Kabanata XI

68 5 2
                                    

[[ S t e l l ]]

"Don Salvador, ayos lang po ba kayo? Nais niyo po bang ipatawag namin ang inyong manggagamot upang tignan ang inyong karamdaman?" Tanong ng isang kasambahay. Si manang ang ang nag-aasikaso sa akin kahapon pa. Mukha naman siyang mabait. Lahat ng pangangailangan ko ay inihahanda niyang mabuti.

"H-hindi na p-po. A-ayos lang ako." Nanginginig na sabi ko. Uminom na lang ako ng tubig para matago yung kaba ko.

Jusko! Ano bang nangyayari? B-bakit ganito? B-bakit ako nandito?

Matapos ang aksidente, nagulat na lang ako at narito na ako. Ine-expect ko na makikita ko ang sarili ko sa isang ospital. Kase diba? Ganon naman talaga lalo na kung galing ka sa isang aksidente! Laking gulat ko na lang nang malaman kong bigla akong napunta sa katauhan ng taong ito. Panay Don Salvador ang tawag nila sa akin, eh hindi naman ako yon!

Umiyak lang ako noong mag-isa na lang ako sa kawarto kahapon. Napakalawak ng silid. Magagarbo yung mga decorations, pangmayaman yung mga kagamitan pero sa kabila ng mga iyon, hindi ko pa rin mapigilang malungkot at matakot. Narito ako sa isang mundo kung saan wala akong kakilala. Ni hindi ko man lang nalaman kung nakaligtas ba yung mga ka-members ko.

Hindi ako agad na nakatulog kagabi kaya naman nagmasid na lang muna ako sa kwarto nitong Don Salvador. Napakarami niyang mga libro. Karamihan pa ay nasa wikang Español! Ito pa ang nakakagulat, wala akong alam tungkol sa wikang ito pero nung sinubukan kong basahin yung mga titles... naiintindihan ko! Napo-pronounce ko pa nang maayos! Grabe, parang bigla akong nagkasuperpowers!

Sinubukan ko ang bagong kakayahan kong ito sa iba't ibang bagay hanggang sa natagpuan ko ang mga liham na para kay Don Salvador sa kaniyang mesa. Doon ko nalaman na nasa taong 1900s pala ako. Base sa huling liham na kaniyang natanggap mula kay SFS, buwan na ng Enero taong 1900. Pinadalhan siya ng liham ni SFS dahil nais daw siya nito handugan ng isang munting regalo. Hmm... baka buddy-buddy sila?

Sa mesang iyon na rin ako dinalaw ng antok. Grabe, laking pasasalamat ko noon dahil akala ko isang panaginip lang ang lahat at muli na kong makakabalik sa amin. Akala ko muli na kong babalik sa panahon ko. Akala ko muli ko nang makakasama ang mga mahal ko sa buhay. Kaso ayon. Isa lang pala itong maling akala.

"Don Salvador, tutuloy pa rin po ba kayo sa bayan ngayon? Nangako po kayo na tatanggap kayo ng mga bagong manggagawa sa hacienda ngayon." Paalala ni manang kaya naman nabalik ako sa realidad. "Ngunit, kung hindi po mabuti ang inyong karamdaman, hiling ko po na manatili na lang kayo rito. Maaari naman pong sa susunod na panahon niyo na lang ito isagawa."

"K-Kamusta na ba ang lagay ng hacienda sa ngayon?" Tanong ko na lang. Wala kong maisip na ibang sasabihin eh! Nape-pressure ako mygad!

"Halos kalahati po sa ating mga manggagawa ang nagsibalikan sa kani-kanilang mga probinsya upang makaiwas sa digmaan. Ang iba naman po ay sumanib sa pwersang militar ayon sa kahilingan ng punong heneral." Kwento ni manang.

Ano raw? Digmaan? 1900s... hindi ba ito yung panahon kung kailan napasailalim naman tayo sa pamumuno ng bansang Amerika? Sa pagkakatanda ko, after Spain, mga Amerikano ang sunod na sumakop sa bansa. Kung gayon...

"Tila ang mga natira na lang po ay ang mga matatagal na at may mga edad na manggagawa. Marami pa naman po sila subalit sa paparating na pista, hindi po tayo makakapag-ani ng sapat upang maibahagi at mabenta sa merkado." Pagpapatuloy ni manang.

Tumango ako bilang senyales na naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ako familiar sa gawain ng isang haciendero pero base sa mga nababasa at napapanood ko, sila ang nangangasiwa sa lupang kanilang nasasakupan. Kung tama ang naaalala ko, malulupit ang mga may ari ng lupa sa mga panahong ito. Iniisahan nila ang mga magsasaka at inaabuso nila ang kanilang mga kapangyarihan para lang sila'y mas angat kesa sa iba. Hindi naman siguro ganoong klaseng tao si Don Salvador, hindi ba?

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon