Kabanata VI

47 6 0
                                    

[[ S t e l l ]]

"Aye! Aye!" Sigaw namin ni Jah.

Nagf'freestyle kasi ngayon si Ken. Ewan ko ba. Na-hype na naman 'to siguro matapos niyang uminom ng asukal este ng kape kanina.

"Uy! Parang ang astig non! Dagdag kaya natin 'yon sa sayaw?" Suggest ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at ginaya yung ginawa ni Ken. "Pak... pak! Ayeee!!"

Ganito pa rin naman kami. Nagkakatuwaan... naglolokohan. Kung tutuusin parang magkakapatid na rin talaga kami sa sobrang close. Kulang na nga lang yata tawagin na naming 'mama' at 'papa' magulang ng isa't isa. Halos magkapalit na nga kami ng mga mukha!

"Hoy Stell kadiri. Yung towel mong pamunas ng pawis pakalat-kalat." Biglang sigaw ni Jah.

Inirapan ko siya. "Kasalanan ko pa ba 'yun? Bat mo kasi hinawakan? Hahahaha!" Binato sakin ni Jah yung towel at nasalo ko naman ito.

Sa kabilang side ng room, napansin ko si Josh na mag-isa. Kanina pa siya naka-focus doon sa piece na in-allot para sa kaniya ni Sejun. Actually, hindi niya naman pinapractice. Literal na tinititigan niya lang.

Hindi ko na naabutan yung pag-uwi niya kahapon. Nalaman ko na lang na nakabalik na siya nung nakita ko yung sapatos niya sa may shoe rack kaninang umaga. Cute nga eh. Matagal nang regalo sa kaniya ni Sejun 'yon pero ginagamit niya pa rin.

At dahil ako ang unang nagising kanina, syempre pinagluto ko na sila ng umagahan. Answeet ko ano? Baka isipin niyo pancake lang kaya ko lutuin. Well, yes I can do the cooking. Nagsangag po ako at nagluto ng tapa kanina hihi. Pa-welcome home ko na rin yun kay Josh.

"Psst." Sutsot ko sa charismatic member namin pero hindi niya ko nilingon. At dahil ayaw niyang tumingin sa akin, nilapitan ko siya at ginulo yung buhok niya. "Lalim ng iniisip ni kuya ah." Pang-aasar ko with emphasis sa 'kuya'. Doon ko lang rin napansin na parang namamaga yung kamao niya. Napa-away ba 'to kahapon? Napano 'to?

"Tss. Wow 'kuya'. Since when?" Nakangising tugon ni Josh.

"Ay grabe siyuh. Hahaha! Di ka sanay 'no? Kuya Josh." Tumabi ako sa kaniya at kinuha yung papel na halos matunaw na sa mga titig niya. Angas. May rap solo ulit si Josh at marami-rami rin yung magiging contributions niya sa harmonization.

"Ang weird 'no?" Narinig kong biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya. "Weird ang alin? Ako? Ay bad ka." Biro kong muli ngunit hindi ito naging effective kay Josh.

"Ang weird na ako yung dapat na kuya sa inyo pero parang hindi. Una sa lahat, di naman ako super good influence or example. Tsaka, lam mo 'yon, feel ko wala kong ma-share na kuya stuffs sa inyo." Kwento niya.

Hmm. Eto pala yung mga sumasagi sa isipan niya lately. Kaya pala napapansin kong tahimik siya mula kahapon pa. Tinapik ko siya sa likod at inakbayan. "Hay nako kuya Josh. Kung alam mo lang... hindi mo naman kailangan maging iba para samin. Tanggap namin at mahal namin kung anong klaseng Josh ang gusto mong ipakita at makasalamuha namin." Pagch'cheer up ko sa kaniya.

"Besides! No offense ha. Pero mas gusto ko yung ganto tayo, chill lang. Kung man magkaka-kuya gusto ko ganitong klaseng relationship rin ang meron kami." Dagdag ko. "Ano? Soft hours open? Hahahaha!"

"Hoy Stell 'wag mo paiyakin 'yan! Kundi yare ka saken!" Biglang sigaw nung manok.

"Luh! Di naman kasali! Inggit ka lang eh." Kantyaw ko. Binelatan ko siya at ginantihan naman ako ni Ken ng mukhang engot. Hahaha! Seryoso! Ganyan nga 'yan pag nang-aasar. Nagm'make faces!

Natawa naman si Josh sa asta naming parang bata. "Kayo talaga... mga loko talga kayo."

"Opkors mana seyoh! Hahaha! Tara na nga, 'wag ka diyan. Baka langawin ka diyan eh." At ayon! Successful kong nabalik ang aming Josh sa lupa! Cheret!

Nag-stop na kami magpractice nang mga 7PM. Sayang nga wala si Sejun eh. Sabi niya may emergency raw sa kanila. Kinamusta ko siya kanina pero hindi pa rin siya nagrereply. Sana na lang talaga walang masamang nangyari.

Naghanda na kami sa pagbalik sa apartment. Niligpit na namin yung mga gamit namin sa dance studio at nagpalit na rin kami ng damit para hindi matuyuan ng pawis.

"Hayyy kapagod! Buti na lang pinayagan tayo mag-break this weekend." Sabi ni Jah na nag-uunat ngayon. Oo nga. Isang linggo rin kaming tuloy-tuloy na nagp'practice. Naaalala ko tuloy yung trainee days namin. Ganito rin, nakakapagod. Ang kaibahan nga lang, mas abot kamay na namin mga pangarap namin.

"Syempre. SB19 tayo eh. Pagb'break-in talaga nila tayo kase diba... Get in the zone BREAK!" Komento ni Ken.

Akmang babatukan naman siya ni Jah. "Ewan ko sayo Ken. Ang dami mong alam!" Bulyaw nito.

Apaka-cute talaga ng bunso line. Partida mga magm'mid 20s na yang mga 'yan pero minsan talaga ang iisip bata pa rin. Hahaha! Nagsalita kala mo di rin isip bata eh noh?

Paalis na sana kami ng practice room nang may taong biglang punasok. Medyo basa ang kanyang cap at suot na damit ngayon. Para bang sumugod siya sa ulan para lang makarating dito. "Josh..." Si Sejun. "Pwede ba tayo mag-usap?" Seryosong tanong nito. Umiiwas siya ng tingin sa amin at base sa expression ng mukha niya ngayon, may kutob ako na hindi maganda ang magiging kahihinatnan nito.

Bat naman kasi ganon? Nakakatakot!

Walang imik naman na sumunod si Josh sa kaniya. Hngg. Ang awkward! Sinenyasan ko na lang si Ken at Jah na lumayo muna kami para bigyan sila ng privacy.

Sumilip si Jah sa direksyon nina Josh at Sejun. "Anyare dun?"

At dahil pasaway na bata, pinalo ko ito sa pwet at hinigit palayo. "Tsk! Wag na makulit. Dun!"

Tahimik lang silang dalawa nung nakalayo na sila. Si Josh yung unang bumasag ng katahimikan. "Sejun, may problema ba?"

Kinkabahan ako. Hindi ako mapalagay. Ngayon ko lang nakita nang ganon si Sejun kaya kahit ako ang nagpasimuno na bigyan sila ng privacy, hindi ko rin maiwasan na sumilip sa reflection nila sa salamin. Pansin kong hindi makatingin ng diretso si Sejun kay Josh. Halatang nagpipigil din ito dahil ang mga kamao niya ay nanginginig.

"Paano mo nagawa 'yon?" Mahinang wika ni Sejun.

"Ha?"

Nagtama na ngayon ang mga mata nila. "Kaibigan kita Josh. Tinuring kita na parang kapatid ko na rin alam mo yan!" Pasigaw na sabi ni Sejun kaya naman maging kaming tatlo ay nagulat.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Nagtatakang balik ni Josh.

"Gag* magmamaang-maangan ka pa ba?! YUNG KAPATID KO JOSH! Tangin* sinaktan mo!" Singhal ni Sejun. "Napakataas ng respeto ko sayo alam mo 'yan pero tangin*? Sa dinamirami ng tarantado sa mundo ikaw pa talaga gagawa non?"

Sarkastiko namang tumawa si Josh at ngumisi. Potek! Anong nangyayari?!

"Di ko alam na ganiyan pala kababa tingin mo sakin." Tugon ni Josh. Yumuko ito at umiwas ng tingin kay Sejun. "Sandali lang Sejun ha? Parang never ko kasi na-imagine na sayo pa manggaling tong mga masasakit na salitang 'to."

"Put* naman wag mo ibahin yung usapan! Hindi 'to tungkol sayo! Hindi 'to tungkol sa ego mo!" Baling ni Sejun.

Muli siyang tinignan ni Josh. "Sige, fine. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Tutal, kahit naman anong sabihin ko on my defense di ka rin naman maniniwala eh. Sakin nga, sa kakayahan ko nga, hindi ka naniniwala. Sa sasabihin ko pa kaya?! F*cking sh*t edi ikaw na magaling!" Sigaw pabalik ni Josh.

Dahil nagkaka-initan na yung dalawa hindi ko na napigilang pumagitna. "Mga dre sandali lang, kumalma kayo. Pag-usapan natin 'to nang maayos." Mahinahong sabi ko.

Tumango naman si Josh."Sige dre, pag-usapan natin. Pag-usapan natin nang matapos na ang lahat nang 'to."

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon