Chapter 52

191 10 0
                                    

Mahimbing ang pagkakatulog ko ng gisingin ako ng anak ko.

"Mommy! Mommy! Wake up!"

"Hmm baby Mommy is sleepy"

"Gising na si Daddy! Mommy!"

Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga at ang ending nahulog ako sa sofa na tinutulugan ko kanina.

"Omo are you okay mommy? May masakit ba sayo?"

"Hehe wala baby!" Hinalikan ko ito sa noo.

Lumapit ang anak ko kay Lucas at taka itong tinignan.

"Sino ka?"

Biglang umiyak ang si Leavhon sa sinabi ni Lucas.

"Waahhh Mommy hindi ako kilala ni Daddy hindi niya na ako love huhu"

Hingit ni Lucas ang anak ko at niyakap ito.

"Joke lang baby Liam Leavhon ko. Namiss kita Daddy loves you."

"I love you too daddy"

Tumingin sa akin si Lucas.

"I miss you"

"I miss you too" sagot ko bakit walang I Love You Lucas? Tatampo na ako sayo.

Lumapit ako dito at pinitik ang noo.

"Ouch why my soon to be wife?"

"Soon to be wife mo mukha mo nakalimutan mo bang kay Allenon ako ikakasal?" Lumungkot ang mukha nito kaya nakonsensya ako.

"Pero bakit mo ako pinitik? Ang hilig mo talaga akong saktan"

"Wow naman! Para yan sa pagpapaiyak sa anak ko"

Tinawag ko ang doctor at natuwa din ng gising na si Lucas 2 days from now ay pwede na daw siyang umuwi.

"Ano pa lang nangyari doon sa baliw na josh? Mabuti na lamang at nakalabas ako hindi kasi agad sumabog ang granada."

"Ayun nakakulong na ang baliw na yun nakadrugs din pala iyon kaya siguro high! Tinago daw ang granada sa brief akala ng iba ay yung betlog niya lang ung pabilog yun pala granada na"

"Hahahha crazy asan nga pala ang thropy ko?"

"Wala sinangla ko na para pambayad dito"

"Wtf?"

"Ang laki na kaya ng bill mo dito.tsaka madami ka naman na noon ah?"

"Crazy girl!"

"Hahaha charot lang hindi pa naiibigay pag gising ka na daw tsaka lang ibibigay need pa daw magpicture picture ganern ganern yun"

"Pero alam mo masaya ako ngayon"

"Ako din naman kasi gising ka na"

"Bukod doon kasi Ilang araw kitang kasama hindi mo ako iniwan. Sana ganito na lang palagi yung kumpleto tayo tapos masaya palagi kitang kasama"

"Ako din. Pero iniisip ko padin si Allenon"

"Puwede bang ako muna? Kahit ngayon lang please? Kahit iparamdam mo lang sa akin ngayon na ako ang pinipili mo"

"Magkunwari tayo, Na tayo padin sa huli"

Ng payagan ng makauwi si Lucas ay sumama kami sa paghatid sakaniya kasya naman kami sa kotse ni Tito Florante kaya sinama nadin kami.

Sa Mansion nila Kami pumunta sa Casa Rossi. Ng makababa kami ay hawak ko sa kamay si Leavhon at mukhang namamangha.

"Wow laki po house!"

"Yes baby gusto mo ganito din house natin nila mommy?"

"Opo daddy pag kasal na po kayo"

Pumasok kami sa loob at muli na naman akong namangha sa ganda nito.

Pinagmerienda at hapunan kami kala Lucas at ng lumalim na ang gabi ay ipinahatid na kami pauwi gusto sana ni Lucas na siya ang maghatid sa amin pero hindi ako pumayag dahil kailangan niya pang magpahinga.

Pagkababa ko sa sasakyan ay buhat ko ang anak ko papunta sa kwarto dahil nakatulog ito sa aking bisig. Napagod sa pakikipaglaro kay Lucas kanina.

Ng maiayos ko na ng higa si Leavhon ay nakarinig ako ng katok sa pinto kaya binuksan ko ito.

"Allenon?"

Yumakap ito sa akin at kaagad ding bumitaw.

"Puwede ba tayong magusap?"

"Sige"

Pumunta kami sa terrace malapit sa aking kwarto upang magusap. Umupo kami sa pangdalawahang upuan.

"Huwag na natin ituloy ang kasal Everleaigh"

"Huh? Bakit Allenon hindi ba gusto mo iyon?"

"Oo gustong gusto ko pero alam kong hindi mo gusto. Nararamdaman ko at nakikita kong hindi ka masaya sa akin Everleaigh simula nung bumalik siya. Alam kong nakuha ka na naman niya ulit sa akin. At matagal ko ng pinaghandaan ang bagay na ito. Masaya ako ng pumayag kang magpakasal sa akin. Pero ayaw kong pilitin ka pa at ayokong ng mahirapan ka. Alam kong mahal mo siya. Kaya Everleaigh Pinapalaya na kita. Alam kong mas sasaya ka sa piling niya"

"Allenon..." namuo ang luha sa aking mata at bumuhos ito yumakap ako sakaniya at naramdaman ko din ang kaniyang pagiyak.

"Naririnig ko din ang pagiyak mo sa gabi kaya naiisip ko Tama bang pilitin kita? Kung hindi ka naman masaya. Tsaka yung nagalit sa akin si Leavhon dahil sa akin hindi maging kumpleto ang pamilya niyo pero naiintidihan ko naman siya dahil
Kahit ako gusto ko ang kumpletong pamilya. Nakita ko rin ang pagaalala at pagaalalaga mo sakaniya sa ospital.
Hindi bale ng hindi matuloy ang kasal basta maging masaya ka lang Everleaigh. Sapat na sa akin na makita kita noong suot mo ang wedding gown na pinili ko para sayo.

Ngayon naiitindihan ko na kung bakit pilit niyang gusto makita iyon. Kahit na bawal iyon sabi sa pamahiin.

"Sorry Allenon na hindi kita nagawang mahalin sa loob ng mga taon na magkasama tayo sinubukan ko naman eh pero ayaw talaga. Pero gusto kong palagi kang masaya pero palagi naman kitang nasasaktan."

"Masaya ako dahil sinubukan mo. Sumaya naman ako ng mga panahon na ako ang kasama mo. Pag masaya ka na mas masaya ako non Everleaigh. Kagligayahan mo ang hangad ko"

"Salamat Allenon maraming salamat sa mga panahong andiyan ka palagi sa tabi ko."

"Isang tawag mo lang sa akin at pag kailangan mo ako dadating agad ako okay? Huwag ka na sana niya iiwan muli dahil hindi na kita ibabalik pa sakaniya"

"Hahaha baliw"

"Bukas na bukas ay babalik na ako sa aming bahay. Respeto nadin sainyong dalawa pero dadalaw dalaw padin ako para kay Leavhon"

Kinabukasan ay naghakot nadin ng mga gamit si Allenon pabalik sa kanilang bahay
Nag sorry nadin si Leavhon dahil sa nasabi niya noon na hate niya si Papa Allenon niya. At nagyakapan ang dalawa
Ng tuluyan ng makaalis ang sasakyan ni Allenon ay kumaway pa ito sa amin

Binuhat ko ang anak ko at sabay naming tinignan ang paglayo ng sasakyan ni Allenon. At pumasok din kami sa loob ng hindi na namin ito matanaw

Maraming salamat sa lahat Allenon. Napakabuti mong tao alam kong makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sayo.

To be Continued...

(C) Malaya by Moira Dela Torre

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon