Chapter 9

311 35 2
                                    

Tatlong araw na simula ng kami ay magkahiwalay ni Allenon.

May mga oras na namimiss ko siya na hinahanap hanap ko siya. Pero aking tinitiis para sa tama.

Pero napupunan naman ni Lucas ang lahat pag ako ay nakakaramdam ng lungkot para siyang happy pill na bigla akong papasayahin.

"Pasok kana Hon aral ng mabuti Iloveyou."
Sabay mabilis na halik sa aking pisngi

"Iloveyoutoo!" Aking sinundan ng tingin si Lucas hangang hindi na siya matanaw ng aking mga mata.

Ng ako ay nasa tapat na ng aking upuan isang boses ang nagpatigil sa akin ang boses ng taong isa ko pang mahal.

"Studywell Baby" Sabay halik sa labi ni Kennedy. Sabay alis

Kitang kita ko ang kilig sa mukha ni Kennedy. At pati ang baklang Luka

Agad ako napaupo sa aking upuan nanlambot ako.

Hindi ko alam kung sinadya niya ba talaga iyon. Na sa malapit at kitang kita ko mismo niya halikan si Kennedy.

Pero ano nga bang pakialam niya. At ano nga bang karapatan kong magreklamo
Eh Wala naman ng Kami

Pana'y padin ang pagkwekwento ni Kennedy nalaman ko na nililigawan na siya ni Allenon. At hindi ko na marinig pa ang kaniyang kinukwento.

Gusto kong umiyak. Kaya agad akong tumakbo papunta sa cr pumasok sa isa sa mga cubicle

Iniyak ko lahat. Lahat ng sakit eto na siguro ang karma ko. At pagtapos ko umiyak agad kong inayos ang aking sarili at bumalik sa room. Nagtanong sila bakla kung baket ang tagal ko nagdahilan na lamang ako na ako ay tumae.

Naging matamlay ako sa klase. Hangang sa aking trabaho. Buti na lamang hindi ako pumalpak. Doble ang pagod na aking naramdaman siguro dahil na rin sa lungkot na aking nadarama.

Pagkatapos ng aking trabaho. Isang yakap ang sinalubong sa akin ni Lucas na tila ba'y dinadamayan ako na naiintindihan ako sa sarap at kumportable talaga ako sa mga yakap niya parang mas lalo ako naiiyak kaya agad akong bumitaw sa yakap at sumakay na sa kotse. Alam kong nararamdaman ni Lucas iyon kaya naman nagdahilan na lamang ako na masama ang aking pakiramdam.

"Pasensya na Hon kung naapektuhan ka naapektuhan ang ating relasyon. Pero pangako sa oras na mawala na ng tuluyan ang aking nararamdaman kay Allenon mamahalin kita ng buong puso at Ikaw lang ang aking mamahalin. Patawad sa lahat babawi ako sayo aaminin ko rin ang totoo sayo at sana hindi pa huli ang lahat non sana mapatawad mo ako Lucas." Nasabi ko na lamang sa aking isip habang nakatitig ako sa mukha ng Taong mahal na mahal ako na mahal na mahal ko pero niloko ko.

At sa aking paghiga anong oras na ngunit hindi padin ako makatulog wala tigil sa pagpatak ang aking mga luha ngunit akin ng pinigilan dahil tama na. At akin na lamang kinausap sa aking isip si Allenon

"Allenon sana huwag kang maghiganti sa akin. Sana balang araw ay mapatawad mo ako. Pinagsisisihan ko ang lahat ng aking nagawa. Ang panloloko ko sayo patawad mahal na mahal padin kita Pero mali na."

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon