Kabanata XII

62 4 0
                                    

[[ S t e l l ]]

"D-Don Ajero..." Nabaling ang aking atensyon sa isang matandang lalaki na halos matisod para lang makalapit sa akin. May hawak si tatay na dalawang walang buhay na manok sa kaniyang kanang kamay at ang kaliwa niya naman ay nakaakap sa isang menor de edad na binata.

"P-parang awa na po n-ninyo, Don Ajero. Itong dalawang manok na lang ho ang natitira sa aming mag-ama. Ninakaw po ang aming lupa at maging ang kubong aming tinitirhan ay matagal nang sinunog ng mga dayuhan." Pagmamakaawa ni tatay. "H-hijo kung di ako, k-kahit ang anak ko na lamang."

Malumanay ang tingin sa akin nung binata. Namumutla siya, parang ilang araw na siyang hindi nakakakain at mukhang konti na lang, hihimatayin na siya. Jusko!

Natatarantang kinapa ko ang aking bulsa. Kinuha ko ang laman nito ngunit nadismaya akong makita na kakapiranggot na mga barya lamang ito.

"Ito po tatay." Abot ko sa kaniya. "Hindi ko po alam kung sapat na 'yan ngunit, ipangkain niyo na po yung mga manok." Wika ko.

Halos mangiyak-ngiyak si tatay sa tuwa nang makita niya ang mga baryang ibinigay ko. "Nako po! D-Don Ajero! Sobra-sobra pa nga po ito!"

"Don Ajero." Pabulong na tawag sa akin nung kutsero. "Paumanhin po subalit, maaari pong magkagulo gayong espesyal ang inyong naging pakikitungo sa taong ito." Nag-aalalang sabi niya.

"Ganun ba?" Mahinang tugon ko.

"D-Don Ajero paano naman po kami?"

"Oo nga! Kami rin po ay nawalan ng tinitirhan!"

"Don Ajero! Ang tatay ko po ay may sakit! Ni wala po kaming pambili ng bigas, paano pa kaya ang kaniyang mga gamot!"

"H-Huminahon po kayo!" Pakiusap ko sa madla. "Tuloy po ang pagtanggap ng mga manggagawa sa... Haciendo Ajero. S-Subalit, hiling ko lang na lahat po tayo ay sumunod sa prosesong..." Ano nga ulit tagalog ng word na 'allot'? Ah! "Ilalaan. Bukas na bukas rin ay papayagan ko nang magsimula ang mga aplikanteng matatanggap." Anunsyo ko.

Marami pang naging katanungan ang mga tao kaya naman upang hindi na masayang pa ang oras inanyayahan ako ni kuyang kutsero na tumuloy na sa opisina ni Ginoong... basta siya. Papasok na sana ako nang maalala ko yung lalaking kamukha ni Josh. Nadistract ako kay tatay kanina. Muli akong tumingin sa direksyon kung nasaan yung doppleganger ni Josh kanina ngunit tulad nga ng inaasahan ko, wala na siya roon.

"Don Ajero! Magandang tanghali! Tumuloy ka." Bati ng isang binatang halos ka-edaran ko lang rin. Medyo mausok sa kaniyang opisina. Mukhang kakatapos niya lang manigarilyo bago ako pumasok.

Pinaupo niya ako sa isang silya katabi ng kaniyang mesa. "Tulad ng napag-usapan natin dati, nagyon ang simula ng pagtanggap sa mga aplikante. Uunahin natin ang mga nakapag-aral, marunong magbasa at magsulat. At kung papalarin, tsaka na lang tayo kukuha sa nga nasa laylayan." Nakangising sabi nito.

"S-sandali. Anong ibig mong sabihin?" Paglilinaw ko. Ano yun? Tama ba pagkakaintindi ko? Tatanggapin lang yung mga edukado? Hindi ba ang mas nangangailangan dito ay yung mga pamilyang walang-wala tulad nila tatay kanina?

"Ah eh. Don Ajero, iyon po ang matagal nang sistema ng pagtanggap ng mga tauhan sa inyong hacienda. Hindi po ba't ipinagkatiwala niyo sa akin ang tungkuling ito?" Takang-takang sabi niya.

Tss. Eh kung ganoon, nagkamali yata ng pinagkatiwalaan si Don Salvador! Eh nandidiscriminate to ng trabahador eh!

"H-hindi. Baguhin mo ang patakaran ngayon din." Utos ko. May kapangyarihan naman ako para gawin to diba?

"H-ha?"

"Suyurin niyo nang mabuti ang lahat ng aplikante. Wag kayong mamili. Tignan niyo ang kanilang kakayanan at maging ang dahilan kung bakit nais nilang magtrabaho sa hacienda. Wala akong pakielam kung nakapag-aral sila o hindi. Ang kailangan ko lang ay mga tapat at masisipag na mga manggagawa." Paliwanag ko.

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon