AN:
Kung pamilyar ka kay Lucresia at Gino mula sa mga kwento ni Jonaxx, katulad mo, hindi rin ako nakatiis na wala silang ganap kaya gumawa ako ng kwento nila. Kung paano ko naiimagine ang mga pangyayari sa pagitan nilang dalawa. I’ve been wondering kung magkakatuluyan nga ba silang dalawa.
**********************************
“I talked to Gino last night, Cresia”, my hand continued with working on the meal I needed to take this morning to start my day. Narinig ko ang sinabi ni Dad pero wala akong ibinigay na kahit ano’ng reaksyon. Ano naman ngayon kung kinausap nya ang lalaking yun? Sya ang umayaw at umalis para sa ibang…babae kaya ano pa’ng dapat sabihin ni Dad sa kanya?
I heard my father sighed. I rolled my eyes. Ano ba’ng gusto nyang marinig mula sa akin? I’m done chasing after a man who’s not interested. Ang daming lalaki sa mundo. Sapat na yung iniiyak ko sa kanya noon.
“I asked him to go back being your bodyguard”, halos masamid ako sa ibinalita ng aking ama.
“Dad!”, I glared at him.
“We need his service, young lady. The threats are getting serious. Kahit ano’ng gawin ko, hindi kita maitago dagdag pa na palagi kang lumalabas para magliwaliw”, he explained.
“Nandyan naman sina Gilbert and the Mercadejas offered help”, ayoko na syang makita.
“Yeah. ‘Wag kang mag-alala, mukhang natupad ang panalangin mo. He turned down my offer. He was determined to not involve himself to us”, bakas ang panghihinayang sa boses nya pero mas ramdam ko ang muling pagkawasak ng puso ko. Ito naman yung gusto ko, ‘di ba? Pero kahit inaasahan ko na ang sagot nya, nasasaktan pa rin ako. Another rejection. Nagagawa nya pa rin akong saktan.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain kahit wala na halos akong maramdaman kundi ang kagustuhang umiyak.
“I’m done”, tumayo ako at nagpaalam sa kanya. Alam ko na busy muli ang buong maghapon ng aking ama kaya maaga akong mamamaalam para pumasok sa opisina. Kahit papaano ay nagugustuhan ko na rin ang pagpapatakbo ng sarili naming kompanya. Muli akong nag-ayos sa kwarto blang paghahanda sa pagpasok nang mahagip ng mata ko ang isang bagay nap ag-aari nya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito naiibalik. Dinampot koi to at padabog na itinapon sa drawer sa harapan ko.
“Let’s go”, sambit ko pagkababa at sinalubong ako ng mga bodyguards sa pangunguna ni Gilbert. Sya ang pumalit kay…
The day on work was the same. Tons of papers and projects to be reviewed. Meetings. Phone calls.
“I need a drink”, out of nowhere that came out of my mouth. I noticed the clock was already nearing 5pm. Inayos ko ang lamesa at kinuha ang cellphone sa bag.
“Babe?”, the other line answered almost immediately. Napangisi ako sa paraan ng pagbati nya. He’s one of the sweetest guys I knew.
“Hey, free ka tonight?”, I asked him though I already knew his answer.
“Always. Basta para sa’yo”, humalakhak sya at natawa arin ako. Nagkasundo kaming magkita sa parehong lugar kung saan kami palagi umiinom.
“See yah later”, paalam ko. I took my bag and phone with me. Uuwi lang ako saglit ay magpapalit. Hindi pwedeng nakacorporate attire ako sa party. Nasa pintuan at nakaabang sa aking paglabas si Gilbert. Tumingin sya sa dalawa pan nasa ‘di kalayuang pwesto at sumunod ng lakas sa amin.
“I’ll be partying tonight. Ayos lang ba?”, I smirked at Gilbert when he looked at me from the rear view mirror. He was now at the passenger seat.
“Copy, Ma’am”.
Kahit kalian ay hindi niya konontra ang mag gusto kong gawin. Hinahayaan nila akong magliwaliw. Nagtatago at tahimik na nagbabantay hindi katulad ni…
I shook my head. I was so hopeless. Whatever I do, whatever I tried to think about, I always fall back to him. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. I changed my clothes and dress myself up. I was so ready to get wild tonight. I wanna be drunk. I wanna forget about the heartbreak.
The bar was crowded as usual. Marami ang bumati sa akin pagpasok ko at binate ko sila pabalik. Some boys tried to get me to their table pero priority ko na makita si Klaus. My guards vanished on the crowd. They would not dare show themselves unless needed.
“Babe!”, the slurred sound was too familiar that I smiled at him. I could see him tipsy under the dim lights. He reached me and pulled me to him without any announcement.
“You smell nice”, nakiliti ako sa hininga nyang tumama sa leeg ko. Hinampas ko sya sa braso pero hinayaan syang nakadantay sa akin.
“You drunk?”, biro ko. Kumalas sya sa akin pero hindi bumitaw ang kamay sa aking mga braso. His boyish smile was still plastered on his handsome face.
“Nope. Hindi ako lasing”, inakbayan nya ako at iginiya sa sofa kung saan sya naglalagi. Halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang nandoon.
Heather and of course his boy, Gino.
Kumalabog ang puso ko at naginginig ang mga kamay sa iba’t ibang emosyon na dulot noon. They looked decent at least. They were sitting side by side pero there’s still some space between them. Iniiwas ko ang tingin sa gawi nila.
Nadala ako sap ag-upo ni Klaus dahil hindi nya inalis ang kanyang braso sa aking balikat. Our corner has people I knew but some of them are those I am not close with.
“My baby is here. Hindi na ako maiinggit sa inyo”, nagtawanan sila maliban sa dalawang ayokong makita. Dumukwang ako para makalipat sa kabilang tabi ni Klaus nang mapansin ko roon si Andra.
“Are you okay?”, she asked me. Whispering. Tumaas ang kilay ko sa tanong nya at alam ko kung para saan ang pagtatanong nya.
“Yeah”, I laughed cheerfully. Sanay ako dito. Sanay akong magsabi na ayos lang ako. She watched me for a good minute before she left me with my words.
“Here”, sabay abot sa akin ni Klaus ng inumin. Inisang lagok ko ‘yun at nagsigawan sila. Nakisigaw ako at smabay ang mas malakas na musika sa buong lugar.
“Let’s dance!”, sigaw ng karamihan. Walang pakundangan akong tumayo dahli ayokong manatili kasama nang mga boring na tao doon. I screamed and danced and got drunk. Halos napahiwalay ako sa mga kasama ko at nawala sa dami ng taong nagsisiksikan.
I drowned myself of whatever was happening around me. I drowned the hurt. I did not dare look at them the second time.
Tama na.
Nakapili na sya. At hindi ako yun.
“Stop crying, Cresia”, someone spoke. That was when I could tell that I was indeed crying for a love I couldn’t have.
“Stop caring, Gino. You stopped caring a long time ago. And I don’t need to hear a word from you”, sabi ko bago tuluyang humatak ng hindi kakilala upang halikan sya sa harapan mismo ni Gino.