A/N: 4 UPDATES AGAD TAYO PARA SA MGA NAGBABASA DIYAN😍😍😙
TSAKA PARA MAHABOL KO DIN YUNG IBANG STORY SALAMAT😂😍
-------------------------------------------------------------
Isang linggo namin pinaghandaan ang binyag ni Baby Liam Leavhon isinabay namin siya sa kaniyang 5 months old.Alas otso ng umaga ng nagising ako hinalikan ko sa pisngi si baby at nagising ito nagkakawag na naman ito.
"Ang likot naman ng baby na yan. Binyag mo na baby are you excited?" Nag hmm sound naman ito na akala mo ay nasagot talaga. Binuhat ko ito at dinala sa banyo upang paliguan warm water ang ginamit ko para hindi siya malamigan at magulat.
Sinuot ko sakaniya ang damit niyang pambinyag na color blue at pinicturan kita nakakapangigil talaga ang cute ng baby ko.
Binuhat ko muli siya at bumaba na kami. Kinalong naman siya agad ng mga Official Ninong at Ninang niya.
Nag mag 9:30 na dumaretso na kami sa Santa Rosa De Lima Parish Church dahil umpisa na ng binyagan ng 10am.
Nakinig kami ng mabuti si seremonya na sinabi ng pari at ng turn na ni baby upang binyagan ay tahimik lang ito habang binubuhusan ang kaniyang ulo.
Ng matapos pati ang pagpipicture para sa album ni baby. Dumaresto na kami sa venue sa Resorts World Manila na sagot nila Allenon Kennedy at Luka. Talagang nagpapasalamat ako na palagi silang nandiyan para sa amin ni baby.
Sumakay kami sa Van na ginamit namin gusto kasi naming magkakasamang magkakaibigan.
"Binyag ka na baby pwede ka ng gumala hahaha"
Ng makarating kami sa RWM sinalubong kami ng staff pinaunang pumasok sila Kennedy dahil surprise daw ang loob. Hindi ko nakita ang pagpili nila ng design kaya naeexcite din ako na makita. Maya maya lang ay pinapasok na kami ni baby. Blue mottif ang bumungad sa amin at mga cute na baby design.
Nagkainan lang ng mga handa at picturan at pasalamatan ang naganap at natapos din ito. Umuwi din kami agad ng matapos
Kinabukas ay maaga akong pumasok sa trabaho. Inumpisahan ko agad ang aking mga trabaho.
"Bes! Aga mo ah! Grabe di pa din ako makamove sa mga gwapo kahapon sa Resorts World" Daldal ni Aryl.
"Tumigil ka nga diyan Aryl aga aga ang ingay mo puro kaharutan lang naman laman ng bibig mo!" Saway naman sa kaniya ng kaniyang kakambal nito.
"Ikaw ang manahimik manang Lyra! Buti na lang you're good in bed kundi iniwan ka na ni William!"
"Gaga shut up! Wala ka namang jowa!"
"Ay grabe siya hahaha"
Nagasaran pa ng asaran ang dalawa talaga namang masaya at sanay na ako sa aking trabaho dahil ilang buwan na din akong nagtatrabaho dito.
1 year after
Kasalukuyan kaming papunta sa venue ng pag gaganapan ng unang kaarawan ni Liam nakaupo siya ngayon sa aking lap.
Parang kelan lang ng aking ipininganak siya natutong dumapa at gumapang. Kay bilis ng panahon at mag iisang taon na ang aking baby. Si Allenon ang kasama namin papunta sa Okada doon kasi gaganapin ang first birthday ni Liam. Nauna na ang mga bisita doon at kami na lamang ang iniintay."Happy Birthday baby! Love na love ka ni Mommy" sabay halik ko sa pisngi nito at ngumiti naman ito.
"Love ka din ni Papa Ninong Allenon baby!"
Ayun kasi ang gustong itawag ni Allenon sakaniya ni Liam itinuturing niya na daw kasi itong parang sariling anak.
Ng makapag park kami sa parking bumaba na kami at dumaretso na sa loob. Kahanga hanga ang laki ng Okada.
BINABASA MO ANG
ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-
RomanceIs it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my love because I love my two boyfriends (Tagalog talaga to guys hehe) I'm Everlaeigh Smith and this is...