"I'm sorry, Gino", hindi ko pinansin ang sinabi ng kaibigan ko nang makalapit s'ya sa akin. Lumabas na ang resulta ng katawan ng isang taong nakita namin sa dagat.
Tumayo ako at umalis. Kailangan kong maghanap ulit. Nagpapasalamat ako at hindi si Cresia ang nakita naming walang buhay. Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip ko ang posibilidad na si Cresia iyon.
Naalala ko na naman ang dami ng dugo na nakita namin sa sahig kung saan s'ya dapat iniwan noong make-up artist. It was just minutes from our wedding and she had gone missing with all those blood on the floor. Her bouquet was there, blood-stained.
Bumalik sa akin ang sakit.
Napatakip ako ng mata at sumandal sa pader na malapit sa akin. Naupo ako dahil nanghihina ang katawan ko sa sakit. Hindi ko kayang isipin kung gaano s'ya nahirapan. Kung gaano s'ya natakot.
"Fuck!", I hissed and I felt my own tears on my fingers. Hindi ko talaga mapigilang maiyak. Ipinagdikit ko ang mga binti at tuhod ko at doon naman isiniksik ang mukha kong basang-basa na ng luha. I could feel my whole body shaking from my cries. Para akong bata na umiiyak doon at humahagulhol na parang bata. Batid ko na maraming tao na napapadaan doon at nakakakita sa akin pero wala akong pakialam.
It hurts so much thinking about Cresia and what she had suffered through. I felt so helpless. So useless. I failed her. I fucking failed her.
Ilang minuto pa, kahit hindi pa rin tumitigil ang luha ko ay tumayo na ako mula sa pagkakasalampak. Hawak ang jacket sa kabilang kamay at singsing na isusuot sana naming dalawa sa kasal, naglakad ako palabas sa lugar na iyon. Marahas kong pinahid ang luha mula sa aking mata at pisngi.
I could feel my phone continuously vibrating inside my pocket. Siguro'y kung sino na naman na magsasabing umuwi muna ako para magpahinga.
Ayokong umuwi nang hindi nalalaman ang totoong nangyari at hindi na nalalaman kung nasaan ang asawa ko. Ni ayaw kong matulog kung pwede lang dahil nakikita ko sya sa panaginip ko. She was smiling at me then she will jump off the cliff. Kahit kailan ay hindi ko sya naaabutan para masagip sa panaginip ko.
Kahit ano'ng gawin ko hindi ko s'ya magtulungan at kapag nagigising ako mula sa bangungot, mas lalo akong nanlulumo sa kaisipang, kahit sa reyalidad, hindi ko s'ya masagip.
Wala akong kwenta.
Narating ko ang sasakyan ko at agad na pumasok doon. My shaking hands held the wheel with all the strength I have. I don't pray much but right now, I pray every minute for Cresia.
I remembered her sweet smile this morning. And it hurts much more.
Pinaharurot ko ang kotse at agad na tinungo ang lugar kung saan ko s'ya inaasahang mahanap. Nilibot ko na ang lahat ng lugar kung saan s'ya maaaring mapadpad. May mga taong tumutulong sa akin pero hindi pa rin sapat. Hindi sapat dahil hindi ko pa rin s'ya nakikita.
Huminga ako ng malalim at ibinuga iyon ng marahas sa pag-asang mapipigil ko pa ng ilang sandali ang sakit na nagbabadya na namang lumabas sa aking mata, masakit sa lalamunan. Kita ko ang ilan kong tauhan na nandoon na rin sa dalampasigan ang iba ay nasa baybay ng bangin.
Diretso akong bumaba para marating ang kinalalagyan ng mga aparatos at damit para makasisid sa ilalim. Minsan, gusto ko na lang malunod, baka sakaling sa kabilang buhay ko s'ya makita.
"Cresia, please, baby, let me see you now. Hindi ko na kaya..." bulong ko habang nagsusuot ng diving suit.
"Dahan-dahan!", rinig kong sigaw ng isang lalaki. Isa s'ya sa mga tauhan ko na sumisisid rin sa malalim na parte ng dagat. Kita kong may buhat-buhat sila.
Kumabog ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Ibinaba nila iyon at agad na nanginig ang buong katawan ko sa kaba at takot.
Hindi na ako nahiya nang maiyak na lang ako at tinakbo ang katawan na inilapag nila sa buhangin. Humawan ang mga tao para makaraan ako.
"Alis!", halos mapunit ang lalamunan ko sa pagsigaw.
Lumuhod ako at maingat na iniangat ang ulo n'ya sa kandungan ko.
"Sir..." wala akong pinakinggan. Hinahaplos ng nanginginig kong mga kamay ang mukha n'ya. Sobrang galit ako.
"C-C-Cresia", pumiyok ako.
"No. No. No no no no no no"
She looked pale.
I was so sure it was her. Hindi ko ipagkakamali sa pagkakataong ito ang katauhan ni Cresia.
"B-aby--", my voice croaked and cracked from too much emotion. "Baby... Can you open your eyes?", I bit my lip and I felt like my throat was ripping apart. There was a sandpaper in there.
Putangina!
Ang sakit.
Gusto kong isipin na panaginip lang. Pero ramdam bg palad ko ang lamig n'ya. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayari. Ang katotohanan.
She's not breathing.
And my heart and soul were breaking apart.
"Fuck, b-aby. Please. Don't do this to me. Please", garalgal na ang mga salita ko.
The pain she had experienced was evident on her body. Her wedding dress was mess.
"We should bring her--"
"Leave."
"But, sir, we should--"
"I said leave! Ako na ang bahala sa kanya. Ako'ng bahala sa asawa ko", niyakap ko ang katawan n'yang walang kahit ano'ng bakas ng lakas at buhay.
Umalis sila. Akong bahala sa kanya.
"I will take care of you, hmm?", napakainit ng luhang umaagos sa mga bata ko. With trembling lips, hinalikan ko s'ya sa labi. Malamig. Walang buhay. Mas lalo akong napaiyak.
"Aaaahhhhhhhhhh!!!!!", sumigaw ako doon. Puno ng pait. Puno ng sakit. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko. Habang yakap ko s'ya. I was rocking our bodies as I scream my lungs out. Kahit maubos ang boses ko ay wala akong pakialam.
I was questioning God's ways that moment. Bakit n'ya kinuha si Cresia? Bakit hindi man lang n'ya kami pinakinggan?
Did we deserve this?
My Cresia doesn't deserve any of it.
For fuck's sake, she deserve the world.
"I love you, baby."
Ayokong maniwala. Natatakot akong tanggapin ang katotohanan na kahit ano'ng gawin ko, hindi ko na s'ya makikita. Hindi ko na s'ya maibabalik sa akin.
Hindi na s'ya babalik sa akin.
"This can't be true. No. Oh God, please no"
I wanted to deny everything.
*********************
Part 2 of this ending? Kulang ako sa emosyon eh.