito?" Pangangamusta niya. Inanyayahan niya akong maupo sa silya na katapat ng kaniya at sumunod naman ako.

"Ayos lang naman po." Tipid na sagot ko.

Humingi siya ng tsaa sa kasambahay at muli niyang ibinaling ang kaniyang atensyon sa akin. "Si Señora kamusta na? Pasensiya na hijo at matagal ko na ring hindi nabisita ang iyong ina." Wika nito.

"Ayos lang naman po siya. May mga pinadala rin po pala siya para sa inyo." Magalang na sabi ko.

Ganoon nagsimula ang pag-uusap namin. Kinamusta niya ako sa pag-aaral ko sa ibang bansa. Siyempre, dahil di ko naman tanda... tamang imbento lang.

Mukhang mabait naman pala itong si Ginoong Tolentino. Nakikinig siya sa bawat salitang binabanggit ko at ramdam ko naman na totoong kinakamusta niya talaga ako.

"Oh siya, nabanggit sa akin ni Señora na kailangan mo raw ang tulong ko? Sa papaanong paraan kita maaaring matulungan hijo?" Seryosong tanong nito matapos niyang uminom sa kaniyang tasa.

"Uhm... may pakikisuyo po sana kasi ako." Panimula ko. "May malapit po kasi akong kaibigan na napagbintangan sa salang pagnanakaw. Nakakulong po siya ngayon, hinuli po siya mga ilang araw na ang nakalipas. Ano po bang maaaring gawin?"

Napakunot ang kaniyang noo nang marinig niya ang aking sitwasyon. "Ano bang sinasabing ninakaw niya hijo?" Question sakin ni Ginoong Tolentino.

Hala. Hindi ko pala natanong iyon kay Stell!

"Ah... eh... hindi po nabanggit eh. Basta pinagpintangan po siya na nagnakaw sa bayan kahit hindi naman po talaga siya ang may sala." Sabi ko na lang.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin ng ginoo. Nakahinga naman ako nang maluwag noong sinabi niya na titignan niya kung anong maaari niyang gawin tungkol dito. Hindi niya man personal na mahahawakan ang kaso, nag-alok naman siya na maghanap ng kapwa abogado na pwedeng tumulong.

Napag-alaman ko rin na may cases pala na minsan, hindi na nila hinihintay pang umabot sa korte yung kaso. Lalo na kapag may ebidensya at may witness, madalas diretso hatol na ng kaparusahan. Nakaramdam tuloy ako ng kaba, lalo na't naiisip ko na maaaring kaibigan ko ang nandoon.

Paano kung pinarusahan na pala nila si Josh? Ni hindi ko nga maimagine kung ano nang kalagayan niya doon ngayon. Nakakain na kaya siya?

Tsk! Kailangan na talaga namin siyang mailigtas. Kailangan namin siyang mailabas doon sa lalong madaling panahon!

Hapon na nang makaalis ako sa tahanan ni Ginoong Tolentino. Hindi niya rin kasi ako hinayaang umalis nang hindi kumakain. Kaya ayon, nagmeryenda muna kami bago ako bumiyahe pabalik sa amin.

Habang papauwi, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagisip-isip. Ewan ko ba. Bukod sa wala akong makausap, nas'stress din talaga ako sa mga nangyayari. Kung tama ang hinala namin ni Stell na si Jose nga si Josh, nasaan kaya yung dalawa? Nasaan sina Jah at Sejun? Nandito rin kaya sila?

Kung nandito man sila, sana nasa mabuting kalagayan sila. At sana, magkita-kita na rin kami ulit. Ang baduy pero nami-miss ko na talaga sila.

Napadaan kami ulit kami sa kalye na dinaanan naminnnoong sinundo ako galing sa pier. Ang ganda talaga tignan ng mga lumang bahay. Yung dating niya parang yungbsa intramuros o di kaya parang yung sa Vigan. Dagdag pa na bukas na yung mga ilaw dahil papalubog na ang araw.

"Ginoo! Sandali!" Rinig kong may sumigaw sa di kalayuan.

Isang binatang lalaki ang kumaripas ng takbo sa kahabaan ng kalye. Hindi ko alam kung anong nangyare basta nakita ko na lang siya nang lampasan niya ang aming kalesa. Mabilis ang lahat kaya noong saglit siyang lumingon sa direksyon ko, nagulat ako sa aking nakita.

"Ginoong Joaquin! Kagagalitan po kayo ng inyong ama! Bumalik na po tayo!" Sigaw nung naghahabol sa kaniya na matandang lalaki.

Malayo na ang narating ng binata. Sh*t. Namamalikmata lang ba ako? Bakit parang nakita ko si Jah?!

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon