EPILOGUE

569 16 16
                                    

A/N: 10 updates para ngayong araw!!

Kung umabot ka hangang dito thankyou!!

---------------------------------------------------------------------
Ngayon ang ikaanim na kaarawan ni Liam Leavhon. Kaya kasalukuyan akong nagluluto dahil dadating ang aming mga kaibigan.

Ng maihanda ko na ang lahat ay isa isa naring nagdatingan sila Borns Kennedy Luka Nathaliana Lyra Aryl at si Clyead. Pinatigil na ako sa pagtatrabaho ni Lucas ng kami ay makasal. Nag business nalang ako ng bake shop na binibisita ko paminsan minsan. Marami din kasing itinurong recipe sa akin si Mommy Laura and Mama ni Lucas natutuwa din kami ng gumaling na ito sa sakit.

Nagsimula na rin kaming mag swimming panay ang panghaharot ni Aryl kay Clyead na busy naman sa pakikipagusap kay Lyra. Mas close kasi si Lyra at Clyead kesa kay Aryl at Clyead kaya kung minsan ay nagkakaselosan. Pero wala namang malisya kay Lyra dahil mahal naman niya ang kaniyang boyfriend. At friends lang talaga ang dalawa.

Nagkaroon kami ng pa games para sa mga isip bata naming bisita. Paunahang makakuha ng piso sa pool at may ma tatangap na prizes at kung ano ano pang birthday games.

At tuwang tuwa naman ang anak ko sa mga makukulit naming bisita.

Sabay sabay din kaming kumain ng mga handa at kinantahan ng Happy Birthday song si Leavhon.

"Happy Birthday Liam Leavhon!!" Sabay sabay na sigaw namin.

"Thankyou po!!" At hinipan nito ang kandila sa kaniyang Cars na cake

Lumapit sa akin ang aking anak at humalik sa pisngi naming dalawa ni Lucas.

"Thanks for making my birthday happy
Mommy and Daddy I Love you both"

"We love you too baby!"

Sinimulan niya na rin buksan ang mga regalong ibinigay sa kaniya na laruang kotse dahil hilig talaga niya ang mga kotse parang ang kaniyang ama.

Pinapanood ko mag swimming ang aking mga kaibigan kasalukuyan kasi silang nagkakarera nakisali nadin si Lucas sakanila. Ng biglang sumigaw ang aking anak kaya napatingin kami dito.

"PAPA ALLENON!!" Sinalubong ng yakap ng anak ko si Allenon.

Matagal narin nung huli kong nakita si Allenon dahil pumunta itong ibang bansa kinabukasan ng ako ay makasal naiintidihan ko naman at alam kong nasaktan ko siya kaya hindi ko siya kinulit na pumunta ngayon sa kaarawan ni Leavhon.

Lumapit ako sakanila at nginitian si Allenon at sumagot naman ito ng ngiti sa akin.

"Akala ko ay hindi ka na magpapakita sa amin at pupunta sa kaarawan ni Leavhon magtatampo sayo yan"

"Hehe di ko naman matitiis ang cute na batang ito" sabay pisil sa pisngi ni Liam na bumungingis. "Tsaka nagtravel din ako para magisip isip".

"Masaya ako na nakabalik ka na saan ka nga ba nangaling?"

"Sa Italy lang"

"Wow May pasalubong ka ba sa akin?" Pambibiro ko

"Meron syempre si Lucas lang ang wala hahaha"

"Grabe ka naman sa akin FAFA Allenon!" Ani ni Lucas na nagbakla baklaan sabay yumakap kay Allenon.

"Kadiri ka tol! Baka mainlove din ako sayo niyan HAHAHA"

At nagaspangan pa ang dalawa.

"Kumain ka muna bago tayo mag shot bro!" Yakag ni Lucas kay Allenon.

Ng lumalim na ang gabi ay nagsimula na silang uminom si Leavhon naman ay pinaliguan ko na dahil inaantok na daw ito.

Tumungo ako sa kwarto namin ni Lucas at kinuha sa drawer ko ang isang kit.
Nakakaramdam din kasi ako ng kakaiba nitong mga nakaraang araw. Pumunta ako sa banyo at umihi at sinunod ang tamang paraan sa pag gamit ng pregnancy test. Naghinatay ako ng kaonting oras at maya maya lang ay may dalawang guhit na lumabas sa result ng tatlong preganancy na ginamit ko.

Sobrang saya ang naramdaman ko dahil sa wakas buntis na ulit ako gusto kong tumalon pero baka ako pa ay madulas. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay bwiset ako sa Mukha ni Lucas at lagi akong gutom at kung ano ano ang hinihingi ko sakaniya at delay din ako.

Dahan dahan ako bumaba sa hagdan. At yumakap kay Lucas na nakatayo habang nakikipag kwentuhan sa mga kainuman.
Dito narin kasi matutulog ang mga kaibigan naman kaya okay lang kung makarami sila ng inom.

"May ibibigay ako sayo"

"Ano yun?" Nilahad nito ang kamay at ipinatong ko ang tatlong pregnancy test na ginamit ko.

Naghihintay ako sa reaction niya dahil titig na titig lang siya sa pregnancy test. Binati narin ako ng aking mga kaibigan finally daw ay may nabuo ulit kami.

"Will we have a baby again?"

"YESSSS!!"

Nagulat ako ng bigla itong nahimatay mabuti na lamang at nasalo ito ni Clyead at Allenon natawa talaga ako sakaniya dahil nabakla na naman siya.

Inasar namin siya ng siya ay nagising sa pagkahimatay. Pero yumakap lang ito sa akin at hinalikan ang aking tiyan.

Kinabukasan ay Sabay sabay naming sinabi kay Leavhon ang pagbubuntis ko at tuwang tuwa ito. Pinapunta kaninang umaga ni Lucas ang kanilang personal doctor at kinumpirma na nagdadalang tao nga ako.

Kaya nagkaroon ulit kami ng kaonting selebrasyon. Nanlibre din kasi si Lucas dahil muli na naman daw siyang nakaisa.

Excited na ako baby sana maging healthy ka parang si kuya mo at maging cute din tulad niya.

Lumabas ako at dinama ang preskong hangin sa pool area ng yumakap sa akin si Lucas at hinimas ang aking tiyan at hinalikan naman ni Leavhon ang aking tiyan at kinausap ang kaniyang kapatid at hinalik halikan ang aking tiyan.

"Mommy kelan lalabas si Baby?"

"7 months from now baby"

"I'm excited to see him or her"

"Me too baby"

"Sana maging kamukha mo naman para naman magkaroon ng mini version mo"

"Sana ng Lucas pero gusto ko padin na sana makuha ng mga anak natin ang maganda mong asul na mata"

Iba parin talaga ang paghanga ko sa napakagandang asul na mata ni Lucas na gustong gusto kong titigan.

Hindi ko inakala na darating ang araw na ito. Na magiging masaya ako ng ganito kasama ang aking anak at ang lalaking mahal na mahal ko pati ang mga mahal ko sa buhay.

"I Love you Everleaigh!"

"I Love You too Lucas!"

He came in front of me and kissed my lips and I kissed back

Before I Love My Two Boyfriends, But now I Love My One and Only Boyfriend and now he's already my Husband

I Love You My Husband Lucas Rossi and Liam Leavhon and the baby in my womb
And finally I find my own Happy Ending.

                      
                       THE END

(C) A Thousand Years- Christina Perri

-------------------------------------------------------------
Add me on Facebook: Lexandra Togepi 😍😍😘

THANKYOU FOR READING AND SUPPORTING THIS STORY!
SANA AY BASAHIN MO DIN ANG AKING MGA STORYA PANG ISUSULAT.

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG WALANG SAWANG NAGBASA NITO NAGVOTES AT COMMENTS THANKYOU😘😘

MORE READS VOTES AND COMMENTS PA SANA LORD THANKYOU PO😍😇🙏

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon