[[ S t e l l ]]
"Maligayang pagbabalik, Don Salvador." Bati ni manang nang makarating na ang aming kalesa sa hacienda.
Isang villa ang bahay ni Don Salvador. Pagpasok na pagpasok pa lang, isang malawak na sala agad ang bubungad sayo. Mapresko at may iba't ibang palamuting makikita sa paligid. Halimbawa na lang ay ang malaking bilog na mesa sa gitna at nakaupo rito ay isang ancient-looking ng vase. Mukhang araw-araw pinapalitan nila manang ang mga bulaklak. Napakabango tuloy at kaaya-aya tignan.
"Dumating na po pala ang obrang handog sa inyo ng inyong kaibigan. Saan niyo po ba nais itong ilagay?" Tanong ni manang nang kami ay makapasok na.
Napansin ko naman sa isang sulok ang isang gamit na nababalot ng puting tela. Hmm, mukhang painting. Pa-rectangle kasi yung shape at medyo amoy acrylic pa. Nilapitan ko ito at tinanggal ang puting tela. Sa ilalim nito, isang painting na portrait ko ang bumungad. Astig!
"Ito po ang liham na kasabay ng obrang iyan, Don Salvador." Wika ni manang at iniabot niya sa akin ang isang envelope na may pamilyar na seal. Agad ko rin naman itong binuksan at binasa.
Don Salvador,
Bilang ikaw lang ang aking matalik na kaibigan sa Pilipinas, sa iyo ko unang nais ipabatid na ako ay magbabalik. Narito na ang obrang aking ipinangako. Sana magustuhan mo. Mahigit tatlong taon din tayong hindi nagkita kaya nama'y ipininta ko lang ito batay sa mga alaala ko tungkol sa iyo.
Inaasahan ko ang muli nating pagkikita, kaibigan. Iparating mo na lamang kay Doña Maria ang aking pagbati.
SFS
Wait! Natatandaan ko na! Itong SFS na 'to, siya yung artist na nag-paint nung artwork na kumalat sa twitter! Yung sabi ko pa nga na ang creepy! Grabe, what a small world. Hindi ko akalain na matalik na kaibigan pala siya ni Don Salvador.
Pero bukod kay SFS, isa pang pangalan ang nakakuha ng aking atensyon. Sino si Doña Maria? Kapatid kaya ito ni Don Salvador?
"Nakahanda na po ang inyong paboritong tsaa sa inyong silid aklatan." Pagre-report ni manang.
Muli akong napatingin sa portrait na ginawa ni SFS. Grabe, ang astig talaga. Kamukhang-kamukha ko! Sobrang detailed pa noong makita ko nang malapitan. Kung nasa modern world lang ako, for sure isasabit ko to sa sala namin!
"Manang, pakisabit naman po ito sa silid aklatan ko." Turo ko doon sa painting.
Ngumiti naman at tumango si manang. "Masusunod po."
---
Hindi na naman ako agad nakatulog noong gabing iyon kaya kung ano-ano na naman pinaggagagawa ko. Hindi pwede magpa-menpa. Hindi pwede mag-zumba. Hindi rin pwede maglurk kasi wala namang twitter at mas lalong walang selpon.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Naka suot ako ng puting pantulog ngayon. Gustuhin ko mang mag-skin care, hindi rin pwede kasi wala pang toners, moisturizers at face masks na naiimbento! Kaya nga tinatiyaga ko na lang ang soap and water.
Matapos magmuni-muni sa kwarto, na-realize ko rin na hindi pa pala ako pumupunta sa balkonahe. Kaya ayon, sa balcony na lang muna ako tumambay at nagpahangin. Medyo malamig ngayon ang gabi. Maliwanag ang buwan at payapa ang lupang nasasakop ng hacienda ni Don Salvador.
Hmm. Sayang naman. Walang bituin sa kalangitan ngayon. Nakikita rin kaya ito ng mga ka-members ko? Ay, oo nga pala. Nasa magkaibang panahon kami. Nasa year 2023 sila samantalang ako naman... nandito sa taong 1900. Sana nasa mabuting kalayagan sina Jah, Sejun, Ken at maging si Josh. Naputol ang alaala ko sa car crash. Ni hindi ko man lang nalaman kung nagsurvive ba yung iba.
BINABASA MO ANG
Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]
FanficWith their careers continuously on the rise, the phenomenal P-Pop boy group SB19 is scheduled for their first world tour. Everything seemed to be going well for the five stars. They were busy with the preparations but at the same time, they were hav...