Chapter 39

533 8 4
                                    

“Which one’s the perfect one?”, umikot ako nang marahan sa harap ng napakalaking salamin. I asked the designer who accommodated us when we arrived here at the small gown shop downtown. Halos ayaw ko pang bumangon kanina dahil katabi ko si Gino sa kama ang kaso s’ya itong mapilit na kailangan na naming asikasuhin ang alok n’yang kasal. 

Para pa rin akong nananaginip kapag iniisip ko iyon. Halos ayaw kong imulat ang mata ko kanina dahil baka pagbangon ko ay hindi pala totoo ang lahat. It was all too good to be true. Para tuloy nakakatakot maging ganito kasaya, tipong parang sasabog ang puso ko sa pakiramdam na mayroon ako ngayon, baka biglang bawiin sa amin ito. 

I felt really happy and uneasy at the same time. 

“You don’t like that one?”, Gino’s voice came from behind me. Naramdaman ko kaagad ang kanyang braso na dahan-dahang yumakap sa aking bewang mula sa likod. His hands interlocked on my belly. His chin rested on the side of my neck after planting a soft feather-light kiss on it. Our eyes met on the mirror. 

“I was just wondering if I was just dreaming”, bulong ko. He chuckled lowly and adjusted his arms around my waits to hold me tighter. 

“Believe it this time, baby. I will marry you because I love you and you will marry me because of the same damn reason. We cannot escape this. You cannot escape me”, he kissed my cheek deeply. Ramdam ko ang gigil n’ya doon. Ang maliliit na balbas na tumutubo sa kanyang panga ay lumikha ng kiliti sa aking balat. I giggled happily. “I guess I have to shave before marrying you. Your skin’s so sensitive”

I bit my lip trying to fight another smile though my eyes betrayed me. They seemed to sparkle at the sight of us. 

“Para talagang panaginip lang”, sambit kong muli. 

“Tsk”. Kahit kulong sa kanyang bisig ay inalog n’ya ako na parang bang ibang gigil na ang ipinararating, hindi na katulad kanina, ngayon ay may halo nang pagkapikon.”You’re my dream. Iyon na lang ang isipin mo”

I laughed at his words. Ang korning pakinggan pero humaplos ang init sa aking puso. Punong-puno talaga ako ngayon. 

“Sulit lahat ng iniiyak ko sa’yo”, nilingon ko s’ya at halos maduling ako sa lapit ng mga mukha namin. Yumukod s’ya para sa isang halik sa labi ko. agad kong pinutol iyon nang maalala na hindi nga lang pala kami ang tao roon. I tried to see if anyone’s watching us. Nakakahiya. 

“They’re not here. Masyadong malalim ang iniisip mo kanina kaya pinaalis ko muna sila para mayakap kita ng walang abala”, paliwanag ni Gino. 

“Bolero”, ngisi ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo n’ya at napikon na naman ang itsura. 

“Hindi kita binobola. Mamaya umatras ka pa sa kasal”, umirap s’ya at muli akong natawa. Gusto kong maiyak sa tuwa. Sana ay palagi kaming ganito. Sana kahit tumanda kaming dalawa ay ganito pa rin. Kung may magbago mna, sana ay mas tumindi ang nararamdamna namin para sa isa’t isa. Sisikapin kong maging mabuting asawa sa kanya at ina sa mga magiging anaak namin. 

“Excited na ako sa kasal!”, Excited kong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay humarap na ako sa kanya ng tuluyan, ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg, kahit hirap ako ay nagawa ako at naawa yata s’ya sa akin kaya yumuko s’ya ng bahagya para magawa koi yon ng walang problema.

I kissed his lips. He smirked after that. 

“Really?”, he asked making sure I was saying the truth. I nodded enthusiastically. “Well, then, you have to choose your wedding dress quickly. I don’t want any delay later”

“Saan ba kasi ang kasal?”, hindi pa kasi n’ya sinasabi sa akin kung saan talaga. S’ya na raw ang bahala. He was on the phone since this morning. Ipina-drive n’ya lang din ako dito sa shop dahil pupuntahan n’ya raw ang ipinaaayos n’yang lugar. He was so busy but he went here right after all of that. 

Beg For LoveWhere stories live. Discover now