Chapter 15

828 25 9
                                    

A/N:
Medyo wala akong maisip na matino ngayon kaya tyaga tyaga tayo hahaha. ENJOY READING!!! ❤️
**********************************

“Good morning”, he greeted.

“Good morning”, sagot ko sa bati nya. Napangiti ako nang ilahad nya ang kanyang kamay sa akin para maalalayan ako sa pagbaba ng hagdan. Tinanggap ko iyon. Maraming beses na nyang ginawa ito sa akin dahil sa trabaho nya pero alam kong may iba ngayon. Ibang-iba.

He’s not a bodyguard and I was not the daughter of his boss. I was not his job. We were not those people separated by those things. 

I bit my lip but unlike the previous days, it didn’t mean anything negative but instead, I could feel tingles in me. Those butterflies were back tickling the insides of me with their feathery kisses. 

I was floating with that “kilig” vibes and happiness as we make our way to the kitchen to have some breakfast. Nabasa ko na din ito. Ito yung part na aalalayan nya akong maupo pagkatapos nya akong ipaghila ng upuan. Nakahanda sa lamesa ang mga kubyertos at pinggan pagkatapos ay ilalagay nya ang kanyang surpresa sa pagitan naming dalawa. He cooked for the both of us. He also prepared a single rose on a stem to make me smile. We will eat and talk about our plans for the day. This was this part.

Hindi ko napigilan ang paglawak ng akong ngiti hanggang sa maabot namin ang pintuan ng kusina. At ayun na nga, kabaligtaran ang nakita kong ginawa nya dahil sa halip na akayin ako papunta sa upuan sa lamesang kainan, dumiretso sya kung nasaan ang mga gamit at sangkap sa pagluluto. There was still no cooked food available for our breakfast. Iniwan nya rin akong nakatayo malapit sa pinto.

“Hindi ka pa nakakapagluto ng agahan?”, I sounded demanding but I did not care. My daydream crashed in front of me.

Baka naman hahayaan ka nyang manuod kung paano sya magluto para maimpress ka. That thought flashed in my mind and I cleared my throat baka bawiin ang tonong naibato ko sa kanya.

“I was waiting for you to wake up. Medyo tanghali na rin akong nagising”, seryoso nyang sagot sa akin. Lalo akong napangiti sa sinabi nya. Hinintay nya ako. Ibig sabihin ay tama ngang ipapapanuod nya sa akin ang husay nya sa pagluluto. Muling umusbong ang kilig ko. naexcite ako bigla. May kaunting talon sa bawat hakbang na ginawa ko papalapit sa counter ng kitchen. I excitedly sat on the chair and put my hands on the counter like a little kid.

“Bakit ka tinanghali ng gising?”, usisa ko. Tumingin sya sa akin pero iniiwas din agad. 

“Tssss”, he scoffed reaching for the knife. Tumawa ako sa reaksyon nya. He walked to the other side of the kitchen and got something from the cooler. It was a plastic with some fish in it. Ibinaba nya ito sa lababo nang makabalik sya sa harapan ko. Umatake kaagad ang masangsang na amoy ng isda sa ilong ko. 

“Ang baho”, sambit ko. Inipit ko ang ilong ko gamit ang dalawa kong daliri. He pulled the plastic and the fish fell from it to the sink. I craned my neck a bit para makita ng mas maayos ang gagawin nya doon. Buhay at gumagalaw pa ang isda. Gamit ang malalakas nyang kamay, walang kahira-hirap na hinawakan ni Gino ang isda upang patigilin sa paggalaw. Hinawakan nya ito kung saan nagdudgtong ang ulo at katawan ngunit hindi tumitigil ang paghampas ng buntot.

Gino then tapped the water to wash it. Tumilapsik ang tubig sa mukha ko nang muling iginalaw ng isda ang kanyang buntot. Napatayo ako sa gulat at lumayo ng kaunti doon. I looked down at my shirt and there was a line of dots made of droplets of water.

“Yuck!”, irit ko. I couldn’t believe my face smelled fishy! I felt like my jaw locked opened because I couldn’t believe it.

Then I heard it. Gino laughed. With my mouth still wide open from what happened, my eyes trained at the laughing Gino. It was the first time I heard him laugh like this, so carefree. It was manly, deep and a happy laugh.

Beg For LoveWhere stories live. Discover now