Busy ako sa pagtipa sa keyboard ng tumili bigla si Aryl.
"Binibisita mo ako boss? Crush mo na ako? Sabe na eh! Oh ano tayo na!"
"Wtf! Shut up My Annoying Employee!"
"Ay grabe siya! Mamahalin mo rin ako!"
"Asa ka pa! Btw Everleaigh can I talk with you for a second?"
"Sure sir".
Sumunod naman ako sakaniya at umupo siya sa kaniyang office table.
"Sorry talaga doon sa nangyari sa party sa Casa Rossi Mansion hindi ko alam na may past kayo ng pinsan ko".
"Okay lang sir tsaka pumayag na din ako na makasama niya ang anak namin tutal may karapatan naman talaga siya."
"That's nice thankyou! I want to meet my niece someday"
"Sure sir!"
"Okay Thankyou for your time!"
"You're welcome sir no problem".
Agad din akong bumalik sa pagtatrabaho dahil naipon ang trabaho dahil dalawang araw walang pasok dahil sa bagyo.
Ng pauwi na ako at naghihintay ng masasakyan ay nahirapan pa ako makasakay dahil sa dami rin ng tao.Ng ako'y makauwi pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang anak kong nakaupo sa lap ni Nathaliana habang kinikiliti ni Lucas They look like a happy and perfect Family yung pagod na pagod ka na tapos ganito bubungad sayo.
"Oh bakla buti dumating ka na!".
"MOMMMYYY!!" Sinalubong ako ng anak ko ng yakap.
"Halika baby maligo ka na sa taas pawis pawis ka na".
"Mommy nag mall po kami ni Daddy at Tita Nathaliana nibili po nila ako ng toys."
Binuhat ko si Liam at nagsimula kaming maglakad papunta sa hagdan sinamaan ko ng tingin si Lucas ang kapal ng mukha na dalahin ang babae niya dito.
Ng matapos ko ng paliguan si Liam pinaupo ko ito sa kama upang hindi na pawisan at ako naman ang sunod na naligo. Habang busy ako sa pagtipa sa laptop ay naalala kong naiwan ko ang bag ko sa baba kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala.
"Ahm Everleaigh aalis na kasi kami pwede bang magpaalam kay Liam?"
"Pwede naman Liam! Baby!"
Bumaba naman ang aking anak at tumakbo kay Lucas at yumakap.
"Uuwi na kami baby ah?" So live in pala sila.
"Balik po kayo ah! Ingat po!"
"Oo naman ikaw din baby thankyou".
Bumaba si Allenon na kakagising lang napuyat kasi ito kagabe dahil may nagkagulo sakaniyang bar at inayos niya ito
Nagsimula ng maglakad paalis sila Lucas.
"Allenon! Pumapayag na ako na magpakasal tayo isuot mo na sa akin yung singsing."
Napatigil sa paglalakad si Lucas pero hindi ko na siya pinansin. I know you're happy with her so now I set you free.
"Talaga? Hindi ko ito tinatangal sa aking bulsa" at dahan dahang sinuot ni Allenon sa akin ang diamond engagement ring.
Wala akong naramdamang saya excitement sa aking puso. Ang sama kong tao para gamitin si Allenon.
Sumara ang pinto at tuluyan ng umalis si Lucas. Tumulo ang aking mga luha.
Hindi mo man lang ba ako pipigilan Lucas? Talaga bang hindi na ako ang mahal mo?.
BINABASA MO ANG
ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-
RomanceIs it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my love because I love my two boyfriends (Tagalog talaga to guys hehe) I'm Everlaeigh Smith and this is...