[[ J o s h ]]
Tumakbo ako patungo sa palayan. Hindi ko alam kung anong klaseng panaginip to pero hanep! Napaka-realistic! Ramdam ko yung lumalamig na simoy na hangin. Maging yung texture ng lupa sa talampakan ko nararamdaman ko!
"Jose!" Rinig kong tawag ng mga tao sakin mula sa likod. Pero hindi, hindi ako lilingon. Hindi ako babalik. Kailangan kong makabalik ng Manila. Kailangan malaman nina Stell, nina mama, na buhay ako at nasa maayos ako na kalagayan.
Kailangan kong magpaliwanag kay Sejun.
"Jose! Bumalik ka dito! Huwag kang pumunta diyan!" Sigaw ng isang manong sa kabilang banda. Sino yun? Kapitbahay nila? Isang binatang lalaki ang lumabas mula sa kubo nila upang saksihan ang nangyayari. Nang makita niya ako... "Punyet*! Hoy! 'Wag diyan! Bumalik ka dito!" Sigaw naman nung binata.
Naalarma ako nung bigla rin siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Tae! Don't tell me hahabulin niya ko? Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, nagulat na lang ako nang biglang sumabit ang paa ko sa isang tangkay kaya naman sumubsob ako sa lupa. Takte ang hapdi!
Napatingin ako sa paa ko at sh*t! Dumudugo! Potek! Ibig sabihin... hindi ito panaginip? Totoo ang lahat ng ito?
Ilang minuto pa, nakaabot na rin sa akin yung binata na kapitbahay nila Rosario. Hingal na hingal ito at ang sama ng tingin niya sa akin. "Nababaliw ka na ba, ha? Punyet* mawawalan ka ng ulo sa katarantaduhan mo eh." Suway nito sakin at tsaka himapas ako gamit ang bimpo niya.
"Tsk! Ano ba?! Sino ka ba ha?!" Galit na tugon ko sa kaniya. Gag* eh biglang namamalo! Kung di lang ako injured baka nasapak ko na 'to.
"'Wag mo kong idamay sa katarantaduhan mo, Jose. May giyerang nangyayari sa kabilang dako niyan! Eh kung nabaril ka ng mga Amerikano?!" Sumbat nito hababg nakaturo siya sa may kagubatan.
Giyera?! Anong pinagsasasabi nito? Buang din siya?
"Halika na. Umuwi ka na at magpahinga." Sabi nung binata. Napatingin naman siya sa paa kong may sugat ngayon dahil nahiwa ng tangkay. "Ipagamot mo rin 'yan agad kay Aling Emelita para hindi lumala. Pupunta pa tayo sa bayan bukas." Tinulungan niya akong makatayo at pinagpagan niya yung lupa na nag-iwan tuloy ng mantsa sa aking damit.
Sa mga ikinikilos niya, pakiramdam ko kaibigan siya nung totoong Jose. Oo, galit siya kanina, pero mukhang concerned lang din naman siya sa akin--este kay Jose pala. China oil.
Inalalayan niya ako hanggang sa makabalik kami sa kubo nina Rosario. Alalang-alala naman si Aling Emelita, a.k.a mom ni Rosario, nang makitang may galos yung paa ko. "Nako po! Sandali, kukuha ako ng dahon ng bayabas nang magamot natin iyang sugat mo." Paalam nito at tsaka pumunta sa likod ng kubo para pumitas nung halaman.
"Salamat, Tomas. Pasensiya ka na ha. Hindi ko magawang pigilan si Jose sapagkat, mayroon na rin akong mga karamdaman sa edad kong ito." Sabi nung tatay ni Rosario sa katabi kong lalaki. Ahhh, so siya pala si Tomas.
"'Wag niyo na pong alalahanin yon, Mang Pedro. Tsk! Wala po siguro sa sarili itong si Jose ngayon. Kaninang umaga pa nga po yan sa palayan eh, kung ano-ano po ang sinasabi niya." Sumbong ni Tomas sa tatay ni Rosario, a.k.a. Mang Pedro.
Huh? Wala naman akong maalala na nagkita kami kaninang umaga?
Sa totoo lang, may naiisip na kong theory pero... hindi maari. Napaka-imposible naman non. Nakakatawa at kung ia-acknowledge ko man siya, para na rin akong nasiraan ng bait! Muli kong inobserbahan ang mga tao sa paligid ko. Sina Rosario, Mang Pedro at si Tomas. Lahat sila tinatawag nila akong Jose. Pfft! So ano... napunta ko sa katauhan ni Jose? Ganon? What a joke!
Hindi nagtagal ay bumalik na rin si Tomas sa kanila. Bago siya umalis nag-usap pa sila saglit ni Mang Pedro at dahil di naman ako makarelate, edi hindi ako nakinig! Besides, tinawag ako ni Aling Emelita sa loob para gamutin yung sugat ko. Pinaupo niya ako sa banig at nilinis yung sugat. Matapos non ay nilagyan niya ito ng dahon ng bayabas. Wow astig! Traditional medicine pa rin pala ang gamit nila dito!
"Alam mo anak..." Panimula ni Aling Emelita. "Halos madurog ang puso ko nang makita kong patungo ka sa dako ng labanan kanina. Alam kong pangarap mo ang maging sundalo. Alam namin ng tatay mo na sobra-sobra ang kaya mong ibigay para lang sa ating bayan. Pero sana... anak, maintindihan mo rin kami bilang mga magulang mo."
Woah. Gusto pala maging sundalo ni Jose. Pero teka, panong nagka-war ngayon sa Pilipinas? Hindi ba matagal nang independent yung bansa natin?
"D-Digmaan? Pasensiya na ho. Nalimutan ko po yata. A-ano po bang nangyayari?" Mautal-utal kong tanong sa kaniya.
"Nasa gitna tayo ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bansang Pilipinas anak. Nalimutan mo na ba? Ikaw pa nga ang may pinakamaraming alam sa amin tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari." Wika ni Aling Emelita.
Tsk! This doesn't make any sense. Natatandaan kong nabanggit din ni Tomas kanina yung tungkol sa digmaan. But how is that possible? Matagal na tayong malaya sa mga mananakop. Sabi ni Tomas--sandali... mga Amerikano? Ang kaaway natin sa giyarang sinasabi nila ay ang... mga Amerikano?
"A-anong petsa na po ba ngayon?" Shi*! Don't tell me...
Kumunot ang noo ni Aling Emelita nang isipin niyang mabuti. "Sa aking pagkakatanda, ika-7 ng Enero ngayon." Malumanay na tugon nito. "Ika-7 ng Enero taong 1900."
1900. What the f*ck?
Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Panay ang balisa ko sa pwesto ko. Never ko winish nang sobra na dalawain na ako agad ng antok. Gusto ko nang makatulog. Gustong-gusto ko nang matulog para paggising ko, bumalik na ko sa realidad. Year 1900? Ano 'to? Movie?
Magkakatabi kaming apat ngayon sa isang banig. Tulog na silang tatlo samantalang ako, wala. Gising na gising pa rin ang diwa. Mas lalo pa kong nagising matapos aksidenteng masipa ni Rosario yung injured kong paa!
Well I'll be damned. A dream wouldn't hurt like this. Pagnanaginip naman ako hindi ako nakakaramdam ng sakit. However, as much as I'd hate to admit it, paano kung totoo nga ang lahat? Paano kung napunta nga ako sa katawan ni Jose? At ngayon ay n-nabubuhay ako sa taong 1900...
Tsk! Ano bayan! Kalma. Bukas na bukas, pagmulat ko ng mata, I'm sure all these will be over. I'm sure all these... will just be part of a dream I won't even remember.
---
"Hoy Jose, gising na! Tanghali na oh, pupunta pa tayo sa bayan."
"Mamaya na, Jah." Ungol ko. Nagtalukbong ako sa kumot upang hindi maistorbo.
"Jah? Sino si Jah?" Tanong nung boses.
"Ano ba Jah! Wag ka nga maingay!" Protesta kong muli. Tuluyan nang nasira ang tulog ko nang may biglang humigit ng kumot ko. Ayan tuloy, exposed ako! Bwiset!
"Tsk! Bumangon ka na nga! Wag ka na mag-almusal, mahuhuli lang tayo." Reklamo nung boses.
Tsk! Yare talaga 'tong si Jah sakin. Aga-aga ang ingay niya! Bakit ba kasi... Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa paligid. Pucha! I'm still here?!
"Ayun, bumangon ka rin." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Hawak-hawak niya ang kumot ko kaya naman malinaw na siya ang salarin kung bat nasira ang tulog ko. Nakaka-asar pa yung ngiti niya. Para kasi talagang nandidimunyu.
"Bilisan mo na, malayo-layo pa ang lalakbayin natin."Sabi ni Tomas.
BINABASA MO ANG
Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]
FanficWith their careers continuously on the rise, the phenomenal P-Pop boy group SB19 is scheduled for their first world tour. Everything seemed to be going well for the five stars. They were busy with the preparations but at the same time, they were hav...