5 minutes…
9 minutes…
13 minutes…
Kanina pa ako nakaabang sa orasana at binibilang kung ilang minuto sila umalis. Kahit ano’ng gawin kong pagpaling ng atensyon sa ibang bagay, walang nangyayari. Ano ba ang dapat nilang pag-usapan? Bakit kailangang silang dalawa lang? Bakit umalis pa sila dito? Saan sila nagpunta?
Napakaming tanong ang tumatakbo sa isip ko. I felt anxious of what could have been happening with the two of them. Why would Heather always find a way to ruin my moment with Gino? Ito namang si Gino, hindi makatanggi. Mas lalo akong nainis nang sumagi sa isip ko nab aka nga may namamagitan sa kanilang dalawa.
How dare them!
Nang umabot sa 30 minutes ang pagtunganga ko sa salas, nagdesisyon akong lumabas sa bahay. Nakapagbihis na ako kanina at tapos na ring maligo. Mapuno sa likod na bahagi at sa unahan naman ay ma-berde ang mga damo. Mayroong sementadong kalsada paglabas ng gate.
Gusto kong pumunta sa bayan. Maghahanap ako ng mapaglilibangan kaysa mamuti ang mata ko kahihintay kay Gino. Nagmartsa ako palabas sa gate ang nagsimulang maglakad papunta sa direksyon na pinaggalingan namin noong inihatid kami ng tricycle. Masakit sa balat ang init ng panahon kaya sumilong ako sa iasng puno ng mangga na nadaanan ko.
“Miss, tricycle!”, may kalakasan at magaspang ang pagkakabitaw ng lalaking huminto sa tapat ko. His skin color was darker than mine, it was tanned but fitted his face. He was wearing ordinary clothes and slippers. His feet were a bit dusty.
“I don’t have money”, wika ko. Gulat ang itsura nya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Mukha kang mayaman, Miss. Sa’n ka nakatira? Mukhang hindi ka taga-rito ah”, pinatay nya ang umuugong na sasakyan. His smirk looked boyish.
“I’m from Manila. I live there”, turo ko sa natatanaw pang bahay ni Gino. Sinundan nya ng tingin ang itinuro ko.
“Talaga? Ang tagal nang walang nakatira dyan ah. Nakabalik na pala. Kaano-ano mo?”, usisa nya. Naramdaman ko ang pawis na tumulo mula sa gilid ng mukha ko at pinahid ko iyon gamit ang daliri. Hindi ako sanay na naiinitan at pinapawisan dahil sa araw.
“Friend”, sagot ko habang abala sa paghahanap ng pwedeng ipamunas sa pawis.
“Here”, inabutan nya ako ng isang kulay pink na towel. May nakasulat na Bench. “Bagong laba ‘yan. Hindi ko pa naipupunas sa kahit saan ‘yan, ‘wag kang mag-alala. Amuyin mo pa”, he pushed the towel on me and with so much hesitation, I reached for it.
“T-Thanks”, inamoy ko muna iyon at saka ginamit. Nang muli kong tiningnan ang lalaki, mangha syang nakatitig sa akin. “Why?”
Umiling sya. “Wala. Ang ganda mo, Miss. Ano’ng pangalan mo?” He was smirking more now.
“Are you flirting with me?”, taas-kilay kong tanong sa kanya. Tumawa sya nang malakas sa tanong ko. As in tawang-tawa sya sa akin. Ibinato ko sa kanya ang tuwalya na ipinahiram nya sa akin. Tumama iyon sa dibdib nya pero hindi nya pinansin.
“Ibang klase. Basta talaga laking Maynila parang iba ‘yong naririnig ko kapag ganyan ang tanong”
“Like what?”
“Na parang diring-diri ka kasi taga-probinsya ako”
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. I was just plain asking if he’s flirting with me. Did I offend him? Am I too straight forward?
“I’m not diring-diri, okay? I’m just asking you” hinawi ko ang buhok na nakatakas sa pagkakapuyod ko.
“Okay. Saan ka ba pupunta? Ihatid na kita”, binuhay nya ang makina ng tricycle.