Kabanata XXI

43 3 0
                                    

[[ K e n ]]

Agad akong pinag-ayos ni Señora Fides. At dahil lalabas ako, siyempre kailangan nakaporma pa din. Ang p'plain ng mga damit ni Señor Felipe at kakaunti lang yung may patterns. Wala siyang animal print at halos pare-parehas lang din yung kulay ng mga damit niya! Haysss. Boring!

Kumuha na lang ako ng puting polo at tinerno ito sa itim na slacks. Naka-tuck ito sa pantalon at bilang medyo malamig sa labas, nagsuot din ako ng mahabang itim na coat. Pinag-isipan ko kung magsusumbrero pa ba ako. Pang accessory sana kaso sa huli, inayos ko na lang yung buhok ko sa paraang babagay sa porma ko ngayon.

Tinignan ko muli ang itsura ko sa salamin. Ayan! Ayos na! Simple lang pero malakas ang dating.

Papalabas na ko ng bahay nang muli kong makasalubong si Señora Fides. "Aba! Napakaguwapo naman ng aking unica hijo!" Natutuwang sabi niya. Malawak ang ngiti sa kaniyang mukha. Humakbang ito papalapit sa akin at inayos niya ang suot kong coat.

"Manang-mana ka talaga sa akin." Pabirong bulong niya. Umatras ito at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ayan! Ayos na ayos!"

Ngumiti ako pabalik bilang pagtugon sa papuri niya.

"Ay nga pala anak, paki-abot naman ito kay Don Salvador. Siguradong magugustuhan ng binatang iyon ang mga sumang ito!" Wika niya. Kinuha niya mula sa kasambahay ang isang maliit na bayong at iniabot ito sa akin. "Sinamahan ko na rin iyan ng isang ulam at iba pang mga kakanin!"

Grabi naman ang dami! Pero sabagay, sabi nga ni Señora best friend ko daw si Don Salvador. Ganoon din lola ko eh. Pag nalaman niyang makikipagkita ako sa kaibigan ko kung ano-ano rin ipinapabigay niya. Madalas lutong ulam na nasa tupperware o mga prutas na natawaran niya sa palengke.

"Oh siya sige na, mauna ka na Pepeng nang makarating ka roon bago mananghalian." Bugaw niya sa akin. Inihatid niya naman ako hanggang sa makalabas kami. Naroon naghihintay ulit yung kutserong nagsundo sa akin nung isang araw.

Nagpaalam na ako kay Señora at sumakay na sa kalesa. Di nagtagal, bumiyahe na rin kami papunta sa kabilang bayan kung saan nakatira ang matalik ko raw na kaibigan. Nagsight-seeing lang ulit ako dahil wala rin naman akong ibang magawa. Pinagmasdan ko yung mga bahay, yung mga puno at pati na rin yung mga taong dumadaan. Ang weird nga eh. Sa tuwing may madadaanan kaming mga dalaga, nagtatago sila ng mukha pag napapatingin ako sa direksyon nila. Hayyy, di yata sila nakaligtas sa kaguwapuhan ko!

Nang puro palayan na lang yung nakikita ko, doon ko na naramdaman yung kaba. Wala akong alam tungkol kay Don Salvador. Paano na lang kung makahalata siya na hindi ako ang totoong Señor Felipe? Hindi ko rin maiwasan magtaka kung ano kaya itsura niya. Don Salvador... hmm, pano kung matandang panot pala siya ano? Kung ganon, baka pineperahan lang siya ni Señor Felipe! Hahahaha!

Nilampasan namin ang isang malaking gate kung saan iyon na pala ang tanda na nasa teritoryo na kami ni Don Salvador. May sign sa labas. Nakalagay doon na narito kami sa Hacienda A----. Di ko nakita yung dulo eh basta 'yon, hacienda daw!

Namangha ako sa mga sumunod kong nakita. Sa mga palayan ay iba't ibang halaman at gulay ang kanilang pinapatubo. May nakikita rin akong parang hardin sa di kalayuan. Ang ganda tignan dahil mabunga ang mga bulaklak! Nakangiti rin ang mga manggagawa na nakakasalubong namin. Masiya silang nagke-kwentuhan at nagtatarabaho. Ang galing naman. Parang ang saya tuloy dito.

Nakarating na rin kami sa isang villa. Mukhang kasing laki nito ang bahay nina Señor Felipe. Pangmayaman na pangmayaman talaga ang dating! May pa-fountain pa nga sa tapat ng villa eh. Grabe, nahiya tuloy ako bigla. Ang big time pala talaga kasi nitong si Don Salvador.

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon