Chapter 51

192 9 1
                                    

"I'm so sorry Ma'am wala na po siya"
ani ng nurse na napagtanungan ko.

Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi ng nurse bakit ang bilis ka kuhanin sa akin Lucas? Hindi ka na nga mapapa sa akin kinuha ka pa agad?

Lumapit ako sa bangkay na nasa harapan ko. Niyakap ko ang anak kong iyak ng iyak habang nakatingin sa bangkay na tinakpan ng puting kumot umiiyak nadin sa aking tabi si Nathaliana.

"Lucas! Bak...it mo kami iniwan huhu akala ko ba babawi ka pa kay Leavhon? Mahal kita please mabuhay ka! Payag ako na iwan mo ulit ako pumunta ka ulit sa ibang bansa huwag lang yung ganito! Yung iiwan mo ako na hindi ka na babalik pa!"

"Lucas! Bakit naman ganito ka kailangang mawala sa akin? Ang sakit sakit tatangapin ko na hindi ka para talaga sa akin basta mabuhay ka lang! Please"

Tuloy padin ang aking pag ngawa habang pinagmamasdan ang bangkay ng taong mahal na mahal ko.

Maya maya lang ay lumapit sa akin ang nurse na nakausap namin kanina.

"Ma'am pasensya na po pero bawal na po kayo dito"

"Baket naman nurse? Gusto ko pa siyang makasama please"

"Sorry po pero hindi po kasi siya yung Lucas na hinahanap niyo pala yung isa po pala yun pasensya na Luke po ang pangalan niyang lalaking iniiyakan niyo po"

"Ha?"

"Sorry po talaga ma'am mahina kasi ang pangrinig ko at hindi pa tapos gamutin, buti na lang tinanong ako ng katrabaho ko, si sir Lucas po ay nasa private room na at stable na po ang kalagayan niya Ihatid ko na po kayo doon sorry po talaga"

Sinilip ni Nathaliana ang bangak na ansa harap namin inangat nito ang kumot at tumambad sa amin ang bangkay ng isang binatang hindi namin kilala.

Naloka ako dahil pang best actress na talaga ako kanina. Pero masaya ako dahil buhay pa si Lucas

Hinatid kami ng nurse sa pribadong kwarto at bumungad sa amin ang payapang natutulog na si Lucas nahinga at buhay na buhay. Bumaba ang aking anak at niyakap ang kaniyang ama.

Maya maya lang ay dumating ang magulang ni Lucas.

"Nathaliana kamusta ang anak ko?" Tanong ni Tito Florante.
Si Nathaliana kasi ang nasa malapit sa pinto

"OhMy! Everleaigh anak?" Ani ni tita Laura

"Tita I Miss you" yumakap ako dito pati kay Tito Florante.

"I miss you too darling" ngumiti ito sa akin at nadako ang tingin nito kay Leavhon na titig na titig din sa kaniya.

Lumapit ito kay Leavhon at kinalong ito.

"Kamukhang kamukha mo si Lucas ng ganitong edad niya anong pangalan mo baby?"

"Liam Leavhon po"

"Anak niyo ba siya ni Lucas Everleaigh? Hindi naman mapagkakaila dahil kamukhang kamukha siya ni Lucas"

"Opo tita pasensya na po at hindi ko naipaalam sainyo dahil akala ko hindi na babalik si Lucas"

"I understand darling nasaktan ka din naman dahil sa pag alis ng anak mo pero ang cute naman ng baby na ito kiss mo si lola" kumiss naman ang anak ko kay tita Laura pati kay Tito Florante.

Natuwa sila dahil Instant Lolo at Lola agad sila.

Ng dumating ang doctor at pinaliwanag na comatose si Lucas

Naalala ko ang nangyari kanina sa laban ng mangyari ang pagpapasabog sa kotse ni Lucas.

Pagkahagis ng granada ni Josh sa sasakyan nito ay sumabog ito. Napuno ng usok ang buong paligid ng kaniyang sasakyan kaya hindi makita kung ano ang kalagayan niya. Lumapit din ang mga taong may fire extinguisher para hindi na muli pang sumabog ang sasakyan lumapit naman ang medic dahil sa awa ng diyos nakalabas si Lucas sa sasakyan bago ito sumabog. Kaso sugat sugat at walang malay si Lucas. Dahil ipinalabas sa screen ang nangyari at nakitang pilit itong bumaba pero tumalsik at nagpagulong gulong dahil sa pwersa. Inasikaso siya ng medic at mabilis na dinala sa ospital.

Nagkagulo ang lahat ang lahat sa loob ng race track hinabol nila si Josh pati ang mga kasamahan nila sa laban ay bumaba sa kotse at nakihabol hangang sa wala ng matakbuhan si gagong josh at pinosasan ng pulis.

At hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil dumaretso na kami patungo sa ospital

Araw araw akong nagbabantay kay Lucas minsan dumadalaw si Borns Luca at Kennedy. Pati ang anak ko hindi naalis sa tabi ng ama niya. Sa ngayon ay inexcuse ako sa trabaho ng Mama ni Lucas pinagpaalam ako kay Boss Clyead misan nabisita din sa amin si Lyra at Aryl.

Paulit ulit na tinatanong sa akin ni Liam kung kailan ba gigising ang daddy niya at nalulungkot ito pag sinasabi kong Soon gigising din ang daddy mo.

"Mommy gigising pa ba si Daddy?"

"Oo naman basta araw araw natin siyang kausapin at gisingin"

"Pewo 1 month na siyang tulog mommy"

"Tiwala lang baby babalik sa atin si daddy okay?"

"Opo pag nagising si daddy magkakasal po kayo?"

"Kulit talaga ng baby ko Oo sige na ikakasal na kami pag nagising na siya"

Lumapit ang anak ko kay Lucas at hinawakan ang mga kamay nito.

"Nawinig mo po yun daddy? Kakasal po kayo ni mommy pag gising ka na po Gising ka na po kasi tagal mo ng sleep diyan pawa ka ng sleeping beauty"

Natawa ako sa sinabi ng aking anak kilala pala nito si Aurora sa Sleeping Beauty.

"Mommy! Gumalaw kamay ni daddy!"

"Talaga! Teka tatawag ako ng doctor"

Pumunta ang doctor sa aming kwarto at chineck si Lucas magandang sign daw ang pagresponse ng katawan ni Lucas. Maari din daw itong malapit ng magising.

"Narinig mo un baby? Basta kausapin mo ng kausapin si Daddy para gumising na ito."

"Opo mommy"

Pagtulog na si Leavhon ay ako naman ang palaging kumakausap kay Lucas.

"Hoy gumising at bumangon ka na diyan ang baho mo na isang buwan ka ng hindi naliligo yuck"

"Papakasal pa tayo di ba gising na! Joke lang!"

"May utang ka pa sa akin gumising ka diyan hoy bayaran mo ako"

Tuloy lang ako sa pagkausap sakaniya kahit wala akong nakukuhang sagot.

Sana ay gumising kana Lucas dahil miss na miss na kita.

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon