Kabanata XVIII

46 4 0
                                    

[[ K e n ]]

Nagising ako sa katok ni Señora Fides. Si Señora Fides ang mama ko sa panahong ito. Makwento siya, masiyahin at masarap din magluto. Sinabayan niya akong kumain ng hapunan kahapon. Napakarami niyang na-share sa akin pero nung ako naman magke-kwento, halos wala pa yata sa limang sentence yung nasabi ko. Wala kasi akong masabi. Malay ko ba kung anong pinaggagagawa ng totoong Felipe habang nasa ibang bansa siya!

Mabuti na lang at naisip ni Señora na pagod lang ako kaya pagkatapos kumain, inihatid niya lang ako sa kwarto ko at hinayaan akong mapag-isa para makapagpahinga. Tulad ng kwarto ko sa barko, malawak at magarbo yung silid ko. Malinis at maraming decorations. Naligo ako at nagpalit ng damit para agad na makapagpahinga. Ayun nga lang kahit galing ako sa biyahe, hindi rin ako nakatulog kaya heto, puyat ako at namumugto ang mga mata.

"Pepeng, halika na. Sabayan mo ako mag-almusal." Wika ni Señora Fides mula sa kabilang side ng pinto.

Nagsabi naman ako na bababa na lang ako kaya agad din akong nag-ayos. Halos pare-parehas lang yung mga damit ni Señor Felipe. Di tukoy ako majaporma nang maayos! Gayon pa man, pinagtiyagaan ko na lang kung anong meron.

Tila pista pa rin sa hapagkainan nang makababa ako. Pababa pa lang ako ng hagdan naaamoy ko na yung bango ng mga pagkain. Iba't ibang mga ulam at mga tinapay ang nakahanda. Grabe, busog na agad ang mga mata ko!

"Ang dami niyo naman pong inihain." Komento ko. Pero di naman ako nagrereklamo! Kung pwede nga lang ganito ang breakfast araw-araw sa apartment eh.

Napangiti nang malawak si Señora Fides. "Mahigit apat na taon ka rin sa Pransiya anak. Madalas, iniisip ko kung nakakakain ka ba ng mabuti doon. Nangamba ako na mangangayayat ka at tignan mo! Buto't balat ka na!"

Napatingin tuloy ako sa aking sarili. Grabe naman yung buto't balat. Masyado naman yun! Hahaha! Pero totoo naman, kasi wala na yung bilbil ko.

"Kaya naman ngayon na nandito ka na muli, sisiguraduhin kong magiging malusog ka. Kaya, oh, heto kumain ka na." Sabi niya at sinimulan niya nang i-abot sa akin ang mga putahe.

Muli akong tinanong ni Señora tungkol sa mga paglalakbay ko sa Pransiya. At dahil wala akong alam, nag-imbento na lang ako ng kung ano-ano. Kesyo maayos naman doon, o di kaya... masarap yung mga pagkain. Hinayaan ko na siya na lang ang magshare nang magshare. Dahil doon, mas marami tuloy akong nalaman tungkol sa totoong Señor Felipe.

Si Señor Felipe Jean Suson ay isang binatang nagtungo sa Europa upang mag-aral ng pagpipinta. Nagtapos siya isang sikat na unibersidad sa France. Nakwento ni Señora na mula pagkabata pa lang, hilig na ni Felipe gumuhit at magpinta. Pangarap daw ng namayapang ama ni Felipe na siya'y kumuha ng kurso sa medisina. Ngunit sa katigasan ng ulo nito, pinilit niyang sundin ang kaniyang puso. Tinuloy niya ang kaniyang pangarap na kumuha ng course sa arts.

Patuloy lang ako sa pakikinig sa mga kwento niya. Sa gitna ng pagkain, uminom ako para matulak yung kinain ko. Ininom ko lang kung ano yung nasa tasa at huli na nang ma-realize ko na black coffee pala yung laman. Bleck! Ampait!

"Oh, ayos ka lang ba anak?" Tanong ng Señora.

Nakakunot noo akong tumango. "Uhm, p'pwede po bang humingi ng a-asukal?" Nag-aalangan kong sabi. Yak! Ang pait talaga! Kinikilabutan ako!

"S-sige." Nagtatakang sabi nito. "Manang pakikuha naman yung asukal sa kusina"

"Opo, Señora."

