I wrote this random scene wayback on 2016 and now imagine if this happens between Gino and Cresia.
************************************(written way back in 2016)
Yumuko sya at sinabing, “Alam ko, mahirap akong mahalin. Ang hirap-hirap kong mahalin”, naghalo ang desperasyon, at kung anu-ano pang emosyon sa kanyang boses at kahinaan ang namayani sa kanyang mga salita.
Nasasaktan ako.
Huminga ako ng malalim at napangiti dahil sa sinabi nya.
Mali…
Alam kong mali sya.
Maling-mali sya.
“Mali ka…Hindi ka naman mahirap mahalin. Maniwala ka. Sobrang dali mong mahalin. Sa sobrang dali nga eh, mahal na mahal kita”, natawa ako ng bahagya dahil sa mga sinabi ko pero totoo ang lahat ng ‘yon.
Tumingin sya sa akin ng may nananatiling lungkot at sakit sa mga mata. Umiling sya at inihilamos nya sa kanyang mukha ang kanyang mga kamay.
“Mali ka”, sambit nya.
“Hindi. Ikaw ang mali”, sagot ko.
“Ikaw ang mali”, pagmamatigas nya.
“Ikaw ang mali”. May pinal kong saad.
“Mali ka. Paano mo nasab-“, ngunit bago pa sya makapagtanong ay alam ko na ang mga salitang lalabas sa bibig nya. Alam ko na kung bakit sya may pagdududa kanyang sarili.
“Madali kang mahalin. Alam mo kung ano ang mahirap?”, sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa sakit at bigat ng mga salitang matagal ko nang gustong bitawan sa kanya.
Hindi sya kumibo.
Hindi sya nagsalita.
Nanatili lamang syang nakatitig sa mga mata ko.
Ang sakit sakit.
Ang sakit sakit…
“Alam mo kung ano ang mahirap?”, sumasakit ang lalamunan ko habang pinipigilan ko ang pagguho ko sa harapan nya.
Wasak ako pero hindi pa ako maaaring gumuho sa harap nya nagyon. Kailangan nya munang marinig at malaman na nagkakamali sya.
“Alam mo kung ano ang mahirap? Ang hirap humingi ng pagmamahal sa’yo. Ang hirap hirap na ibinigay ko ang buong buong ako pero ikaw, hirap na hirap kang magbigay. Kahit konti lang,” nabasag na ng tuluyan ang boses ko kahit gaano ko pilting patatagin ito.
“Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung kailangan ko pa bang mamalimos at magmakaawa sayo para lang sa pagmamahal mo? Ano pa ba ang kulang? Ubos na kasi ako, alam mo yun? Ubos na ubos na ako pero sige pa rin ako kasi nga mahal kita. Mahal na mahal kita at hindi ko na alam kung saan pa nangagaling ang pagmamahal ko sayo. Nakakapagod pero okay lang kasi mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita pero ang sakit sakit na…”, pakiramdam ko, sinusunog ang loob ng dibdib ko at ang lalamunan ko sa sobrang sakit.
“Kaya ‘wag na ‘wag mong sasabihin na mahirap kang mahalin kasi kung ganun nga,, hindi sana ganito, hindi sana ito ganitong kasakit at may natira pa sana sakin. May itinira pa sana ako para sa sarili ko pero wala, eh, naubos ko lahat. Naubos ko ako dahil ang dali dali mong mahalin”
“Nakakainis ka na nga kasi ang dali mong mahalin at ang sakit sakit na. Sobra…”