1 week Later
Nandito kami ngayon sa Borns Salon pinapayusan ako ni Borns dahil Graduation ko na mayamaya lang. Kinulot lang ng kaonti ang aking buhok hindi kasi pwedeng maglagay ng mga treatment sa buhok ko dahil buntis nga ako.
"Mamsh! Bet kita!" Sabi ng baklang naagayos sa akin si Protacion or Tashion pag gabi.
"Hay nako hindi tayo talo!"
"Yuck kadiri ka naman mamsh! Hindi ayan ang ibig kong sabihin. Bet kita kasi kahit na juntis ka nagpatuloy ka padin sa pagaaral at ngayon gagraduate kana!"
"Hahaha Salamat kailangan eh! Marami din akong pangarap"
"Tama na ang kuda bawal kaming malate sa Graduation nito."
Kung ano ano pang nilagay na kolorete sa aking mukha hangang sa natapos na ito. Sumakay kami sa kotse ni Borns at pumunta sa Venue. Medyo natraffic lang kami ng kaonti.
"Proud ako sayo be may sabit ka pa mamaya. Never ako nagka medal tapos ikaw meron bongga! Dean's Lister ang bakla!"
Kaming tatlo nila Kennedy at Lukariah ay kasama sa Dean's Lister.
Ng makarating na kami sa venue ay pinapasok ako sa loob kahit need pa muna pumila. Buntis daw kasi ako may napapatingin sa aking mga parents ng ibang studyante pero I don't care. Meron din naman natutuwa dahil bihira nga naman ang tulad ko na may lakas ng loob padin mag aral kahit nabuntis na. Wala naman kasing masama.
Ng maayos na ang lahat nasa sariling section ko nadin ako nakaupo nagsimula na ang mahabang seremonya.
Ng matapos ay tinawag nadin kami isa isa sa stage at binigyan ang aming diploma At ang aming mga medal
At dumating na din ang pinakahihintay naming pagkakataon ang Inannounce na kami ay Offical Graduate na."Congratulations! Batch 2015-2016"
Sabay sabay naming hinagis ang aming graduation cap syempre mababa lang yung akin kaya nakuha ko agad. Natuwa naman ako ng nagbukas ng dalawang payong sila Kennedy at Luka at pinayungan ako.
"Mahirap na bakla! Baka mabagsakan ang tiyan mo!" Sabay yakap sa akin
Si Kennedy naman ay nakiyakap din safe ang tiyan ko pati narin ang likod ko. May nakiyakap din sa gilid ko si Allenon nginitian ko naman siya
At ng matapos na ang paghahagis nila ng mga graduation cap ay nagpicture picture kami.
Sama sama na kami at aming pamilya sa isang handaan para sa aming mga nakagraduate sa isang exclusive restaurant and coffee gaganapin.
Sumakay na kami sa sari sariling kotse at pumunta sa Restaurant and Coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Nagpaalam ako na hindi muna ako makakapasok ngayon dahil graduation ko nga.
Ng makarating kami ay binati kami ng mga kasamahan ko at pumasok kami sa isang private area/room ng restaurant.
Dumating nadin ang aming mga inorder at nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan.
"Start na tayo sa Graduation Exchange gift natin dali! I'm excited! Ani ni Kennedy
"Ako mauuna ito para sayo baklang maarteng Luka" natawa naman ang parents ni Luka."Wow te ha! Pareho lang naman tayong maarte dito!"
"Mas maarte ka nga lang hahaha" at nagtawanan naman kami. "Eto para sayo Allenon" napuno ng Yieee ang buong kwarto. "Hahaha MoveOn guys! At eto para sayo Everleaigh"
Sabay sabay naming binuksan ang regalo Rolex watch ang natangap ni Luka at Allenon at sa akin naman ay Chanel watch.
"Wow firstime ko magkaganito Kennedy Ang mahal nito pero salamat" yumakap naman ako dito.
BINABASA MO ANG
ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-
RomanceIs it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my love because I love my two boyfriends (Tagalog talaga to guys hehe) I'm Everlaeigh Smith and this is...