[[ S t e l l ]]
"Pagnanakaw? Bakit naman naisip nila na nandito sa hacienda yung magnanakaw?" Pagtataka ko.
Sinabi ko pa naman kay Ginoong Alvarez na dapat walang record yung mga tatanggapin niya. Baka naman may pinuslit siyang kung sino dito?!
"H-Hindi ko po naitanong." Amin ni manang.
"Di bale na, ako na lang ang kakausap sa kanila."
Ilang saglit pa, dalawang lalaking naka-uniporme ang tumumbad sa aking harapan: isang tinyente at isang sarhento. Sa totoo lang medyo nakakatakot sila. Parehas kasing seryoso ang ekspresyon sa mga mukha nila. Dagdag pa na may bitbit silang malalaking baril kaya mas lalong nakaka-intimidate!
Klinaro ko ang aking lalamunan at ako'y tumayo upang batiin sila. "Magandang Tanghali. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Diretsang tanong ko.
Nagpakita naman ng paggalang ang tinyente at ang kaniyang kasama. "Pasensya na sa abala, Don Salvador, ngunit kami ay nakatanggap ng balita na maaaring dito raw namamasukan ang binatang nagnakaw sa bayan. Kami ay narito upang humingi lamang ng permiso sa inyo na siyasatin ang inyong mga tauhan." Paliwanag ng tinyente.
Hindi naman 'to raid diba? Investigation lang. Ibig sabihin dapat wala silang gamit na sisirain at dapat walang public punishment na magaganap. Wala pa namang sigurado at maaaring wala naman din dito ang salarin. Isa pa, may mga bantay rin sa hacienda at wala namang narereport sa akin na taong kahina-hinala.
Muli kong tinimbang ang aking options. Wala naman akong nakikitang masama kung papayagan ko ang pakay nila. Ang iniiwasan ko lang dito ay baka mamaya maging marahas sila na siyang maaaring maging dahilan upang magkagulo o matakot ang mga tao. Napalunok ako.
"Sige." Tugon ko. "Papayag ako sa isang kondisyon."
Halos magsalubong ang kilay ng tinyente nang marinig niya na makikipag-bargain ako. Hindi naman siya mukhang tatanggi though. Baka nagulat lang siya at nagtataka kung anong ipapagawa ko.
Ipinasok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking pantalon. "Wala sa aking mga tauhan ang masasaktan. Maaari niyong gawin ang inyong pag-iimbestiga ngunit gawin ninyo nang maayos. Wala kayong mga sisiraing gamit at wala dapat na reklamo ang makakarating sa akin." Seryosong pagbabanta ko.
Karamihan sa mga manggagawa ko ay mahihirap. Ang iba sa kanila ay may edad na at yung iba ay may mga karamdaman. Ayokong makita na sila'y tatratuhin na tila ba mas mababa pa sila sa galang aso. Hindi dahil mahirap sila ay pwede nang tapak-tapakan ang kanilang mga karapatan. Tao rin sila na may dignidad.
Bilang mga tao na kabilang sa nasasakupan ko, responsibilidad ko rin naman na protektahan sila. Mag-iimbestiga? Sige. Ayos lang dahil naiintindihan ko namang bahagi iyon ng trabaho nila. Pero para makasiguro na iyon lang ang gagawin nila at walang halong panggagag*, kailangan kong linawin ang sarili ko.
Bumugtong hininga, ang tinyente. Bakas sa kaniyang mukha na hindi niya nagustuhan ang pamamaraan na inutos ko. Sabi na eh. May balak 'to.
"Masusunod, Don Salvador." Maikling sabi niya. Muli silang nagpakitang-galang bago tuluyang bumalis para simulan ang pagsisiyasat.
Inutusan ko si Manuel at ang iba niyang mga kasamahan na palihim na bantayan ang mga opisyales na narito ngayon. Inatasan ko rin sila na agad na magsumbong sa akin oras na hindi sumunod ang tinyente sa usapan. So far, wala pa namang umaabot na report sa akin kaya palagay ko maayos naman ang lahat.
Naglibot-libot muli ako pagdating ng hapon. Habang naglalakad, nasilayan ko ang mga batang naglalaro sa ilalim ng puno ng alateris. Nagtatakbuhan sila at ang lalaki ng mga ngiti sa labi nila. Hayyy. Nakakamiss tuloy maging bata! Yung maglalaro ka tuwing hapon tas pag-uwi mo papagalitan ka ng nanay mo kasi ang dumi mo na at amoy araw ka pa! Ilang beses din akong napalo non ha.

BINABASA MO ANG
Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]
FanficWith their careers continuously on the rise, the phenomenal P-Pop boy group SB19 is scheduled for their first world tour. Everything seemed to be going well for the five stars. They were busy with the preparations but at the same time, they were hav...