Chapter 34

212 11 1
                                    

Pinilit ko ang aking sarili na huwag isipin at kalimutan ang nalaman ko kahapon tungkol kay Lucas dahil Nalulungkot lang ako makakasama ang stress sa baby ko.

Bumaba ako at pumunta sa kusina dahil nagugutom ako nakakamoy din kasi ako ng mabangong niluluto.

"Wow fries!" Nagnining talaga ang mata ko sa niluluto ni Allenon.

"Promise ko sayo to kagabe di ba kaya lulutuan kita para sa almusal tanghalian Merienda Hapunan at Midnight snacks mo! Hahaha"

Naupo kami sa upuan sa Lamesa ng makaluto na ng almusal at sabay sabay kami kumain.

"Sabay kana sa akin pagpapasok kana sa work mo mamaya uuwi na rin kasi ako sa bahay"

"Sige Luka salamat maliligo na ako"

Umakyat na ako sa taas at naligo at naghanda para sa aking trabaho.

"Ingat kayo!"

"Salamat Tara na bakla!" Sumakay ako sa kotse ni Luka at bumyahe na kami papunta sa Shop.

Agad din siyang nagpaalam ng maihatid niya na ako sa tapat ng pinagtatrabahuhan ko.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker at sinimulan ko na ang pagka cashier. Nakakapagod magtrabaho pero para kay baby kakayanin. At ang totoo nga isa sa pinakamadali ang trabaho na napunta sa akin sa tuwing may nabubuntis kasi sa amin magkacashier na muna para safe. At yung iba binibigyan muna ng maternity leave kahit ilang months palang ang tiyan.

"Kamusta ka diyan buntis? May kailangan kaba? Tubig pagkain?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Mira. Habang ako ay nagkakahera

"Fries at Juice sana Mira kung okay lang?" Hindi rin kasi ako makaalis sa pagkahera dahil hindi ko pa break at hindi talaga nawawalan ng tao

"No problem para kay inaanak" agad naman itong umalis at mayamaya lang ay bumalik dala ang nirequest ko.

"Salamat Mira" Sinimulan ko na ang pagkain habang wala pang nadating na bagong customer.

Tumunog ang wind charm na malapit sa pinto hudyat na may pumasok. Tinigil ko ang pagkain at naghanda para sa oorderin ng customer

"Welcome What is your order Sir? Sir! James! Hahaha kamusta po namiss ko na po kayo ang magaling kong teacher sa PE"

"Hahaha aysus nambola pa nabigyan na kita ng maganda grade kaya huwag mo na kong bolahin graduate ka na nga hahaha parang kelan lang nung awayin mo ako dahil natapon ko ang Frappe mo Miss ko ng tawagin mo akong Mr.Killer Frappe.

"Hahaha sir naman past is past"

Agad ding umorder si Sir at umupo sa isang bakanteng table.

Ng matapos kumain si Sir ay Kumaway nalang siya sa akin at ngumiti nalang ako may naorder kasi saken ngayon.

"1,350 pesos maam"

Ng mag 10pm na kasalukuyan kong hinihintay si Borns dapat nandito siya 9:30 palang ganon kasi palagi siya tinignan ko ang aking cellphone may message galing sakaniya.

From: Borns Bakla.
Bakla hindi kita masusundo nakainom kasi ako eh tsaka wala din gas ang kotse ko pasensya na. Pag uwi mo tulog na ako huwag mo nalang ako gisingin salamat.

Nagreply na lamang ako ng okay. Nitong mga nakaraang araw kita ko ang tamlay at pagod ni Borns nagtataka ako pero baka gawa lamang ng kaniyang trabaho.

Nagpaalam na ako sa aking boss at binigay niya ang sweldo ko.
nagabang ng masasakyan sa labas.
Natatakot ako kasi madilim na ang paligid hindi narin ganon karami ang mga nadaan.

Habang naghihintay ako ng masasakyan nakaramdam ako ng malamig na bagay sa aking bewang.

"Huwag kang sisigaw holdap ito. Ibigay mo sa akin ang cellphone at wallet mo."

"Maawa ka sa akin kuya! Buntis ako!"

"Wala akong pakeala-" naputol ang sinasabi ng holdaper ng bigla nalang itong natumba sa aking harap. Napatingin ako sa lalaking may hawak ng baril na nakasuot ng uniform ng pulis. At pinosasan ang holdaper.

"May holdaper dito sa Malapet sa Coffee shop pinosasan ko na ito I need back up here."

"Maraming salamat Grayson buti nalang ang diyan ka. Dala ko pa naman ang sweldo ko ngayon na pangdagdag sa panganganak ko."

Si Grayson ang kapitbahay namin na laging kinukuhanan at sinusungkitan ng Brief ni Borns para pagnasaan.

"Walang anuman bakit ka nagiisa ngayo'y gabing gabi na? At buntis ka pa"

"Hindi kasi ako masusundo ni Borns eh kaya nagaabang ako ng masasakyan."

"Sa sunod tawagan mo ako pag wala kang sundo isa naman ako sa nagbabantay dito sa street na ito. Sa ngayon ihahatid na muna kita pauwi at baka mapaano ka na naman"

"Salamat Grayson!" I smiled to him and he smiled back.

Sumakay ako sa police car at inihatid ako ni Grayson sa bahay ng makarating kami ay bumaba na ako.

"Maraming Salamat Grayson Ingat"

"Ingat din sige mauuna na ako"

Tinanaw ko siya paalis at pumasok sa loob ng bahay. Kalat kalat ang sala puro basyo ng alak na sa tingin ko ay ininom na naman ni Borns Ganiyan na siya nung nakaraan pa panay ang paglalasing.

Binaba ko ang aking bag at inimis ang mga kalat at baka ipisin pa I HATE IPIS!

Ng matapos ay umakyat ako sa aking kwarto naglinis ng katawan ako natulog.

Kinabukasan pagkababa ko kumpleto ang mga kaibigan ko sa baba agad akong bumaba at nakangiting sinalubong sila pero kita ang pagaalala sakanila.

"Nabalitaan naman ang nangyari sayo kagabi bakla. Sorry talaga at hindi kita nasundo lasing na kasi talaga ako at baka mapaano pa tayo sa byahe yun pala muntik ka din mapahamak ng dahil sa akin patawad talaga"

"Wala kang kasalanan Borns. May mga tao talaga masasama. Huwag na nating isipin yun ang mahalaga ligtas ako at ang baby ko.

"Itext mo kami pag walang susundo sayo handa namin itigil ang ginagawa namin para sayo"

"Salamat Allenon. Tsaka pag wala akong sundo pwede daw akong ihatid ni Grayson."

"Who's Grayson? Manliligaw mo?" Masungit na tanong ni Allenon.

"Jealous Ace naman agad Fafa Allenon yung kapit bahay naming pulis yun! Yung pumunta kanina ditong gwapo at nagsabi sa atin na nangyari kay Everleaigh kay Kennedy May crush yun hahaha"

"Ah okay akala ko may kaagaw ako eh"

Ng matapos kaming kumain. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho kaya hinatid nila ako may sari sariling trabaho narin agad sila sa mga sarili nilang kompanya si Kennedy at Luka si Allenon naman sa Bar niya at ganon din naman si Borns.

1 month Later

Katapusan na ng buwan ng April ito narin ang lastday ko sa trabaho need ko na kasi mag maternity leave dahil kabuwanan ko na bukas buwan ng May nagpaalam ako sa aking mga kasamahan sa trabaho at boss at pangakong babalik after 3 months. 1 or 2 weeks ang due date ko kaya malapit lapit narin ang pinakahihintay kong araw ang lumabas ang pinakamamahal kong baby.

"Excited na akong makita ka Baby!"

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon