With their careers continuously on the rise, the phenomenal P-Pop boy group SB19 is scheduled for their first world tour. Everything seemed to be going well for the five stars. They were busy with the preparations but at the same time, they were hav...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[[ K e n ]]
Hindi na bumalik si Josh matapos niyang lumabas para "bumili daw ng tubig." Tinawagan na namin at tinext pero hindi siya sumasagot. Hindi na rin tuloy kami nagpractice dahil lahat kami ay nag-aalala sa kaniya.
"Malapit na mag-alas nuebe. Hindi kaya nauna na 'yon sa apartment?" Pagtataka ni Sejun.
Pinaliwanag niya na lang sa amin yung changes na mangyayari. Base naman sa na-envision niya, mukhang mas maganda nga yung kanta kung sa ganoong paraan ire-revise. Ayun nga lang, gusto rin sana namin i-demo 'to nang magkakasama para makita namin yung kalalabasan.
"Hindi pa rin siya sumasagot sa akin. San ba kasi nagpunta yon?" Medyo nafu-frustrate na tanong ni Jah. Sila ni Stell yung kanina pa nagtetext at tumatawag kay Josh. Gustuhin ko man tumulong... wala akong load eh. Kaya pang data lang ako sa messenger.
"Lumalalim na yung gabi guys. Ikaw Sejun, sabi mo uwi ka ngayon diba? Tutuloy ka ba?" Pag-iiba ni Stell.
Napakamot naman sa ulo si Sejun. "Oo uuwi pa rin ako. Pero... pano si Josh? Baka bumalik yun. Dala niya ba wallet niya? May pamasahe ba siya pauwi?" Sunod-sunod na tanong niya. Halatang sobra rin siyang nag-aalala sa kaniyang ka-miyembro.
"Nung chineck namin ni Ken kanina, dala niya naman wallet at cellphone niya. Ano... text ko na lang siya ha na mauuna na tayo sa apartment." Offer ni Jah.
So ayon. Umuwi kaming tatlo nina Stell sa apartment habang si Sejun naman ay umuwi sa kanila sa Cavite. Binitbit ko na rin yung mga gamit ni Josh at sinabihan siyang isinabay na namin ito pauwi.
Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang isipin kung may problema ba si Josh. Hindi naman kasi yon biglang aasta nang ganito. Hanggat kaya, palagi naman 'yon umaattend ng practice at hindi naman siya uma-absent unless may importanteng lakad o may emergency. Okay lang kaya siya?
Pagdating sa apartment, nadisappoint kaming makita na wala rin si Josh doon. Ni walang bakas na bumisita rin siya dito. Nakahinga naman kami nang maluwag noong makitang naroon pa yung mga gamit niya sa kwarto nila ni Jah. Konti na lang kasi baka isipin naming naglayas na yon eh.
Isa-isa kaming naligo at nagfreshen up bago matulog. Si Jah nagpapamenpa muna habang si Stell, as usual, skin care pa reign. Ako naman, sa kwarto na tumambay para manood ulit ng anime. Sa sobrang busy natambak na lahat sa watchlist ko. Tsk! Yare kayong lahay sakin ngayon.
Patuloy lang ang panonood ko. Pagkatapos ng isang episode, start na naman ako ng bago. Nahatak lang ako pabalik sa realidad nang biglang nakareceive na ko ng reply mula kay Josh. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at takte, nahilo ako!
Sinilip ko ang orasan sa phone ko. Hala, 1AM na pala. 1AM na nagreply si Josh, nagpapabukas ng pinto dahil kararating niya pa lang at wala siyang susi. Dahil nasa kaniya-kaniyang kwarto naman na sila Jah, binuksan ko yung ilaw sa sala. Agad naman din akong dumiretso sa pinto upang papasukin ang aking kaibigan.