Chapter 8

924 35 13
                                    

“You’re spacing out.  May nangyari ba?”, puna ni Zeo. Guilty akong tumingin sa kanya. Napansin nya yata na wala ako sa mood, halos hindi ko rin ginagalaw ang pagkain sa harap ko. Sumulyap ako sa pintuan ng restaurant, may ilang pumapasok pero hindi gaanong kapuno. Ang mga tao sa loob ay pamin-minsang napapalingon sa mesa namin, ang iba ay kumukuha ng litrato at ang iba ay may kanya-kanyang usapan. Medyo malayo rin ang agwat nila sa amin at hindi pinayagan ng security ni Zeo na may maupo malapit sa amin. I understood it since he’s a celebrity. 

“Sorry. Pagod lang sa trabaho. Some companies are stressing me out. They wanted some deals to be approved as soon as possible but I need more time reviewing them”, sagot ko sabay inom ng tubig. He was watching me but paying attention at his food at the same time. 

“Are they harassing you?”

Natawa ako doon. One thing I’ve learned about my self was that I don’t let anyone bully me. Ako ang nambubully. Wala sa ugali ko ang magpaapi sa kahit kanino.

“I don’t let people harass me, Zeo. I fight back”, ngumisi ang kausap ko. 

“So, what really happened? And where’s your bodyguard?”, pagkabitaw nya ng tanong ay naalala ko ang nangyari sa opisina bago ako nagpunta dito. 

“Gino…”, Heather entered my office unannounced. Nagulat ako sa lakas ng loob nya na parang may karapatan syang basta basta na lang pumasok dito at magpakita sa akin. Namuo ang matagal ko nang inaalagaang galit sa sitwasyong ito. 

Tumayo ako dahilan para mapabitaw si Gino mula sa pagkakahawak sa akin na nanghina na rin naman dahil sa hindi inaasahang bisita. Pinagmasdan ko si Gino, bakas sa mukha nya ang paglambot ng mga mata nya dahil kay Heather palagi namang sya ang dahilan. 

“What are you doing here?”, galit kong tanong sa babae. Natakot sya at wari’y napahiya. Mas lalong akong nainis dahil nagmumukha na naman syang mahina pagkatapos ay ako na naman ang masama. Ako na naman ang nang-aapi dito. Ako ang nananakit. 

“I-I’m sorry, Ma’am Cresia. Kailangan ko po sanang makausap si Gino. Importante po—“, hindi kos ya pinatapos at hinablot ko ang bag ko sa mesa pati na rin ang cellphone. Padabog. 

“And you think you have the right to suddeny barge in here?”, nakataas ang kilaya at mataray na sabi ko. Mahigpit ang hawak ko sa gamit ko at halos maibato ko iyon sa kausap.

“I’m sorry, Ma’am”, nakakaawa nyang sagot pero hindi ako naaawa. Nagagalit ako. 

“Stop it, Cresia”, nanigas ako sa pwesto ko sa pagsingit ni Gino na mas lalong nagpausbong ng sama ng loob ko. Hanggang ngayon kinakampihan nya pa rin si Heather. Hanggang ngayon ay palagi pa rin nyang uunahin ito. Ako ang pagsasabihan. Para sa kanya, ako pa rin ang mali. Opisina koi to at bigla na lang dumating si Heather pero sa mata ni Gino ako pa rin ang mali.

Tumawa ako nang maisip koi yon. Tahimik silang dalawa habang tumatawa ako. Alam kong galit ako pero natatawa talaga ako. 

“Wow! Okay! Yeah, I’m sorry, Heather. That was rude of me. Of course, pwede mong puntahan dito si Gino anytime”, sarcastic kong saad. “You are VERY welcome here”

I was seething in anger pero nagawa kong ngumiti sa kanilang dalawa. Kagaya ng palaging ginagawa ng mga kontrabida kapag kaharap ang mga bida sa mga teleserye. I looked at them. 

“Cresia…”, I caught the warning on Gino. 

“What?”, baling ko sa kanya. Hindi naman nya sinagot ang tanong ko. Nakatitig lang sa akin. I couldn’t read his eyes. 

Sumasakit ang puso ko. Gusto ko silang saktan pareho. Gusto ko silang sigawan. Gusto kong sisihin!

“T-Tatawag na lang a-ako, Gino”, mahinang sambit ni Heather. Bumalik sa kanya ang titig ko. She really looked scared. Her hands were shaking while holding her bag. She’s really dramatic. Madrama. Masyadong paawa. 

I moved on the side on my table. Heather bowed her head down.

“Oh no. ‘Wag ka nang mag-abala pa. As I’ve said, you are welcome to talk to Gino anytime you want. Ako ang aalis. You two stay here and have a good time talking”, with wide teary eyes, Heather brought her head up to look at me. Malapit na syang umiyak at kabadong-kabado. Her eyes slipped past me to Gino. Asking for help. 

“Let’s talk other time, Heather. Cres—“

“That’s a Ma’am for you there, bodyguard. Is it not included on your job description?”, I turned to sweetly smile at him. He swallowed hard. 

“Ma’am. I know this is a disrespect and I apologize for intruding. I just need a minute to talk to Gino. It is very important”, paliwanag na naman ni Heather na naiiyak na talaga. 

“It seems I am asked to leave my own office, huh. For the convenience of my bodyguard and…”, mula ulo hanggang paa kong hinusgahan sa tingin si Heather, “Wow. Just wow. You know what, Heather?”, lumapit ako sa kanya ng husto. Para na yata syang mahihimatay. “Just convince Gino to retire from being my bodyguard para mas marami kayong oras at hindi ako napapahiya sa opisina ko nang ganito. Win-win, right?” I whispered to her ear and patted her shoulder. “Enjoy my office, people”, malalaki ang hakbang na lumabas ako doon. Nakita ako ng sekretarya ko at halatang takot rin. I wanted to fire her because she let that woman into my office but I felt so defeated that I could not do anything. 

Tama lang ang ginawa mo, Cresia. You did great. You hold yourself excellently. Papuri ko sa sarili ko. nagmamadali akong naglakad papunta sa elevator. Unang tapak ko pa lang doon ay bumuhos na ang luha ko. Napasandal ako sa malamig nitong dingding, I slowly slid to the floor. Saka ko naramdaman ang panghihina. I couldn’t hold my tears anymore. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.

I remembered those two probably hugging each other now in MY office. Gino comforting Heather. Maybe he’s blaming me why his woman felt terrified earlier. Why she was crying right now. Natawa ako. Kahit lumuluha ako ay natatawa ako. I was used to be the bad one. The bully. The wrong. Sanay na sanay akong masisi. 

Bakit pa ba ako umasa na totoo lahat ng sinabi nya kanina? I was a fool. 

I would loathe you to death, Gino. You should be happy with Heather now because I will do everything I could to make your life a living hell hanggang sa gustuhin mong umalis. I would give you countless reasons to leave. 

I would play my role as the antagonist here. I would play well. Lahat ng inuluha ko noon at ngayon pagbabayaran mo lahat. 

“You’re spacing out, Cresia. Really? Ano ba talaga nag nangyari at ganyan ka? You are not yourself”, bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Zeo.

“What?”, tinawanan ko ulit sya. He frowned. “Nothing happened. Stress lang talaga ‘to”, nagsimula akong kumain. The restaurant’s front door opened and Gino came in. He strode like he owned the place. His eyes caught mine. They were cold. I smiled at him, he positioned himself, back to his duties after he neglected it a while ago for his woman. Lumingon si Zeo pero agad ding bumalik ang tingin sa akin.

“You’re planning something?”, his eyes were suspicious. Tumingin ako sa kanya. 

“Nope”

Ilang sandali pa ay natapos kami sa pagkain. Zeo was waiting for someone after our lunch so I decided to leave first. Tumayo ako at ganoon din sya. 

“You don’t have to walk me to my car, darling”, I made my voice sexier. I tiptoed and kissed him on his lips goodbye na ikinagulat nya. He was frozen but later on licked his lips. He smirked and kissed my cheek. Naglakad ako papunta sa pintuan, hagip ng mata ko si Gino. His jaw was tightening. Fists were clenched. Eyes were glaring. 

“Let’s go”, sambit ko sabay suot ng sunglasses. 

You hate sluts and playgirls, right, Gino? Then I will make sure you will hate everything you will see. 

Beg For LoveWhere stories live. Discover now