Nilagyan ko na lang ng tubig ang isang bakanteng baso at tsaka ito ininom. Ramdam kong nakatingin sa akin si Señora Fides. Bakas ang kalituhan sa kaniyang mukha pero di nagtagal, umiling ito at muling ngumiti.

"Paborito mo na ganiyan kapait ang iyong kape, anak." Kwento niya. "Tila nagbago yata ang iyong panlasa." Siya rin ay uminom mula sa kaniyang baso.

Hala weh? Yare.

"Ah... eh..." Dumating na si manang at inilagay niya sa side ko yung jar ng asukal. "Ano po, mahilig po kasi sa matamis yung mga tao doon..." Palusot ko. "Nasanay lang din po ako."

Maniwala ka please.

Tumango si Señora Fides. "Oo nga. Noong huling punta ko roon napakarami ko ring nakain na matatamis." Pag-sang ayon niya at nakahinga naman ako nang maluwag. Muntik na ako doon!

Pagkatapos mag-almusal, dinala ako ni Señora sa isang silid sa bahay. Sa labas pa lang umaalingawngaw na ang amoy ng pintura. Binuksan niya yung pinto at isang art room ang bumungad sa amin. Agad kong naisip na ang silid na ito ay kay Señor Felipe. Ito yata yung parang opisina niya.

Puno ng mga artworks yung kwarto. Iba't iba ang uri. May mga sculpture, mga paso at mga paintings. may ilang sketches din na nakapatong sa isang lamesa. Medyo makalat yung silid dahil sa mga mantsa ng pintura pero walang bakas ng alikabok. Palagay ko pinalinis ito ni Señora bago ako dumating.

"Olvidaste cómo era tu estudio? (Nalimutan mo na ba ang itsura ng iyong studio?)" Pabirong tanong nito. Teka, nakakaintindi din ako ng Spanish? Since when?

"Opo." Tugon ko. Hmm, try ko nga... "Ha pasado mucho tiempo desde la última vez que estuve aquí. (Matagal na noong huli po akong nandito.)" Wooaahh! ASTIG! Pinigilan ko ang sarili ko na magreact sa nangyari. Kalma Ken, kunware walang nangyari!

"Entiendo (I understand.)" Nakangiting sabi niya. 

Muling nabaling ang aking atensyon sa mga artworks ni Señor Felipe. Nilapitan ko ang mga ito at pinagmasdan nang mabuti. Kahit hindi pa siya nag-aaral sa ibang bansa, kitang-kita na may talent na ito sa arts. Yung mga sketches ang realistic. Yung mga paintings niya naman, napaka-detailed. Dito pa lang, pansin ko na na isang perfectionist itong taong 'to. 

Tumungo ako sa mesang malapit sa bintana. Naroon ang ibang sketches at drawings. Nakakita ako ng isang sketch ng bahay kaya kinuha ko ito at pinagmasdan nang mabuti. Naalala ko tuloy yung sarili ko. Anong mundo kaya ang naghihintay sa akin kung hindi ko pinaglaban yung passion ko sa pag-perform? Ano kaya ang magiging buhay ko kung tinuloy ko yung pag-aaral ko bilang isang architecture student?

"Anak, hindi ba pinangako mo sa akin na ipipinta mo ang aking larawan?" Sabi ni Señora habang tinitignan niya rin ang ibang obra ng kaniyang anak. Agad naman akong napatingin sa kaniya.

"Balita ko maging ang iyong matalik na kaibigan ay napagpinta mo na." Kwento nito. "Paano naman ako na iyong ina, Pepeng?" Sabi ni Señora. Nakasimangot na ito, para bang pinapakita niya sa akin na nagtatampo siya.

Napalunok naman ako. P-Painting? Anong alam ko sa painting?!

Nilampasan niya ako at naupo siya sa isang silya. Ang silya ay nasa harap ng isang easel. S-Sandali! Seryoso ba?!

Pumwesto si Señora Fides. Inayos niya ang kaniyang damit, ang kaniyang buhok at maging ang kaniyang pustura. Nanginginig akong lumapit sa easel. Pati mga tuhod ko nanlalambot! Tae. Okay lang sana kung drawing lang ng itlog eh. Kaya yon! Eh tao?! Potek mayayare ako neto!

"Pagandahin mo ako sa obra mong ito Pepeng ha." Nakangiting wika ni Señora. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkasabik!

Nangangatog kong kinuha ang lapis at tumitig sa bakanteng canvass.

PA'NO BA TO?!

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon