Kabanata III

58 6 1
                                    

[[ J o s h ]]

Kinabukasan...

"Psst. Ken! May tubig ka pa? Painom pre!" Sabi ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming naka-water break. Kadiri pawis na pawis na ko. Gusto ko na sana magpalit kaso hindi pa dito natatapos yung practice namin for the day. Sadt.

"Ala pre. Ubos na oh." Sagot niya at ipinakita niya sa akin ang water bottle niyang sing tuyot ng disyerto. "Pakuha tubig sa pantry." Pakisuyo niya bigla.

Hayyy. Ano ba 'yan. Kaya nga ko nanghihingi para di na ko tatayo eh. "Geh, basta painom ako ah." Pagkokondisyon ko. Tumango naman si Ken at tsaka tumayo na ko para kumuha ng tubig sa pantry.

Habang naglalakad sa hallway, napatingin ako sa hawak kong bote ni Ken. Tsk. Anliit. Kaya mabilis maubos yung tubig eh kasi parang isang baso lang yung katumbas.

Papasok na sana ako sa pantry kaso natigilan ako nang marinig kong may nag-uusap sa loob. Isang babae at isang lalaki. "Ambabait niyo po pala talaga. Sana ako na lang po inutusan niyo kumuha ng mga tubig para sa inyo. Tutal, wala pa naman masyadong pinapagawa sa akin." Sabi nung babae. Teka, siya yung ano... yung intern!

"Ah hindi na. Hindi rin kami sanay na inuutos yung mga maliliit na bagay na ganito sa iba. Salamat na lang po." Sagot ng lalaki. Si Sejun. Hindi ako maaaring magkamali. Ah... kaya pala siya nawala kanina bigla. Kumuha rinsiguro ng tubig.

Luh. Eh bakit ako andito sa labas? Ang gara tuloy na nakikinig lang ako sa usapan nila--

"Bat ho pala isang act lang 'yong pina-practice niyo? Huwag niyo po sanang masamain ah. Pero mula po nang dumating ako kahapon paulit-ulit niyo lang pong sinasayaw yung kaisa-isang kantang 'yon." Tanong ni Stacey.

Hmm. Mukhang bagong A'TIN pa lang siguro siya... or baka lowkey lang. Kahapon kasi nabanggit niya na may 's' yung A'TIN. Tapos ngayon, mukhang wala pa siyang idea na maraming beses naming pinapractice yung mga sayaw namin para pulido at malinis.

Napagtanto ko na lang na hinihintay ko pala yung sagot ni Sejun. Sa saglit na katahimikang iyon, ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. "Ah. Ano kasi..." Panimula niya. "Hindi pa makasabay lahat. Si Jah at Ken medyo may nalilimutan pang parts sa choreo at si Josh naman..."

For some reason, bigla akong nakaramdam ng kaba nung binitin niya yung sasabihin niya tungkol sakin. Ano? Ano meron sakin?

"Ah onga po napansin ko rin. Hindi niya po talaga strength yung pagkanta ano?" Narinig ko na lang na biglang sabi nung intern.

Huh? May namiss ba 'ko? Ano ba sabi ni Sejun?

"Wala pa namang final. Bago kasi 'tong kantang 'to kaya nag-eexperiment pa kami kung sinong babagay sa certain parts. Ayun nga lang, hindi ko pa mapagdesisyunan kung anong part ang ibibigay kay Josh." Paliwanag ni Sejun.

Wow. Hahahaha! So ako lang pala ulit yung problema? Grabe wala ko masabe.

Bakit ganon? Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko nga siya kalakasan. Aminado naman ako na kumpara sa iba, medyo nagla-lack ako sa skill na 'to. Alam naman pero... Hayyy. Teka! Ano bang ginagawa ko rito?!

Bumalik ako agad sa practice room at inihagis kay Ken yung bote. Nagulat si Ken pero agad niya rin naman itong nasalo. "Shuta. Huy!" Wika nito.

"Walang tubig sa pantry. Bili na lang ako sa baba." Pagdadahilan ko. Sa ekspresyon ni Ken, alam kong natataka na 'yan ngayon sa biglang bago ng kilos ko. Magsasalita sana siya ngunit hindi ko na 'to hinintay at agad na akong tumalikod at umalis.

Tangin*. Sa pagod lang siguro 'to noh? Pagod? Pero bakit bumibigat yung pakiramdam ko? Tama naman yung sinagot ni Sejun ah? Tama naman na sumang ayon siya sa komento ng intern na hindi ako magaling kumanta. Ano bang bago dun? Ilang beses na rin naman akong nagpalipat-lipat ng parts sa mga kanta namin para lang mai-blend ko ang boses ko sa kanila. Hindi pa ba ko nasanay?

Hahahaha! Lintek na 'yan. Kahit ilang practice yata gawin ko pabuhat pa rin ako sa grupong 'to. Hanggang ngayon ata, hindi pa rin ako enough.

---

[[ J a h ]]

Aaaand. Post!

Ayan na. Ewan ko na lang kung hindi pa magsi-uwi mga mais ko. Wala pang seven kaya sa IG story lang ako naglapag. Hahaha! Ma-cute-an kaya sila?

Ayan na. Andami agad notifs. Sa dami ng notifs ni isa galing kay kras wala. Awsss.

"Ayos 'tong update mo Jah ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayos 'tong update mo Jah ah." Nakangising wika ni Ken habang nakatingin ngayon sa phone niya. Ipinakita niya sa akin yung screen kung saan naroon yung bagong lapag ko na story. "Yesss! I-fire ko nga hahahaha!" Sabi niya at tsaka pinagpipipindot yung phone niya. Baliw!

"Ay onga pala!" Biglang sigaw ni Stell mula sa kabilang side ng room. "Buti naalala ko. Asan sila Josh at Sej?" Tanong niya sa amin.

"Si Josh bumili daw ng tubig. Si Sejun... ambot." Tugon ni Ken sa kaniya at nagkibit-balikat.

Hinugot ni Stell yung phone niya mula sa pagkaka-charge at lumapit siya sa amin. "Tignan niyo 'to guys. Sobrang creepy. May isang A'TIN na nag'post ng abstract painting. Galing pa raw to sa ano... sa antique shop ng lolo niya. Tignan niyo."

Isang lumang painting ang nasa picture na pinapakita ni Stell. Mukhang matagal nang nakaimbak kasi maalikabok. Yung framena gawa sa kahoy medyo sira-sira na rin. Mukhang maayos pa naman yung kondisyon nung mismong painting. Hmm, ang ganda siguro niyan kung ire-restore.

"Hala ang cute. May manok oh!" Masiyang sabi ni Ken bago niya tinuro yung isang part na hugis manok nga. Tss. Eto talaga. Puro na lang manok. Kaya mukha siyang chicken eh!

"Eto pa oh. May strawberry, may hotdog, may barbeque at may mais. Ang galing diba? Yung mga favorite natin nasa iisang abstract. Panisss!" Zinoom in din ni Stell sa ibang parts para ipakita sa amin. Manghang-mangha naman si Ken na tinignan talaga nang mabuti yung mga shapes

"Pero wait, there's more! Eto mas creepy. Like... kinilabutan talaga ko kahapon nung nabasa ko 'to." Dagdag ni Stell. "Ang title daw ng painting ay es bi wan nayn. Eh diba tayo yun? SB19? 1900s pa daw yung painting na 'to guys! Tapos parang dedicated sa atin?"

Creepy ba yun? More like weird! Wala pang abstract art nung 1900s. Sa pagkakatanda ko sa nadiscuss namin sa school, mid-20th century pa siya nag emerge. Panong magkaka-abstract art nung early 1900s?

"Baka naman scam 'yan? Parang wala naman ako matandaang painter na may initials na SFS? Legit ba 'yan? Di ba 'yan edited?" Tanong ko.

SFS? Parang wala talaga eh. Baka di siya famous na painter.

Napakamot na lang sa ulo si Stell. "Eh yun nga yung tatanong ko rin dapat sa inyo ih... Sige, okay lang. Na-share ko lang naman to kasi ang cool talaga. Asan na ba yung dalawa? Kanina pa tapos yung waterbreak ah." Pag-iiba niya na lang ng usapan.

Ilang minuto pa bumalik na rin si Sejun sa practice room. May naisip siyang idadagdag sa kanta kaya maiiba ng kaunti yung mga parts namin. Tinext namin lahat si Josh na bilisan para makapag-start na kami. Kaso, dumaan ang isang oras... dalawa... tatlo.

Hindi bumalik si Josh sa practice.

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon