Chapter 36

214 12 6
                                    

Nakauwi din kami agad ng baby ko sa bahay ng payagan ng kaming umuwi ng doctor.

Madami narin kaibigan namin ang dumalaw para makita ang baby ko. Baby palang ang anak ko ay spoiled na agad sa mga soon to be ninong at ninang niya.

Halos araw araw nandito sila Allenon Kennedy at Luka at kinukulit ang baby ko.
Si Borns naman ay palaging nasa bar niya

Laging tulog ang baby ko sa umaga at minsan ay hangang madaling araw ay gising kami. Panay ang pakikipagusap ko sakaniya at patingin tingin lang naman ang cute kong baby. Kahit lagi akong pinupuyat.

Nagising ang baby ko ng hawakan ni Allenon ang kamay nito hindi naman umiyak hindi pa siguro gutom kaya kinalong ito ni Allenon pero sure ako mamaya pagpapasa pasahan na nila ito.

"Mga bakla! Bantayan niyo muna si baby ah? Maghahanda lang ako may interview ako mamaya via videocall kailangan prepared ako."

"Magtatrabaho kana agad bakla?"

"Hindi pa Luka after 3 months pa ang balik ko sa Shop at 3 months pa ang simula ng trabaho ko sa Isang Airlines Company na bago ngayon dito sa Laguna sa August pa kasi ang opening nila mag aaply ako bilang office staff sana nga ay matangap ako"

"Ay Bongga sa Clyead Airlines Company? Sure na matatangap ka diyan bakla Fighting lang! Goodluck!"

"Salamat sige doon muna ako pag umiyak nagpump naman ako ng gatas nasa baby bottle sa tabi niya ipadede niyo nalang pag ayaw padin tumahan iakyat mo nalang sa akin doon salamat"

Umakyat ako sa hagdan at tumungo sa aking kwarto naligo at nagsuot ng presentableng damit para sa aking interview. Maya maya lang ay tumunog
Ang laptop ni Borns nanghiram kasi ako.

Sinagot ko ang tawag ng magiinterview sa akin. Isang gwapong lalaki ay nasa screen masasabi mo talagang may lahing amerikano dahil sa blue niyang mata na parang si Lucas.

"Hi I'm the CEO of Clyead Airlines Company"

"Nice to meet you sir It's my pleasure I'm Everleaigh Smith"

Hangang sa nagtutuloy tuloy na ang interview confident ko namang sinagot ang mga tanong with a smile at hangang sa natapos ito.

"Good! You're hired!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat pati ang aking ngiti

"Really Sir? Thankyou!"

"Welcome see you after 3 months bye!" And lined cut.

Nagtatalon ako sa saya dahil sa wakas may isa pa akong trabaho at natanggap pa ako. Para sayo baby pagsisipagan ni Mommy.

Bumaba ako sa baba at kinuha ang anak ko sakanila at pinaghahalikan ang pisngi nito.

"Anong balita baksis? Natangap kaba?"

"Oo hahahaha party party!"

Nagkaroon ng kaonting celebration sa bahay dahil sa pagkakatangap ko sa bago kong work.

Kinabukasan tawag ng aking cellphone ang nagpagising sa akin kinuha ko ito ng nakita ko ang boss ko sa shop ang natawag. Pero tinignan ko muna ang anak ko na himbing na himbing sa pagtulog.

"Hello sir bakit po?"

"May masama akong balita Everleaigh. Nanakawan kami ng 20million ng isa sa aming business partners at tumakbo papunta sa ibang bansa. Kailangan naming magbawas ng tao at pasensya na isa ka sa matatangal dahil wala ka ngayon at wala kaming maipapasahod sayo." batid ko ang lungkot sa boses ni sir. Sinabi ko na okay lang at nagpasalamat ako sa lahat ng kanilang kabaitan

What a bad news! nakakalungkot ang nangyari sa amin at sa shop na pinagtatrabahuhan ko

Kinalong ko ang anak ko ng nagising ito at umiyak pinadede ko ito at agad naman itong dumede.

"Gutom ang baby ko ah? Sige dede ka lang kay mommy. Dapat mag breastfeed ka muna kay mommy ng matagal ah? Para makatipid tayo sa milk walang work si mommy ng 3 months so kailangan natin magtipid" nakatingin lang sa akin ang baby ko at nakikinig siguro siya.

Bumaba na kami sa hagdan at sa sala tumambay. Dalawang araw ng hindi nauwi si Borns nagtetext lamang siya na busy talaga siya sa bar. Hindi ko maiwasang matakot dahil kami lang ng baby ko sa bahay at baka may masasamang loob na pumasok pero tinitibayan ko nalang ang loob ko.

Narinig ko ang isang pamilyar na tunog ng kotse sumilip ako sa bintana at nakita kong si Allenon nga ang dumating may sarili na silang duplicate ng susi ng gate para dare daretso na lamang sila pumasok sa amin.

Nakangiti itong sumalubong sa amin.

"Hi baby Liam Leavhon Papa Nongnong is here visiting you again" Agad ko namang pinasa ng kalong ang anak ko sa kaniya.

"Kumain kana ba Allenon?"

"Hindi pa maglunch nalang tayo may dala akong pagkain luto ni Mama"

Tinignan ko naman ang dala niyang nga tupperwear.

"Wow adobong baboy favorite ko ito."

"I know sa sunod ako na ang magluluto niyan para sayo nagpaturo na ako kay Mama"

"Salamat!"

Inihiga ko muna sa baby crib si baby leavhon at nagsimula na kaming kumain ni Allenon.

"Ang sarap!"

"Masarap talaga ako" napatingin ako kay Allenon ng sabihin niya iyon.

"Hahhaha baliw yung adobo yung masarap hindi ikaw"

"Bakit hindi mo pa naman ako natitikman ah? Try me baby! Hahahhaa"

"Shut up!"

Ng matapos kami kumain si Allenon ang naghugas ng plato hindi pa daw kasi muna ako maaring magkikilos.

"Btw 9pm na wala padin si Borns?"

"Ah 2 days na yun hindi nauwi eh busy sa bar niya."

"So 2 araw na kayong walang kasama ni Baby? Bakit hindi mo ako tinawagan para may kasama kayo dito?"

"Nahihiya kasi ako sayo Allenon baka busy ka"

"Hindi ako busy para sayo kahit gaano pa ako kabusy uunahin parin kita okay? Simula ngayon dito na muna ako titira kung okay lang sayo?"

"Okay lang naman sa akin."

"Okay problem solved. Bukas na bukas kukuhanin ko ang mga importanteng gamit ko at dadalhin ko dito ihahatid na kita sa taas matulog na kayo ni baby".

Ng makaakyat kami sa aking kwarto ay hinila niya ang isang sofa malapit sa kama sa side kung saan ko hinihiga si Baby Liam Leavhon.

"Okay lang ba na bantayan ko muna ang baby mo? Gigisingin nalang kita pag hindi ko mapatahan ikaw magaalaga sa umaga ako sa gabi at madaling araw ano deal?"

"Kung okay lang sayo edi deal tayo!"

Simula non ako ang nagaalaga kay Baby sa umaga siya naman sa gabi nagwowork in home na muna siya minsan naman ay nabisita siya sa bar niya hindi naman daw palaging kailangan doon.

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon