Kabanata V

50 7 2
                                    

[[ S e j u n ]]

"Alice! Ano nangyari bakit andami mong mga pasa?!"

Nagising ako sa sigaw ni mama. Oo nga pala, nasa bahay ako. Nag-stretching ako nang kaunti bago tuluyang naupo. Hayyy. Inaantok pa 'ko.

"Shh! Ma! Wag kayo maingay! Baka magising si kuya. 'Wag na po natin ipaalam sa kaniya please?" Rinig kong sabi ng kapatid ko. Huh? Anong ayaw niyang malaman ko?

"Ano ba kasing nangyari 'nak? Bakit ka nagkaganiyan?" Tanong ni mama. S-sandali... umiiyak ba siya?

Dahil sa panic, agad akong napabangon sa kama. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at doon, nakita ko silang dalawa sa sala. Naka-upo si mama sa sofa... umiiyak habang ang nakababatang kapatid ko naman na si Alice ay nakatayo sa kaniyang harapan. May mga pasa ito sa kaniyang mga braso at namumula rin ang kaniyang kanang pisngi.

Sa itsura pa lang niya ay gusto ko na ring maiyak. Hindi ko pa alam ang buong kwento pero ang makita siya nang ganito...

"K-kuya..."

"A-anong nangyari?! Sino may gawa sa 'yo nito?" Biglang nag-init ang aking dugo kaya nama'y hindi ko namalayan na halos sigawan ko na pala siya sa galit. Tangin*!

"K-kuya... wait."

"Kaya ba iniiwasan mo kami kahapon? Dahil gusto mo tong itago?" Pagse-sermon ko sa kaniya. Naluluha na rin si Alice ngayon pero... put* nakakagalit! Ayoko na nga lang isipin kung paano niya natamo 'tong mga pasang 'to eh.

Tinignan ko siya nang diretso. Maging ako ay nagpipigil na rin ng mga luha. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita na ginanito ng kung sinong gago ang kapatid ko! Pero may isang kaisipan ang hindi mapalagay sa utak ko... "A-Alice, g-gin--"

Hindi ko magawang tapusin yung itatanong ko. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang malaman ang isasagot niya. Napalunok ako sa kaba.

Agad na umiling si Alice. "K-kuya hindi po! Kung iyon man po ang iniisip niyo, h-hindi po." Mautal-utal niyang sabi.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Maging si mama ay tila nabunutan rin ng tinik sa dibdib nang marinig niya mismo ito galing kay Alice. Hindi ko tuloy alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Gusto kong magwala sa galit pero gusto ko ring maiyak dahil sobra akong nlulungkot sa nangyari kay Alice. "Magpasama ka kay mama magpa-check up ngayon. At mamaya, ire-report natin 'to sa pulis." Mahinahong sabi ko.

Umiling ulit ang aking kapatid. "K-kuya 'wag na, please. Okay lang naman po ako. Y-yung mga pasa na 'to, mawawala din to agad kaya kuya... w-wag mo na i-report."

Muli akong napasigaw dahil sa matinding emosyon."HINDI! Anong 'wag na!? Assault 'to Alice! Sinaktan ka! Kailangan 'to ma-report para hindi na maulit sa iba." Pagdadahilan ko. "Kahit pa sabihin mo na okay ka, na gagaling din lahat 'yan, hindi kami mapapanatag ni mama hangga't hindi natuturuan ng leksyon ang gumawa sayo niyan. Kahit pa nandito si papa, hindi rin siya papayag na makakalusot lang yung taong yon!"

Patuloy nang umaagos ang mga luha ng aking kapatid. Batid ko ang takot na nararamdaman niya. Sisikmurain ko na ako ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon pero ang palampasin ang pagkakataon na i-report to? Hinding-hindi ako papayag.

---

Noong hapon rin na 'yon, umabsent muna 'ko sa practice para asikasuhin muna ang pamilya ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noong hapon rin na 'yon, umabsent muna 'ko sa practice para asikasuhin muna ang pamilya ko. Pinacheck up namin si Alice at sa awa naman ng Diyos, hindi naman malala yung kalagayan niya. Hindi pa rin ako iniimik ng kapatid ko. Sinusubukan ko siyang kausapin pero ang iikli lang ng mga sagot niya tas tinitikom niya na agad ang bibig niya.

"Hayaan mo na muna si Alice anak." Pabulong na sabi sa akin ni mama. Wala naman akong magawa kundi tumango na lang sa request niya.

Pagdating namin sa police station para mag-file ng report, hiningan ng statement si Alice. Muli akong nainis dahil hindi niya sinasagot nang matino yung tanong ng mga pulis. Nagkikibit-balikat siya, panay tango at panay iling lang.

"Alice." Pakiusap ko sa kaniya.

"Tatanungin po namin kayo ulit ma'am. Kilala niyo po ba yung taong nagtangka sa inyo?" Wika nung pulis. Nakatulala si Alice sa desk nung officer at matapos ang ilang segundo umiling ito.

Narinig ko namang huminga nang malalim si mama sa tabi ko. "Kung alam ko lang na ito ang kahihinatnan niya hindi na sana ako pumayag na pumunta siya sa bahay ng kaklase niya kahapon." Maluha-luhang sabi ni mama.

Bahay ng kaklase? "Kaninong bahay po ba siya bumisita mama?" Tanong ko.

"Sabi niya doon sila gagawa ng project sa bahay nina Cha. Eh dahil kilala ko naman yung bata at tsaka matalik na kaibigan naman siya ni Alice, pumayag ako." Kwento niya.

Natapos nang questionin ng mga pulis si Alice. Agad namang pumunta yung kapatid ko sa tabi ni mama para iwasan ako.

"Uhm... sir Sejun, tama po?" Tugon sa akin mung pulis na mag-iimbestiga sa kaso namin.

"Opo."

"Ahhh, tagahanga po kasi ng grupo niyo yung anak ko. Hehe, fan na fan po iyon ng SB19." Nakangiting kwento niya. Umayos rin naman ito ng tindig upang muling bumalik sa sitwasyon. "Bali sir, maaari ko po ba kayong maka-usap sandali?"

"Sige po." Maikling sagot ko.

Sinundan ko yung police officer papasok sa isang parang tech room. May mga pulis rin doon, may mga computer at mga TV screens na nagpapakita ng mga CCTV footages. Naupo siya sa harap ng isang computer at nagsimulang magpaliwanag.

"Base po sa interview ko kanina, batid ko po na ayaw ipagpaalam ng kapatid niyo ang salarin sa kasong ito. May kakila po ba kayong posibleng kaaway o di kaya dating karelasyon ng kapatid ninyo?" Tanong ng pulis.

"W-wala po. Wala naman po siyang nababanggit sa amin. Ang alam ko lang po sabi ni mama nanggaling raw siya sa bahay ng kaklase niya kahapon." Sagot ko at tumango naman yung pulis.

"Sa kasamaang palad, wala pong CCTV camera dito sa bahaging ito na naging ruta ng kapatid niyo sa pag-uwi. Dito lang po sa area na ito malapit sa inyo ang meron." Turo niya sa isang mapa ng subdivision namin. Nagbukas siya ng isang folder at tumumbad dito ang napakaraming video files. Ito yata yung mga kuhang CCTV footages.

Binuksan niya yung file na nakunan kahapon. Makikita rito si Alice na nanghihina at sa tabi niya ay may isang lalaki siyang kausap. Naglalakad sila hanggang sa makaalis sila sa sakop ng camera. "S-sandali po, pwede niyo po bang ulitin?" Pakisuyo ko.

Put*. Parang... parang kilala ko 'to ah. Yung pananamit niya, bakit sobrang pamilyar?

Inulit ng police officer yung video clip at mas lalo akong nanlamig dahil may hinala na ako sa kung sino ang taong ito. "Sir, mawalang galang na ho pero... mukhang hindi po yata ito kaklase ng kapatid niyo? Wala pa pong sigurado pero as of now, maaari natin siyang ilista bilang potential suspect." Komento ng pulis.

"Tignan niyo ho ito." Tinuro niya ang kamay nung lalaki. Kitang may bahid ito ng dugo.

Tangin*. Tangin*. TANGIN*.

"P-paki pause nga po." Mariing utos ko.

White shirt. Black cap. Black jogger pants. At 'yong puting sapatos na iyon, regalo ko sa kaniya 'yon noong kaarawan niya. Put*?!

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon