Kabanata XVII

50 2 1
                                    

[[ K e n ]]

Ilang araw na rin akong narito sa malaking barkong ito. Kabilang ako sa mga first class passengers pero dahil hindi ko naman trip makihalubilo sa iba, madalas nandito lang ako sa balkonahe. Pinagmamasdan ko lang yung malawak na karagatan at yung asul na langit. Ine-enjoy ko lang yung preskong hangin at katahimikan. Isa pa... baka makakita rin ako ng dolphin hehe.

Litong-lito rin ako nung buksan ko ang aking mga mata at makita ang sarili ko sa isang di pamilyar na lugar. Aaminin ko, natakot ako. Akala ko nawawala ako. Akala ko rin naliligaw ako. Akala ko nga rin nananaginip lang ako. Pero nang lumipas ang mga araw at gumigising pa rin ako sa parehong lugar, doon ko na napagtanto na totoo nga ang lahat ng ito.

Halos isa't kalahating araw din akong nagkulong noon sa magarbo kong kwarto. Nasa kama lang ako, pilit na natutulog at nagbabakasakaling bumalik na ang lahat sa normal. Pero ayon, hindi ako tinatamaan ng antok dahil ramdam ko ang paggalaw ng sahig. Akala ko nga nung una lumilindol eh. Kung hindi pa ko sumilip sa bintana, hindi ko pa mare-realize na nasa barko pala ako.

Lumabas lang ako nung nakaramdam na ko ng matinding gutom. Takot na takot ako magtanong noon pero nilakasan ko na lang ang loob ko.

"E-Excuse me. Where can I get food?" Tanong ko sa isang lalaking mukhang foreigner.

"Oh! Just go down the aisle and you'll se the saloon. Try their pasta, it's amazing!" Suggest niya. Awkward naman akong ngumiti at nagpasalamat sa kaniyang tulong.

Gaya nang sinabi niya, nagpunta ako noon sa saloon. Isang engrandeng kainan ang sumalubong sa akin. Gaya ng kwarto ko, ang luxurious din ng paligid. Wow! As in wow talaga! Para siyang yung ano... yung sa titanic!

Marami rin mga tao ang nandoon. Iba't ibang lahi. May narinig akong nagtatagalog kaya ayon, kahit papaano medyo nawala yung kaba ko. Hindi ko pa rin sila kinausap though. Hiya ako eh.

"Bonjour, Señor Felipe!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may bumati sa aking babae. Takte yung puso ko! "Oh! Hahaha! Êtes-vous surpris? (Nagulat ka ba?) Sorry, it wasn't my intention." Dugtong nito at mahinhin siyang tumawa.

Lintek! Mas lalo akong nagulat sa nangyare! Ano yun? Bat naintindihan ko yung sinabi niya?! Yung... yung 'Êtes-vous surpris?'.

"Come, I already reserved a table for you. C'est ton endroit préféré! (Paborito mo itong pwesto!)" Masiyang sabi niya.

What the heck! Naintindihan ko ulit! Angas!

Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko na lang siya. Inihatid niya ako sa isang mesa malapit sa bintana. Medyo may kalayuan din ito sa ibang tao kaya may privacy. Ang mesa ay para sa isang tao lang. Isa lang rin ang upuang nakapuwesto dito. Astig! Parang para sa akin talaga!

Binigyan niya ako ng menu at nag-order na rin ako. Medyo naparami pa nga eh. Gutom na gutom pala kasi ako non. Masarap pa yung fried chicken kaya ayon, nakadalawang order din ako.

Iyon ang araw na nalaman kong nasa taong 1900s pala ako. Nakita ko sa diyaryo. Kaya pala parang sobrang luma ng mga gamit dito at wala rin akong nakikitang gumagamit ng mga gadgets. Mahirap paniwalaan nung una. Pero anong magagawa ko eh nandito na nga ako?

Kinuha ko yung bagahe ko at sinundan ko ang mga tao palabas ng barko. Uso pala dito yung may mag-wewelcome sayo pag dating mo. Karamihan kasi ng mga kasama kong bumaba na pasahero may mga kaibigan o kamag-anak na sumalubong sa kanila. Akin lang wala. Tsk, san na ba ko pupunta neto?

Napakamot ako sa ulo habang tinitignan ang aking paligid. Yare! Di ko talaga alam kung san ako pupunta.

"Señor Felipe!" Rinig kong may sumigaw. Nakita ko ang isang lalaking kamakaway sa direksyon ko. Hawak niya ang kaniyang sumbrero at katabi niya, may kalesang naghihintay.

Mas Fuerte Que La Sangre [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon