Kabanata XXII

39 2 0
                                    

[[ S t e l l ]]

"Nagkita na pala kami ni Josh." Sabi ko kay Ken.

Kung ako, bilang Stell, ay nasa katauhan lang ni Don Salvador. At si Ken naman ay kasalukuyang si Señor Felipe... edi si Jose ay si Josh nga! Kaya pala ang lakas ng kutob ko noong nakita ko siya! Tsk! Ano ba naman 'yan! Pinangunahan kasi ako ng pagdududa eh!

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ken.

"Si Jose. Isa siyang manggagawa dito sa hacienda. Nakita ko siya noong unang araw niya dito at sobrang nagulat ako kasi kamukha niya talaga si Josh!" Kwento ko.

Napaisip naman si Ken tungkol dito. "Sigurado ka diyan dre? Baka ano... kamukha niya lang."

Umiling ako sa kaniyang sinabi. "Yun din akala ko nung una kaya di ko siya nakausap. Pero kasi isipin mo, kung ako ito, as in ako talaga... tapos ikaw Ken nandito ka rin sa katauhan ni Señor Felipe, edi may chance na si Josh nga 'yon!" Paliwanag ko.

Nakakainis. I should've known na siya nga 'yon! Alam ko ang mga matang 'yon ni Josh. Masyado kasing expressive. Ugh! Hindi talaga ako makapaniwala na hindi ko siya agad kinumpronta!

"Hmm... kung ganon edi dapat nandito din sina Jah at Sejun?" Komento ni Ken.

Sa totoo lang, hindi ko pa iyon naisip. Nagulat lang talaga akong malaman na si Ken pala itong taong nasa harapan ko. Hindi ko pa ma-confirm kung si Jose nga ay si Josh pero may point si Ken. "Posible. Pagna-confirm natin na si Josh nga si Jose, malaki ang chance na narito rin sa panahong ito sina Jah at Sejun" Sabi ko.

Waaah! Ang sakit naman sa ulo ng mga nangyayari. Bakit ba kasi nagkagulo-gulo nang ganito?

"Eh asan ba kasi yung Jose na sinasabi mo?" Biglang tanong ni Ken. "Halika, puntahan natin para malaman na natin ang katotohanan sa pagkatao niya." Tumayo si Ken mula sa kaniyang kinauupuan. Inaasahan niya siguro na sasamahan ko siya para kitain si Josh pero nanatili lang ako sa aking pwesto.

"Dre."

"Hinuli si Jose ng mga kawal noong isang araw, Ken." Balita ko sa kaniya.

"Ha?!" Sigaw niya sa gulat.

Saglit na katahimikan ang pumagitna sa amin. "Bakit siya hinuli?" Tanong ni Ken.

Huminga ako nang malalim at sinimulan kong ikwento sa kaniya ang nangyari. Napagkamalang magnanakaw si Jose. Nakitaan siya ng mga kawal ng ebidensya kaya kahit anong pagmamakaawa nito na inosente siya, walang maniniwala. Maging ako ay walang nagawa sa sitwasyong iyon.

"Pero sabi niya hindi naman daw siya ang kumuha diba? Edi ano... hanapan natin siya ng abogado!" Suhestiyon ni Ken. "Tutal... mukhang may connections naman tayo. Ikaw haciendero ka, ako susubukan kong tanonging si Señora Fides kung may kakilala ba siya."

Tinapik ako ni Ken sa balikat dahilan upang matignan ko siya nang diretso. "Magtulungan tayo dre. Kailangan natin siyang mailabas doon. Iyon lang ang tanging paraan para malaman natin kung siya nga ba si Josh hindi."

Napangiti ako sa kaniya at tumango. Kahit papaano, masaya ako na hindi ko na kailangang harapin ito nang mag-isa. May kasama na ako. At sana, makasama na rin namin yung iba sa lalong madaling panahon. Sana... bumalik na ang lahat sa dati.

[[ J o s h ]]

Hindi ko alam kung umaga na ba o gabi na. Walang bintana sa aking selda. Malamig ang sahig at mga pader. Mabaho pa rin at madumi ang paligid.

Ilang oras na rin akong hindi nakakakain at nakakainom. Binigyan nila kami ng tinapay at isang basong tubig pero pagkatapos non, wala nang dumating. Naka-idlip din ako pero paputol-putol. Hindi talaga ako mapakali!

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon