Chapter 40

204 10 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ng matapos ang kaarawan ng aking anak.

Nagising ako sa pag iyak ng aking anak kinalong ko ito at sinubukang padedehen pero ayaw ginawa ko nadin ang paghele pagpapadighay pero ayaw padin. Naramdaman ko ang mahinang pag hinga ni Liam kaya agad akong kinabahan at patakbong bumaba at ginising si Borns.

"Borns gising! Bilis! Dadalhin natin sa ospital si Liam"

Mabilis na nagmaneho si Borns habang pinapatahan ko si baby Liam na walang tigil parin sa pag iyak pati ako ay umiiyam nadin. at ng makarating kami sa ospital ay dinala agad si baby ng mga nurse sa Emergency Room hindi ako pinapasok sa loob kaya mas lalo ang naiyak at nagalala halos hindi ako mapakali sa aking pwesto pabalik balik ako sa paglalakad. Patagal ng patagal ang oras na nasa loob si Baby ay mas lalo akong nagaalala at kinakabahan. Nilabas ko ang rosaryo sa aking bag at nagsimulang magdasal.

"Iligtas mo po ang anak ko panginoon. Hindi ko po kayang mawala siya sa akin si Baby Liam Leavhon nalang ang meron ako ang nagpapasaya sa akin sa araw araw please po iligtas at pagalingin mo po ang anak ko."

Maya maya lang ay bumukas ang pinto at
Lumabas ang doctor at kaagad ko itong nilapitan.

"You're baby is fine and stable for now he's a strong baby but we need to monitor him for about 1 week so he need to confine here"

"Salamat po doc."

Sunod na lumabas ang baby ko na mahimbing na natutulog na nasa isang stretcher at dinala sa isang private room.

Ng maayos na nila ang aking baby nilapitan ko ito.

"Baby pagaling ka ah? A-lam ko-ng str-ong ka hin-di mo iiwan si Mommy." Nagsimula ng tumulo ng tumulo ang aking luha. Hangang sa naramdaman ko ang pagyakap sa aking likod.

"Everything will be alright! Alam kong strong si baby mawawala din ang sakit niya" ani ni Allenon habang nakayakap sa akin I hugged back.

"Tutulong kami sa pagbabayad ng bill ni Luka Everleaigh!" Ani ni Kennedy na umiiyak din.

"Tutulong din ako magbabake ako at ibebenta ko sa trabaho ko."

"Matulog kana may pasok kapa bukas kami na ang bahala mgbantay kay baby hangang sa makalabas na siya dito" ani ni Allenon sabay halik sa aking noo.

"Oo pagkatapos ko sa aking trabaho dito agad ako dadaretso"

Maaga akong gumising upang umuwi at magbake ng ititinda ko mamaya sa trabaho. At pumasok din ako may oras na natutulala ako sa trabaho di kasi ako makafocus kakaisip kay baby. Halos maubos nadin nila ang aking mga binake tulong nadin daw nila kay baby. Ang iba ay hindi na kinukuha ang sukli.

"Gagaling din si Baby. Tiwala lang eto din 5k oh pandagdag mo pinagambangan namin ni Lyra iyan"

"Maraming salamat Lyra at Aryl!"

Ipinatawag ako ng boss kaya agad akong pumunta sa opisina nito.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa baby mo nais ko sana na mag leave ka muna hangang sa maging okay na ang baby mo huwag kang magaalala may sahod ka pa din tulong ko na din."

Naluha ako sa sinabi ni Sir Clyead at nagpasalamat dito.

"Nga pala may natira ka pa bang brownies? Bilihin ko na"

Inabot ko naman dito ang 10 pang natitira na brownies at sinimulan niya itong kanin.

"Hm masarap pwede ka ng mag pagawa ng sarili mong bakery"

"Isa iyon sa mga pangarap ko sir pero sa ngayon iisipin ko muna ang kinabukasan ng anak ko".

"That's good Okay! Pwede mo ng puntahan ang anak mo ngayon see you after 2 weeks"

"Thankyou sir"

Ng makuha ko na ang aking bag at nakapagpaalam kay Lyra at Myra ay dumaretso na kaagad ako sa ospital si Allenon ang bantay ngayon kay Liam. Ngumiti ako dito at ikinuwento ang nangyari sa akin ngayong araw ikinatuwa niya din ito.

Halos isang linggo din kaming nanatili sa ospital Ng ilang araw ay unti unti ng bumabalik ang sigla at lakas ni Liam na labis ko ikinasaya. Nakakawa kasi siya nung nakaraan na panay lang ang iyak.

Ng dumating na ang huling araw ng observation sa kaniya ng doctor ay kinausap kami nito pinayagan na kaming umuwi dahil galing na si Baby Leavhon at Wala itong malalang sakit.

"Thanks God!"

Nakabalik nadin ako sa aking trabaho ng tuluyan ng naging okay si Leavhon. Sinalubong agad ako ng yakap ni Aryl dahil namiss daw nito ako dahil wala siyang kakwentuhan

Malimit kasi ay ayaw siyang kausap ng kaniyang kakambal dahil sa kagaspangan niya kung magsalita at magkwento ibang iba ang ugali ng dalawa isang tahimik mahinhin at isang magulo at walang hiya.

Natuwa din si Sir Clyead ng nabalitaan ang tuluyang pag galing ni Baby pati narin ang mga kasamahan ko sa trabaho.

Ng makauwi ako ay naabutan kong ginagabayan ni Allenon si Baby Liam na maglakad.

Napalingon ang dalawa sa direksyon ko at binuhat ni Allenon si Liam at binaba na nakaharap na sa akin ngayon.

"Halika dito baby dali! Walk ka papalapit kay Mommy!"

Dahan dahan namang naglakad si Liam na may suot na maliit na shoes papunta sa akin nakaalalay lang si Allenon dahil parang laging madadapa at susubsob kung maglakad si Leavhon.

Ng makarating sa akin si Leavhon ay niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi.

"Ang galing ng mag walk ng baby ko ah!"

"Uh mm mo..m..my" sagot nito parehas nanlaki ang mata namin ni Allenon dahil sa First word ni Baby Liam Leavhon

"Isa pa nga baby!" Tumingin ito sa akin at iniling ang ulo parang sinasabi na ayaw ko nga mommy at ngumiti ng pangasar sa akin.

Kinalong naman ito ni Lucas at kiniliti.

"Si Papa ninong ang laging nagbabantay sayo tsaka Papa ang itinuro ko sayo pero Mommy pa ang nauna mong sabihin baby? Haahaha" tawa lang ng tawa ang anak ko sa pangingiliti ni Allenon

Nilaro pa ng nilaro ni Allenon si baby at lumabas sila garden upang maglaro ng bola nagbabasketball sila ni Allenon malambot na bola lang ang gamit nila dahil kailangan niya din iyon. Para maging active at matibay ang bones and muscle.

Mukhang lalaking matigas ang ulo ng anak ko pero pogi naman!

A/N: Si Baby Ziggy Dantes ulit yung nasa pic ang cute di ba? 😍😍☺

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon