Chapter 5

1K 31 0
                                    

The party was elegant. Not my kind of party because I like the loud and the wild ones. Iyong tipong malulunod ako sa saya at sa ingay. I was wearing a Jovani Black Gold Off Shoulder Lace Evening Dress. 

“You look bored”, Zeo said. It was not even a question. A glass of champagne was on his hand as he twirl it gently around. 

“I am”, I sighed. Pinanunuod ko ang mga tao. Halos mga sikat na artista at personalidad ang nakakalat sa buong venue. “Walang bar dito? Or wild party after this?”, sabay inom ng kaparehong champagne na kanina ko pa rin nilalaro. 

“No. Hindi pwede. Nangako ako sa Daddy mo na iuuwi kitang matino,” sagot nya. Napasimangot ako. Sinundo nya pa ako kanina sa bahay at parang baliw sa kangingiti ang ama ko pero kapag kaharap naman si Zeo akala mo ay kung sinong striktong ama. Nakapag-usap sila ng ilang minute dahil natagalan ako sa pagmemake-up. 

“Matino ako kahit lasing”

“Kaya ka pala nanghahalik”

I glared at him but his eyes were on the people on the dance floor.

“Ang boring dito. ‘Yong crush kong artista ay hindi hiwalayan ng rumored girlfriend nya kaya hindi ko malapitan. Saying”, imporma ko. I was talking about the famous politician and actor Vico Villanueva. He’s the most handsome leading man for me. Matalino at galing sas matinong pamilya. Nagkatagpo na kami sa ilang family and political gatherings kaya lang ay hindi nagkakausap.

“May I remind you, meron pang hindi namamatay na isyu sa ating dalawa tapos ay handa ka na naman gumawa ng panibago?” hinarap nya ako. Ngumisi ako sa kanya at itinaas ang basong hawak, pinatama koi to sa hawank nyang baso na lumikha ng tunog.

“Cheers”, malumanay at may pang-aasar kong sabi. Tumitig lang sya at pinagmasdan ako. Sa hindi kalayuan ay nahagip ng mata ko ang bulto ng isang tao. 

“Excuse me”, sabi ko para mapuntahan ang taong ‘yon. Hindi naman na nakasunod si Zeo dahil may humarang sa kanyang kakilala. He was in the far corner where his entire being was shadowed. He look menacing and stunning at the same time. I mentally cursed my heart for beating a little faster every time I see him.

“What are you doing here, Gino?”, pabulong kong sigaw dahil ayaw kong mahalata ng iba ang tono kong naiirita. Ayaw kong gumawa ng eksena.

“I’m doing my job, Ma’am”, he answered. Mas lalo lang akong nairita sa sagot nya. Ewan ko ba, palaging umiinit ang ulo ko sa tuwing naririnig kong binabanggit nya ang tungkol sa trabaho nya o sadya lang akong irita sa kanya?

“Ang daming guards sa lugar na ito. Nagkalat sila sa buong palapag, mayroon din sa baba kaya ano’ng problema mo?”

“Hindi ikaw ang una nilang ililigtas kapag nagkagulo”

Napasinghap ako sa sinabi nya. Kumirot ang dibdib sa alaalang bumalik.

Pagak ako tumawa.

“At sa tingin mo ay uunahin mo ako kapag nagkataon na nagkaroon ng gulo? Huwag mo akong pinatatawa, Gino”, pinag-igi ko ang pagngiti para matabunan ang sakit ng pag-alala. “Umuwi ka na. hindi kita kailangan dito. May mga body guards si Zeo at sila na ang bahala at si Zeo rin ang maghahatid sa akin pauwi.” 

Nag-iwas agad ako ng tingin at naglakad palayo. Naramdaman ko ang pagsunod nya. Tinungo ko ang balkonahe. Madilim rin doon at walang tao. 

“It’s not safe—“

“Pwede ba! The last time you were with me as my fucking bodyguard, wala namang nagawa ‘yon, ‘di ba? Napahamak pa rin ako! So walang pinagkaiba ’yon kung nandito ka man o wala”, gigil kong sigaw sa kanya. Pasalamat na lang ako dahil malakas ang tunog na nanggagaling sa loob. Nagsasalita na yata ang emcee at may kasaliw na musika tuwing napapahinto ito sa pagsasalita.

Gino’s jaw clenched tightly. His eyes turned sharp. Dumako rin ang paningin ko sa nakakuyom nyang kamao. Mukhang naapektuhan sya sa sinabi ko pero totoo naman ang lahat ng iyon. Ayaw kong isumbat sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko dahil matagal na namang nangyari ‘yon. Pagod na ako.

“Just go home. Ako na ang bahala kay Dad if ever na magtanong sya kung bakit ka umuwi. Kay Zeo nya ako inihabilin and I know Zeo will not let anything bad happen to me”, may halong pambabaoy at panunumbat iyon. 

“Hindi ako aalis”

“Ang sabi ko umalis ka dahil hindi ka kailangan dito. My God! Kumitid na ba ang utak mo ngayon?”

“Hindi ako aalis, Cresia”

Gusto kong maiyak nang marinig kong binanggit nya ang pangalan ko. ramdam ko kung paano nanginig ang katawa at kamay ko dahil doon. Nanginginig ako sag alit at sa kung anong emosyong hindi ko mapangalanan.

“Umalis ka”, umurong ako lalo sa dilim. Wala pa ring nakakapansin sa aming dalawa. 

“No”, giit nya.

Isang malamig at matigas na batong harang ang bumati sa likod ko. katamtaman ang taas gaya ng ibang railings ng mga balkonahe. Doon ako tumuon para kumuha ng lakas at huwag mabuwal sa harapan nya. Gusto kong maiyak.

“Cresia?”, ang baritonong boses ni Zeo ang pumutol sa argumento. Itinuon ko sa kanya ngayon ang aking paningin at lihim na nagpadala ng paghingi ng tulong gamit ang aking mga mata. Mukha namang naintindihan nya. “What are you doing here? It’s cold out here. Baka sipunin ka”

Zeo stepped closer to us. Laking pasalamat ko dahil dumating sya. Narrating nya ang tabi ko nang hindi binibigyang-pansin si Gino na pinagmamasdan kaming mabuti. 

Zeo then held me on my waist when he was right beside me. Mas lalong dumilim ang mga mata ni Gino at nakita ko ang paghagod nya ng tingin sa kamay ni Zeo doon. 

“Is there a problem?”, he asked. Mula sa akin ay nilipat nya ang atensyon kay Gino at nakipagtitigan sya sa body guard ko.

“Wala naman. Sinabi ko lang sa kanya na pwede na syang umuwi dahil ihahatid mo naman ako”, mahinahon kong sagot.

Tumango si Zeo.

“Ah, yeah. Ako na ang bahala kay Cresia. Sinabi ko na kay Tito na ako ang maghahatid at mag-aalaga sa kanya nagyong gabi. You can go. ‘Wag ka nang mag-abala at magpahinga ka na. Promise, I will take care of here”, hinapit nya ako palapit sa kanya kaya napapatong ang kamay ko sa dibdib nya. 

Ilang segundo na naging tahimik kaming tatlo at hindi pa rin gumagalaw si Gino sa kinatatayuan nya sa harapan naming dalawa ni Zeo. Gino remained stoic but resigned anyway.

“I will wait at the car, Ma’am. I don’t neglect duties”, iyon lang at tuluyan na syang umalis. We watched him go and disappear on the sea of people.

I sighed. Kumalma ang buong pagkatao ko. 

“So…he’s the one?”

Beg For LoveWhere stories live. Discover now