[[ S t e l l ]]
"HINDI AKO ANG NAGNAKAW! BITAWAN NIYO 'KO!"
Bihag na ng mga kawal si Jose nang makarating ako sa maisan. Nakita ko rin na nagkalat ang mga gamit nila sa kubo, bagay na labag sa napag-usapan namin ng tinyente. Pilit naman na nagpupumiglas si Jose mula sa dalawang kawal na nakahawak sa kaniya habang isinisigaw ang kaniyang pagiging inosente.
"Tsaka ka na magpaliwanag!" Sigaw sa kaniya ng tinyente. Lumingon siya sa kaniyang mga tauhan at sinenyasan ang mga ito. "Dalhin na 'yan sa bayan."
Susugod sana ako papunta sa kanila nang bigla akong pigilan ni Manuel. "Don Salvador, mawalang galang na po pero huwag po kayong gagawa ng kahit anong maaaring ikagalit ng mga kawal." Sabi nito.
Tumingin siya sa tinyente. "Kahit iyan lang po ang ranggo niya, kilala po siya sa kaniyang katapangan."
Nakakunot ngayon ang noo ng tinyente. Hindi ko mabasa nang maayos ang kaniyang ekspresyon sa mukha. Para siyang galit na naiinis na ewan. Dumura ito sa tabi at tinignan nang masama si Jose na ngayo'y tinatangay na palayo ng kaniyang mga tauhan.
"D-Don Salvador!" Rinig kong may tumawag sa akin.
Nahagilap ng mga mata ko si Jose na ngayo'y nakatingin sa akin. Pilit pa rin siyang nagpupumiglas sa mga kawal na nakakapit sa kaniya. "Wala akong kasalanan Don Salvador! Maniwala po kayo, hindi ako ang magnanakaw!" Pakiusap nito.
At dahil kamukhang-kamukha nito ang matalik kong kaibigan, nababasag ang aking puso sa nakikita ko ngayon. Ang mga matang iyon... gusto kong magtiwala sa mga matang iyon. Gaya ng una naming pagkikita, tila nangangausap ito sa aking kaululuwa. Kaya naman nang makita kong pumatak ang kaniyang mga luha, hindi na ko nagdalawang isip pa. Nilampasan ko si Manuel at hinarap ko ang tinyente.
"Ano 'to? Bakit niyo siya hinuli gayong sinabi niya na hindi naman siya ang nagnakaw?!" Hindi ko inaasaahan na matataasan ko ng boses ang tinyente. Ngunit nangyari na, kailangan oo itong panindigan.
Huminga ito nang malalim at maangas na tumingin sa akin. "Kung ako sa inyo, huwag na po kayong makielam, Don Ajero." Mayabang na sabi nito. Inayos niya ang baril na nakasabit ngayon sa kaniyang balikat, tila ba binabantaan niya ako na wag nang painitin ang kaniyang ulo.
Akmang aalis na sana ang tinyente ngunit muli akong nagsalita. "Pasensiya na." Seryosong wika ko at natigil naman ito sa paglalakad. Inayos ko ang aking tindig at muli siyang hinarap.
Hindi naman talaga ako ma-flex na tao. Sa totoo lang ayokong-ayoko na ginagamit kung anong meron ako para manlamang sa kapwa ko. Pinalaki akong ganon. Kaya sana, mapatawad ako ng mga magulang ko sa gagawin ko ngayon. Pasensya na Don Salvador, ngunit kailangan ko munang magpakita ng kapangyarihan para subukang sagipin ang taong ito.
Nakataas ang isang kilay ng tinyente nang lingonin niya ako. "May pakielam kasi ako sa mga manggagawa ko. Kaya ginoo, nais ko lang naman malaman kung bakit niyo bibihagin ang binatang ito. Wala naman sigurong masama kung ibabahagi niyo, hindi ba?" Matapang na sabi ko.
Mahinang napatawa ang tinyente. Hindi ko na talaga nagugustuhan yung tingin niya pero sinubukan ko na lang hindi pansinin upang di na mas lalong magkagulo. Umiling ito at sarkastiko siyang ngumiti sa akin.
"Nagnakaw siya ng gamot at hawak ko ang ebidensya." Itinaas niya ang sakong nasa kamay niya. "May gusto ka pa bang malaman, Don Ajero? Kung wala, mauuna na po kami. Maraming salamat sa inyong kooperasyon."
Gamot? Para lang sa gamot? Eh paano kung kailangan talaga nila?!
Muling nagpakitang galang ang tinyente at gayon din ang kaniyang mga kasamahan bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Agad kong kinapa ang bulsa ko upang maghanap ng salapi, nagbabakasakali na maging sapat ang pagbabayad nito upang di matuloy ang paghuli sa kay Jose. "Sandali, baba--"
BINABASA MO ANG
Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]
FanficWith their careers continuously on the rise, the phenomenal P-Pop boy group SB19 is scheduled for their first world tour. Everything seemed to be going well for the five stars. They were busy with the preparations but at the same time, they were hav...