"Huling gabi na natin ito kaya sulitin na natin guys. Balik na naman sa trabaho bukas. Let's parteehhhh! (Party)" Sigaw ni baklang Luka.
"Oh kain na tayo andito na yung dalawang lovebirds" si Kennedy.
"Loko!"
Literal na sinulit talaga namin ang huling araw namin dito sa beach sa sobrang dami naming ginawang paglilibang.
"Ubos na inumin natin mga bakla kuha lang ako sa taas"
Pagkapasok ko sa isang kwarto para kumuha ng inumin isang boses ang nagpatigil sa akin.
"Masaya kaba? Masaya kaba na nasasaktan ako? Bakit kailangang andito ka pa? Sa ginagawa mo mas lalo lang kitang minamahal Everleaigh! Nababaliw ako kakaisip! Na anong ginagawa niyong dalawa pag kayo lang dalawa sa kwarto niyo!"
"Allenon! Tama na! Mahal pa kita pero mali na!".
"Mahal mo pa ak-o? Hindi ko akalain na nasabi ko pala ang bagay na iyon.
"Hindi nagkakamali ka ng pagkakarinig!" Pagtanggi ko.
"Mahal din kita! Bumalik kana sa-ken
plea-se" naiiyak niyang ani sabay halik sa akin.Nanghihina ako sa mga sinabi niya kaya hindi ko agad siya matulak.
"Gago!!" Si Lucas sabay sapak kay Allenon
Halos puro sugat at duguan na si AllenonNasasaktan ako na makita silang dalawang nagkakasakitan. Pero ako naman ang may kasalanan ng lahat ng ito.
"Tama na Hon" Pag awat ko kay Lucas Halos umiiyak nako sa harap nila.
Ng tumigil na si Lucas sa pagbugbog kay Allenon agad itong patakbong umalis.
Ngunit isang higit at Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa akin Agad kong tinignan ang may gawa nito.
"Ahas ka! Mang aagaw! Paano mo nagawa sa sarili mong kaibigan ito Everleaigh? Paano mo nagawa sa akin ito ha! Siguro nilalandi mo ang Boyfriend ko pag hindi ako nakatingin no! Hayop ka!" Sabay sabunot sa akin.
"Tama na mga bakla!" Pag awat ni Luka na umiiyak na din.
"Tama na Kennedy!! Naging kami noon ni Allenon! Hindi ko siya inaagaw sayo at hindi ko siya nilalandi! Pinalaya ko siya! Para sayo! Para kay Lucas! Para sa ikabubuti ng lahat!"
"So naging kayo pala ng hindi mo man lang sinabi sa amin? Hindi ka tunay na kaibigan! Mangaagaw! Malandi! Simula ngayon! Hindi na kita kaibigan! Get out! Umalis kana sa beach ko!!" Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Kennedy kahit luhaan na ito.
"I'm sorry Kennedy"
Agad akong tumakbo upang mahabol si Lucas. Nakita ko siyang nakaupo sa buhangin
"Lucas! Patawarin mo ako Hon. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Oo pinagsabay ko kayo. Patawad kung minahal ko kayong pareho. Patawad kung nasaktan kita nilok-" agad niya akong pinutol.
"Matagal ko ng alam na niloloko mo ako. Nalaman ko ng Nag isang buwan kayo. Ilang beses kong nakita ang mga text niya sayo at Ilang beses ko din kayong nagkikita. Labis akong nasaktan Everleaigh. Pero nanahimik ako nagbulagbulagan. Kasi Mahal kita! Sa sobrang pagmamahal ko sayo nakakalimutan ko ng pahalagahan ang sarili ko mahalin ang sarili ko. Yung nakita ko kanina sobra na! Sobra na yung sakit. Maghiwalay na tayo. Kung siya na ang mahal mo sige pinapalaya na kita. Ani ni Lucas hindi siya naiyak pero dama ko ang sakit sa bawat salita niya.
"Matagal na kaming wala ni Allenon. Aaminin ko mahal ko pa siya pero konting konti nalang. Ikaw na ang mahal ko ang mahal na mahal ko." Pag amin ko.
"Ayoko na munang marinig ang mga panloloko mo! Pagod na ako Everleaigh.
Tapusin na natin ito sakit lang ang dulot nito. Agad siyang tumayo at tumakbo sa kaniyang kotse at mabilis na nagpatakbo ng kaniyang ferrari.Sibukan ko siyang habulin pero hindi ko na siya nahabol.
"Tara na bakla ihatid na kita"
"Luka ang sa-ki-t" iyak ko dito.
Pagkatapos ko kuhanin ang aking mga gamit hindi ko na dinala ang gamit ni Lucas si Luka na daw ang bahala don. Alam ko rin kasing ayaw ako makausap ni Lucas.
Pero gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako Lucas.
Habang nasa byahe kami pauwi.
"Bakla matagal ko ng alam na niloloko mo ang dalawang Fafa ko. Nahuli ko kayo ni Allenon nung nasa bar pero nanahimik ako. Kasi pareho ko kayong kaibigan ni Kennedy."
"Salamat baksis. Sana mapatawad nila akong lahat sa aking pagkakamaling nagawa.
(C) Kahit Di Mo Alam by December Avenue.
A/N:😭😭💔
To be Continued...
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and VoteLike my page (Lexandra_togepi)
https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks
Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepiThankyouuu😘😘
Love,
LexAndrA_Togepi
BINABASA MO ANG
ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-
RomanceIs it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my love because I love my two boyfriends (Tagalog talaga to guys hehe) I'm Everlaeigh Smith and this is...